❤Chapter 8❤ Buko Juice

467 38 0
                                    

Art's POV

Nasa kwarto ako ngayon at nagwo-work-out. Konting push-ups lang. Pandagdag muscles lang. Matapos mag work-outx tumayo na ako at tinignan ko relo ko kung anong oras na. 5:43 na. 15 minutes muna na rest. Upo lang. Para iwas pasma.

Naligo na ko at nagsuot nang uniform. Tapos bumaba na ko ng kwarto ko. Walang tao sa baba. Baka tulog pa si Kath. Kaya walang nagluto ng agahan namin. Matatagalan daw kasi yung uwi ni Tita.

Nag-isip ako ng madaling lutuin. Itlog, Hotdog tsaka Bacon. Kunting tinapay at gatas. Okay.

Pagkatapos kong magluto, siyempre inihanda ko na yung mesa na kakainan namin ni Kath. Inihain ko na yung kanin at ulam namin. Naglagay na rin ako ng Gatas at konting Wheat Bread, baka kasi walang ganang kumain si Kath.

Me: Kath ! Fre ! Baba ka na dito ! Breakfast na ! Male late na tayo woo !

Hinintay ko siya. Baka kasi naliligo pa.

5 Minutes.

10 Minutes.

15 Minutes.

Ugh. Kanina pa ko naghihintay. Baka malate kami neto. Mapuntahan nga.

Pinuntahan ko siya sa kwarto niya.

Me: Kath ! *Knock* Fre ! *Knock*

Walang sumasagot kaya binuksan ko nalang yung pinto ng kwarto niya. Hindi naman naka lock.

Me: Woi Fre ! Bumangon ka na dyan ! Kanina pa ko nakabihis woo !

K: Hmmm!

Yun lang yung sagot niya. Naiinip na ako kaya binuhat ko nalang siya at itatapon sana sa Bath Tub niya pero...

Me: Kath ! Fre ! Ang init mo ata ah !

K: Malamang buhay pa ko.

Mahina niyang pagkakasabi. Hinawakan ko yung noo niya. Ang Init nga.

Me: Mataas yung lagnat mo Fre ah !

Ibinalik ko siya sa higaan niya at kumuha ng Aid kit at tinignan kung merong gamot. Pero wala. Kaya lalabas na lang ako at bibili.

Me: Fre ! Wag kang tatayo diyan ah. Higa ka lang. Bibili lang ako ng gamot. Mabilis lang to. Babalik din ako agad.

Tinakbo ko yung Botika dito sa Subdivision nila. At bumili ng gamot. Lahat ng gamot binili ko. Sakit sa ulo, sa katawan, sa tiyan at kung ano-ano pa. In case na rin yung iba. Tapos tumakbo ako pabalik sa bahay at kinuha ang wheat bread at tubig tapos pumunta na ko sa kwarto niya.

Me: Fre ! Kainin mo muna tong tinapay oh ! Kahit konti lang ! Tapos inom ka na ng gamot.

Kinuha naman niya yung wheat bread na dala ko at kinain. Naubos naman nya yun.

Me: Oh ! Inom ka ng gamot oh !

Inabot ko sa kanya yung gamot at tubig. Pero di niya tinanggap.

K: Anong gamot yan ? Capsule o Tableta !

That Sudden Tibok Ng Puso [Book 1]Where stories live. Discover now