CHAPTER 9

986 91 19
                                    



NOTE : NAGHINTAY BA KAYO NG MATAGAL ? HAHAHA SENSYA NA TALAGA :D INIISIP KO PA KASI ANO ANG MANGYAYARI SA GB UBOS NA IMAGINATION KO HAHAHAHA JOKE. ANYWAY, HAPPY READING AND SANA HUWAG NIYO KALIMUTANG I CLICK ANG VOTE . PLEASEEEE ! IYON LANG ANG HINIHINGI KONG KAPALIT SANA MAIBIGAY NIYO :D THANKIES 😭😂😂😂









---------











Dahan-dahan siyang naglakad para hindi siya marinig nang nakatira sa pamamahay na iyon. Hindi siya mapakali, nangangati na ang kamay niyang hawakan ang bagay na nasa ilalim ng bulsa niya. Gusto na niyang itutok ang bagay na iyon sa rason kung bakit nandoon siya.




He tiptoed along the hallway of that mansion hanggang sa marating niya ang silid nang nag iisang anak na babae nang pamilyang iyon. Maingat na binuksan niya ang pinto para hindi iyon lumikha ng ingay. Pagbukas niya ng pinto ay nakita niya agad ang isang buwang anak ng mayor sa bayan nila. Katabi nito ang katulong na nag aalaga dito. Maingat siyang naglakad para hindi siya marinig dahil ang kabilang silid ang silid ng may ari ng mansyon.





Nang makalapit na siya sa batang babae na nakahiga sa kama ay agad na inilabas niya ang bagay na nasa bulsa niya. Dahil nagrereflect ang sinag ng buwan sa kwartong iyon ay parang nilagyan ng ilaw ang matalim na bagay na iyon. Itinaas niya ang kamay na may hawak ng kutsilyo at inihandang isaksak iyon sa bata.





Isang segundo ..




Dalawang segundo ..





Tatlong segundo ...






Napahinto siya sa naisip na gagawin nang makitang nagising ang bata at tumingin sa kanyang mga mata. Ngumiti ito sa kanya pero may parte sa mga mata nitong parang malungkot. His heart beat so fast when he realize what the child do. Para bang nagmamakaawa itong huwag niyang gawin ang binabalak nito. Pero paano ? Matagal na niyang pinagplanuhan iyon, Delavin Family killed his son kaya dapat lang na patayin niya ang nag iisa ding anak na babae ng mga ito.





Ilang sandali pa ang lumipas ay ibinaba niya ang kamay na may hawak na patalim. Kinuha ang bata mula sa kama at hindi hinayaang makagawa ng ingay. He tiptoed again to went away in that house.






Tatlumpong minuto ang lumipas ay nakalabas na siya ng mansyon. Tiningnan muna niya sa huling sandali ang bahay ng mga Delavin pagkatapos ay ang batang karga niya, nakita niya ang kwintas na nasa leeg nito, galing iyon sa ina nito kaya hindi na niya inisip na alisin ang bagay na iyon sa bata.




The child was still looking at him. Kung hindi niya papatayin ang bata ay ang pangalawang iniisip ang gagawin niya. Hindi siya papayag na maging masaya ang pamilyang Delavin, hindi niya mapapayag. Pinatay ng mga ito ang anak niya kaya gagawin niya ang mas masakit sa mga ito. Ipaparanas niya sa batang Delavin ang kahirapan. Kahirapang mas mahirap pa sa dinadala niya.





Habang naglalakad siya paalis sa lugar na iyon ay nahagip ng mga mata niya ang mag asawang Santos. Wala nang bahay ang mga ito kaya nakikitira lang sa bahay ng kaibigan nito na sinisingilan pa din ng renta. Nakaupo ang mga ito sa labas ng tindahan habang kumakain ng tinapay.




Lumapit siya sa mga ito at inihanda ang ngiti.






KINABUKASAN ay nagpunta ulit siya sa bahay ng mga Delavin. Malapit siya sa pamilya dahil driver siya ng mag asawa. Kaya madali sa kanyang iligpit ang mga ito dahil driver siya. Hindi alam ng mga ito na anak siya ng presidente ng isang sikat na business emphire at hindi alam ng mga ito na anak niya ang namatay ilang araw ang nakakaraan dahil sa ginawa ng mga ito. Mabait at magaling ang anak niya. Sa edad na bente sais ay marunong na ito sa lahat ng bagay maging sa proseso ng pulitika. Nag balak ang anak niyang maging mayor sa bayan nila at kalaban nito si George Delavin na alam nilang sikat sa bayan dahil sa kabaitan. Nang matapos ang eleksyon ay idineklarang ito ang nanalo bilang Mayor at ang anak niya ay bilang bise-mayor. Wala naman siyang nakikita na nagsisisi ang anak niya sa nangyari. Ilang araw ang nakakaraan pagkatapos ng eleksyon ay nagulat na lang siya sa natanggap na balita, his son died in the city hall of their place due to suicide.





GANGSTER BABE Where stories live. Discover now