#11: In a Relationship

855 52 4
                                    

• Kaizer •

Okay. Nagtutuyo ako ng buhok ko ngayon dahil nga binasa kami. Alam na din nila na kami na Ni Zia.

Well, paano?

~~ Flashback~~

2 weeks ago.

Lintek! Akala namin mahuhuli kami ni Rhie. Jusko, Ang Sabi namin mag ice cream Lang sila. Di ko Naman Alam na Date pala Ang gagawin nila. Buti na Lang Hindi kami nahuli.

Muntik na kasi kaming Makita Ni Rhie. Nakasalubong namin sila sa may bandang supermarket. Buti naiwan muna niya si Rhie saglit at Kinausap kaming dalawa ni Zia at itinulak kami sa isang restaurant.

Teka nga!

Eh mas mabuti nga Sana Kung nahuli na Lang kami eh! Kesa Naman Makita Kong nagdedate si Liyah at Enzo!

Tangina kase Ni Jester. Ang dami daming pwedeng mapuntahan, dun pa sa madalas namin kainan Ni Liyah. Tangina talaga.

Tumakod ako para Hindi na sila Makita. Naiinis Lang ako lalo.

Madalas kami kumain sa isang food chain restaurant sa Mall. Paborito niya yon at dun niya ako laging gustong dalhin.

Akala ko ako Lang dinadala niya don. Pero Lintek! Pati din pala si Enzo. Di ako aware!

ENG SHEKET!😭😭

"Kaizer," Tawag niya. Lumingon naman tong kasama ko.

Tangina, bat ka lumingon!!

"May natawag sayo." Napabuntong hininga na Lang ako at lumingon.

"Liyah, ikaw pala." Ngiti ko.

Nakakainis. Sila na magjowa!! Sa dami dami ng place pwedeng magharutan dito pa.

"Hi," bati niya habang ka holding hands si Enzo! Nginitian naman ako Ni Enzo Kaya ngumiti na Lang din ako. "Saan kayo?" Tanong ko.

"Pauwi na din kami. Kayo?"

"Kakain pa lang. Hehe!" Plastic Kong sagot.

"Oh, I see. Sino siya?"

Nakakainis.

"Hi! Zianna Ch~"

"Girlfriend ko." Ngiti ko.

~~ End of Flashback~~

Yung time na Yun gustong bawiin pero Wala na nasabi ko na. Kung noon medyo okay kami ngayon madalas tatarayan na Lang ako Ni Zia.

"O! Anong Plano naten?" Tanong ko.

"Bumaba!"

"Ayoko bumaba!"

"Bakit?!!"

Feeling ko galit si Rhie.

"Basta! Magtatanong Lang sila ng magtatanong!"

"Oh eh ano Kung magtanong sila? Edi sasabihin ko na Fake relationship Lang tay--"

"WAG!"

"BAKIT?!"

"Pag may ibang nakaalam na fake Lang tayo, sasamain ka saken!!"

Nagulat ako ng nasigawan ko siya. Natahimik Naman kami pareho.

Birthday na Birthday niya ganito pa nangyare.

Magagalit lalo si Rhie Saakin pag nalaman niyang tinuloy ko Yung planong 'fake relationship' Kay Zia.

"Hayaan mo na nga!" Buntong hininga niya.

Kanina nga eh, nagulat ako nung pinakilala niya ako sa friend niya.

Ken ba Yun? Oo Ken nga!
Kenneth Yung may kaharutan sa pila sa Sections.

First time Yun Kaya gulat na gulat ako. Pero bwiset din kase nakita ko din sila Liyah at Enzo kanina.

Nakakainis!

Eto Lang ba Ang paaralan sa lugar na to?! Bakit lahat andito na?!

What should I expect?!! Nasa iisang lugar kami! May nakakagulat ba?

"Dali na bumaba na tayo."

"Tss. Ang Kulit Naman."

"Dali na kase!" Sabay hila Saakin.

Pagbaba namin andun ung apat. Umupo kami sa couch.

"Kelan pa naging kayo?" Jester.

"Bakit?" Dustine.

"Paano?" Rhie.

"Uhmm.. 2 weeks ago?"

"Di ka sure?" Rhie.

Takte. Kinakabahan ako.

"Sure!" Sabi ko.

**********

Nasa kwarto ako ngayon. Ang weird. Tatlo kaming nasa kama pero awkward.

"Mahal mo ba siya?"

What. The. Heck. Anong tanong Yan?!

"Oo Naman." Well, as a friend pero.

"Eh si Liyah?"

"I've moved on, anuba?" Fake smiles.

"Sigura--"

Naputol Ang sinasabi niya NG biglang may kumatok. Binuksan Naman Yun Ni Jester.

"O! Anong ginagawa mo dito?"

"Wait Lang! Dito muna ako! Ayokong makipag plastikan." Rhie. Ano ba Naman to, kinakabahan na naman ako.

"Makipag plastikan?" Tanong Ni Dustine.

"Imagine! Sila na Wala man Lang tayong Alam!" Sabay sandal sa pinto. "Sabi na eh! Tama Yung nakita ko kanina!"

"Ano bang nakita mo?" Tanong ko.

"Na magkaholding hands kayo ni Zi--" Naputol Ang sinabi niya sabay sinamaan ako ng tingin. Feeling ko pinagpapawisan ako ng sobra.

"Ano?" Ako.

"Andyan ka pala." Pinangliliitan niya ako ng mata. Gusto ko tumawa dahil nga singkit na nga siya ang sama pa ng tingin niya pero di ako makatawa. "Halika nga dito!"

Lumapit Naman ako.

"Ikaw ba eh seryoso ka Kay Zia?"

"Oo Naman!"

"Siguraduhin mo Lang ah! Ayokong nasasaktan si Zia. Ayokong dumating Yung araw na may pagsisihan kayo pareho tapos mauwe Lang din kayo sa Wala."

May pagsisihan?

Wala namang dapat pagsisihan di ba? Fake relationship Lang to.

Pero bakit parang nakakakonsenya?

Tanginang buhay to oh!

*********

Okay. Sabaw tong Chapter na to.
Sorry kung panget. Well, feeling ko Ang panget. Minadali ko siya guys!!
Namental block ako ng sobra hanggang sa Yan Ang result. Ang. Panget. Well, nakakaparanoid kase malapit na pasukan at madami pa pala kaming gagawin. Graduating feels. Nakakainis.

Sorry guys magtiis muna kayo sa panget na chapter. ✌✌

-Richheee❤

Living with the Jerks || ❤ COMPLETED ❤Where stories live. Discover now