Kutob

28.3K 447 52
                                    

Hindi nagtapos sa simpleng paglalapat ng labi ang lahat.

Kahit alam kong napaka-mapangahas nang ginagawa naming dal'wa, masyado na kaming darang sa pananabik upang bigla na lamang huminto.

Hindi ko na nagawang magpigil lalo na't para akong hinahamon ng pagkakataon at ni Kate mismo.

Isa pa, wala namang makakakita sa'min dito. Sa baluktot kong pag-iisip, wala namang masama.

Marahan at maingat ang naging bawat kilos naming dal'wa. May mga pagkakataon sumusunod na lamang ako kung saan man ako dinadala ni Kate, dahil sa pagitan naming dal'wa, hindi naman niya itinangging siya ang mas may karanasan.

Sa umpisa nga'y hinayaan ko siyang gabayan ang aking kamay paikot sa kanyang katawan.

Hindi ko man nakita nang buong-buo si Kate, dahil na rin sa hindi naman kami maaaring basta na lamang maglantad ng katawan sa gitna ng kagubatan, kuntento na akong maangkin siya't mahagkan.

Subalit hindi nagtagal ay naudlot din ang aming pag-iisa.

Bigla akong napabalikwas mula sa'king pagkakasandal sa isang malaking puno.

Gayunman, agad kong inalalayan at siniguradong nasa maaayos na kalagayan ang aking kasama. Matapos nito, saka ako kumilos at kinalatis ang paligid.

"Lemuel, anong nangyari? Pinapakaba mo ako. May nakita ka ba?" agad na nagbihis si Kate habang ako'y balisang nagamamasid sa kahit saang lugar na naaabot ng aking paningin.

Nasa itaas na bahagi na muli kami ng kagubatan, ngunit nasa tapat pa rin nang mababaw na bangin na kinahulugan namin kanina. Sa kabilang dako nito ay kapansin-pansin ang mas masukal na parte ng kakahuyan. Mas dikit-dikit ang mga puno doon at tila mas masikip ang mga daanan kumpara rito sa'ming kinalalagyan ngayon.

"Uy, Lemuel," muli akong tinawag ng aking kasama na iniaabot na pala sa'kin ang puti kong sando.

Nakabihis na ring muli si Kate, medyo magulo nga lang ang buhok. Halatang ilag din itong sumusulyap-sulyap sa'kin.

Nakakailang pala talaga ang ginawa namin.

"Pasensiya na, Kate. Hindi ko napigilan ang sarili ko," maagap kong paghingi ng dispensa.

"Lemuel, nagsisisi ka ba? Nagbago ba ang pagtingin mo sa'kin?" nanginginig niyang tugon.

"Hindi! Siyempre hindi ako nagsisisi," tuwiran kong pag-amin. "Gusto kita, Kate."

Bigla ko na lamang nasabi ang aking nararamdaman nang walang pag-aalinlangan. Mas nabigla pa nga ata ako sa ginawa kumpara rito sa'king kausap. Subalit bakit nga naman kasi ako magsisisi? Kung tutuusi'y masuwerte pa nga ako. Sa katunaya'y ako pa nga itong nakalamang.

Sa'king palagay kasi, parang napakalalim na nitong koneksyon ko sa babaeng aking kaharap. Marahil mali ako o nagmamadali, ngunit ang isang dalagang kasing ganda at kay sarap kasama na kagaya ni Kate ay talagang mahirap tanggihan.

Sa takbo ng mga pangyayari at lakas ng kabig ng aking dibdib, hindi ko maiwasang isiping nahuhulog na ata talaga ako sa'king kasamahan. Sa isang 'di inaasahang lugar at pagkakataon, sa ganitong sitwasyon pa talaga ako nakaramdam ng pagmamahal at nilalamon ng pagnanasa.

"Ako rin, I'm sorry. I mean, if I acted... weird... how do I even say it? Sa totoo lang I couldn't explain myself either. Siguro, we should head back," alanganing tugon ni Kate.

"Ah? Oo, sige," bahagya akong nalungkot dahil hindi ko talaga alam kung paano susundan ang ginawa namin ni Kate.

Hindi ko alam kung paano ko ipaparating sa kanya na seryoso ang intensyon ko kahit na ganito ang kalagayan namin ngayon.

Tatlong Gabi sa San IsidroWhere stories live. Discover now