CHAPTER 54

24.3K 618 11
                                    

".IKAW ang pumatay sa anak mo. Wag mong sisihin si Alex dahil ni hindi nga niya alam na buntis ka."

Singhal ni Jane sa pagmumuka ni Haciena. Nakatayo lang ito pero kitang-kita ko kung paano humigpit ang pagkuyom nito sa kanyang kamao.

".Tumahimik ka. Itikom mo yang bunganga mo kung ayaw mong ipakagat kita kay Egie."Pananakot na banta ni Haciena.

Subalit nagmistulang bingi si Jane at nagpatuloy ito sa pagsasalita na halos pasigaw na dahil sa lakas ng boses nito.

At ako naman ay nakikinig nalang kahit kanina ko pa gustong kumawala pero diko alam kung paano.

Nasagi ng utak ko ang sinabi ni Jane kanina. May alam ba siya tungkol sa babaeng ito at kay Alex?

".Pagod na pagod na akong manahimik at magpanggap na inusente. Pagod na akong makinig at maging sunod-sunuran sa mga utos mo, kayo ng baliw na John na yon." Naluluhang sambit ni Jane.".Pati ang kawawang Alex ay pinaikot niyo...napaka walang puso niyong tao."

Nasagot na ang tanong ko kanina sa aking isip dahil sa mga ipinagtapat ni Jane ngunit malabo parin sa akin ang lahat.

Sa nakikita kong expression ni Jane ay bumabalik ang dating Jane na kilala ko. Kung ganon,marami pala akong hindi alam tungkol sa mga pinagdaanan niya.

".Sabing tumahimik ka. Kapag hindi ka tumigil..."Pinutol ni Jane ang pag-aawat na saad sa kanya ni Haciena.

".Fuck you ka, Ciena! Patayin mo na ako kung yan ang gusto mo. Katulad ng ginawa mo kay Daddy at sa mommy mo. Alam ko ang lahat Ciena,pinatay mo ang Daddy ko at ang mommy mo. Akala mo ba hindi ko alam? nagbubulag-bulagan lang ako dahil sa takot na baka ako na ang isusunod mo or di kaya ay ang buhay ng bespren ko."Sa akin nabaling ang tigmak na luhang mata ni Jane.

I could see the sadness in her teary eyes.

Hindi ako makapaniwala sa mga nalalaman ko ngayon. Ibig sabihin si Haciena ang stepsister nito na minsan na nyang nabanggit sa akin noon?

".J-Jane? Anong ibig mong sabihin?!"Hindi kona napigilang wag makisingit sa usapan nila.

".Abigail! Patawarin mo ako. Marami akong hindi sinabi sayo,marami akong nilihim sayo na sana noon ko pa sinabi. Pero ngayon,sasabihin ko na ang lahat-lahat."Walang tigil sa pag-iyak na sa tugon nito.

Nanatiling walang imik si Haciena subalit kakaiba ang nararamdaman ko sa presensya niya. Tahimik man pero sigurado akong may madilim siyang binabalak at mukang alam na iyon ni Jane.

Bigla akong kinabahan at nagpatuloy naman sa pagsasalita si Jane.

".Si Alex! si Alex ay may gusto sayo Abigail. He likes you,pero napikot na siya ng babaeng ito.Matalas na titig siyang bumaling kay Haciena.

What? may gusto sa akin si Alex? i didn't know that?

".Jane! Wag mong sagarin ang pasensya ko. Gaya ng sinabi mo,kayang-kaya kitang patayin tulad ng pagpatay ko sa Daddy mo at kay Mommy."Nanlilisik matang banta ulit ni Haciena.

".Binigay mo ang katawan mo kay Alex,hanggang sa nabuntis ka. At nalaman mong mahal parin ni Alex si Abigail kaya naisipan mong magwala. Pinatay mo ang karamihan sa mga gangsters ni Daddy na inangkin mo. Hanggang sa nakunan ka,tapos sinisi mo kay Alex ang pagkawala ng bata. Pinatay mo siya at balak mo ring isunod ang bespren ko. But i did everything to stopped you."Walang prenong paksa ni Jane at hindi na nito pinansin ang banta sa kanya ni Haciena.

Ako naman ay tuluyan ng natulala.Hindi parin ako makapaniwala sa mga naririnig ko mula sa bibig ni Jane.

".Nakiusap ako sayo noon na wag na wag mong gagalawin ang bespren ko at sa awa ng diyos,nakinig ka naman subalit..."Nag pause muna ito saka lumingon sa akin at nagpatuloy parin sa pagsasalita.".Nagpunta ka sa Paris at doon nakilala mo ang apat na babaeng yan. Until then,you met this guy, Dylan Monterelaos."May lungkot na usal pa ni Jane.

(R18)Tinamaan Ako Sayo (DYLAN MONTERELAOS)Where stories live. Discover now