CHAPTER 3

550 53 9
                                    

NOTE : DON'T PLAGIARIZED COZ THIS STORY IS MINE. MINE ALONE. GETS ??????




         HAPPY READING PO 🙈

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~






CHAPTER 3



"I-IKAW ?" sabay pa nilang tanong ng lalaki.



"Nasaan na ang bike ko ? Bakit hindi mo pa isinasauli ?!" singhal niya dito.



"Oh I forgot. Bukas promise, isasauli ko." sagot nito at nilampasan na siya para maglakad papasok ng unibersidad.


Sumunod naman dito sina Joao at Edward. Nilingon muna siya ni Joao and patted her shoulders before walking away.


Tsansing na masyado si Joao sa kanya ha pero aminin man niya o hindi ay nagustuhan niya iyon. Sinundan niya ng tingin si Joao hanggang sa mawala na ang mga ito sa kanyang paningin. Ang ibang estudyante ay sumunod sa mga ito pero sila ni Maris ay nanatili pa doon.



"Kilala mo pala si Tony ?" tanong bigla ni Maris na nagpahinto sa kanyang magandang pananaginip ng gising.



"Tony ?" kunot noong tanong niya dito.



"Anthony Labrusca, iyong lalaking kausap mo kanina. Siya iyong tinutukoy ko na nasa America's daily."



Nanlaki ang mga mata niya. "Ano ? Ang lalaking iyon ay nasa isang magazine ? Sa America ?" nabaling ang atensyon niya sa sinabi nito.



"Oo."



"Ang gangster na iyon ?" gulat paring tanong niya kay Maris.



"Anong ibig mong sabihin ?" tanong nito. "Anong gangster ? Si Tony ? Gangster ?" di makapaniwalang tanong ni Maris kanya.


At ikinuwento niya dito ang tungkol sa unang pagkikita niya maging ang nangyari sa bar. Alam nito iyon dahil nandoon din ito sa pangyayari. Hindi lang siguro nito nakita masyado si Tony.


"At iyon nga ang nangyari." ang pagtatapos sa kwento ni Kisses kay Maris.



"What ? You mean, siya iyong hinahabol nila Zeus noong isang araw ?"



She nodded.



Zeus Collins, Ronnie Alonte and Jameson are member of a certain gang. Sikat ang gang nito sa kanilang lugar. Simula bata pa siya hanggang sa lumaki na siya ay kinakatakutan talaga ng mga tao ang grupo ni Zeus. Nagsimula iyon ng makapatay ito ng isang inosenteng babae, wala namang nagpapakulong dito dahil takot ang mga tao dito maging sa pamilya nito na may kapit sa presidente ng bansa.



Nag aaral din ang mga ito sa SLU kaya lahat ng mga estudyante doon ay umiiwas na makasalamuha ang mga ito. May mga ibang kasama din ito sa SLU na kasali din sa gang nito at marami pang iba nasa ibang parte ng lugar. Ang balita na umabot sa kanya ay si Zeus daw ang pinaka leader ng grupong iyon.



Minsan sa tuwing nakakasalubong niya ito sa daan ay yumuyuko nalang siya. Hindi naman siya pinapansin ng mga ito pero sabi kasi ng iba sa kanya ay huwag lang daw tingnan ang leader ng gang na iyon dahil malilintikan talaga ang kung sinong taong tumitig doon kaya yumuyuko nalang siya sa tuwing nakakasalubong niya ang mga ito.



Nahinto ang pag uusap nila ng marinig na nila ni Maris ang bell para sa unang klase nila ng araw na iyon.



Mabilis nilang tinakbo ang room nila at nang dumating sila doon ay wala pa ang guro nila. Nakahinga siya ng maluwag.


Ilang minuto lang ang hinintay nila at dumating na si Maam Penya, teacher nila sa economic subject.


GANGSTER BABE Where stories live. Discover now