Chapter 5 - Almost There

4.1K 110 0
                                    


Maybe the reason why people talk about whirlwind romance is because they really exist. At 25, I know I will put myself in this stupidity.

"Aarrrggghhh!"

Napasabunot ako sa buhok ko. Lahat ng kalasingan na meron ako kagabi ay naglahong parang bula. Ngayon ko lang napagtanto lahat ng ginawa ko. Para tuloy gusto kong sampalin ang sarili ko.

"You're so stupid Sab."

I never knew I could be so reckless and stupid like this. I know, walang klarong usapan na namagitan sa aming dalawa ni Gene kagabi but the fact that I kissed her is a proof of me being an idiot.

What am I gonna do now?

I can't take take what I said and what I did. I just know I couldn't. But fuck, I fell for Gene. Hard. And fast. I never expected this. Never in my wildest dreams.

"Are you okay Ma'am?"

Napalingon ako kay Mia. Andito na ako sa shop pero ang katinuan ko ay naiwan sa bar kagabi. I'm so doomed.

"H-ha? Yes. I'm fine. Okay lang ako, Mia."

"Si Gene po ba?"

Mabilis akong napalingon dito. Pati si Leslie at Clara ay lumapit na din sa amin.

"Nakita namin ang nangyari kagabi, Ma'am. Ang astig talaga ni Gene. Kaya siguro nabaliw si Ma'am Vannah dun."

Mabilis namang tinampal ni Leslie sa batok si Mia na ikinatahimik ng isa. Alam kong kilala nila si Gene since madalas sila dito ni Vannah. Hindi ko tuloy alam kong mahihiya ako sa isiping nakita nila ang nangyari kagabi.

"Sa totoo nga Ma'am, parang mas may gusto pa sayo si Gene kesa kay Ma'am Vannah. Puro ikaw ang tinatanong dati kapag nakatalikod si Ma'am Vannah."

I admit na nagulat ako sa nalaman ko. Hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba o hindi.

"Huwag niyo sanang masamain Ma'am ha, pero may gusto ba kayo kay Gene?"

Napayuko ako sa tanong ni Clara. Three years na ang shop at alam kong kahit papaano ay established na din ito. Three years ko na ding kasama sina Mia pero ngayon lang kami nakapag-usap ng ganito. Mas malapit kasi sa kanila si Vannah.

"Hindi puwede. Alam niyo naman kung bakit, hindi ba?"

Napatango naman si Clara sa sagot ko. Oo, hindi talaga kami pwede ni Gene. Masyadong malabo.

"Ang tanong ko naman Ma'am is kung gusto niyo siya. Hindi ko tinanong kung magiging kayo. Magkaiba po iyon."

Nasa loob ako ng opisina pero naiisip ko pa din ang sinabi ni Mia. Oo, magkaiba nga iyon. Puwede ko naman talaga siyang gustuhin kahit hindi maging kami. Pero pwede nga ba?

Si Elvis. Ang tagal niyang nanligaw bago ko siya nagustuhan. Pero bakit kay Gene, ang dali lang? Hindi pa kami pero nahalikan na niya agad ako. Samantalang kay Elvis, lagpas kalahating taon after ko siyang sagutin bago ako nagpahalik. Damn, what is happening to me right now? Hindi na ito normal.

I was interrupted by a sudden knock on the door.

"Come in."

Isang nakangiting Gene ang pumasok sa loob ng opisina ko. Damn, she looked so striking handsome!

She immediately cupped my chin and gave me a chaste kiss na nagpawala agad sa katinuan ko.

"Hey pretty."

She handed me a boquet of flowers. It looked a bit disorganized and messy kaya alam kong siya ang nagbalot nito.

"I missed you, Sab."

My Forbidden SentinelWhere stories live. Discover now