THE BEGINNING.

5 0 0
                                    

Pepper's POV.

Naglalakad ako sa mainit na kalsada habang pilit na tinatakip ang Folder na kulay brown sa ulo ko para gawing panangga sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko.

Kung bakit ba kasi hindi ko nadala yung payong ko eh!Kung bakit ba kasi ang init dito sa Pilipinas. Nakakabeast mode pisti.

Ilang buildings at side vendors na rin ang nalampasan ko bago ko natanaw yung building ng kompanyang pag-aaplayan ko.
Nakaramdam ako ng uhaw kaya naman bumili muna ako tubig sa tindahan malapit dun sa pag-aaplayan ko.

"Ate, may cold water ba kayo?"tanong ko sa tindera. Napatitig at natulala naman sakin yung tindera. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa kaya naman tinignan ko yung sarili ko mula paa hanggang ulo.

Naka-White loose sando ako na pinatungan ng grey na blazer. Sa baba naman ay naka pencil skirt na kulay gray. Lakas maka-Businesswoman attire.

"Ate? Yohoo? Buhay ka pa?" pagkuha ko ng atensyon niya. Nagtatakang tinaasan niya naman ako ng kilay.

"May cold water po ba kayo?" Pag-uulit ko.
"Wala. Bibili ka?" Takhang tanong niya sakin.

"Hindi. Wala naman pala kayong cold water eh.Pano ako makakabili?" pangbabara ko sa tindera. Maasim na mukhang tinignan niya ako.

"Ba't ka bibili ng cold water? Eh may mineral water naman? Poor lang ang peg?" pabalang na sagot niya naman sakin. Nanlaki yung mata ko.

"Poor naman talaga ako! Mukha lang talaga akong rich sa suot ko no." Nagposing posing pa na sabi ko sa kanya.

"Ah. Kaya pala. Naghahanap ka ng trabaho no?"Curious na tanong niya sakin. Tsismosa nitong tindera nato.

"Hindi, hindi. Trip ko lang magsuot ng ganto. Ang lamig kasi dito sa plipinas eh. Try mo kayang mag-ganto te?" Sarkastikong sagot ko sa kanya. Nakakaloka mga tanong neto ni ateng tindera ah. Sayang, pretty sana siya kaso may pagkalutang din.

"Edi waw. Wag mo nga akong tawaging ate. Mas mukha ka pa ngang gurang sakin eh. Ano? Bibili ka ba?" nakataas na kilay niyang sabi sakin. Taray ng tindera nato. Pormadong pormado ang kilay. Sana all.

"Baby face kaya ako. Oh,magkano mineral water niyo?"

"Wantawsand pere sheyo." maarting sabi niya sabay lahad ng kamay.

"Ito, bente pere sheyo." Sabay sampal ko ng bente sa kamay niya. Kala niya ha.

"Poor.Tsk."Sabay irap niya sakin tapos abot ng mineral water. Nginitian ko naman siya ng matamis. Yung nakakadiabetes na ngiti para cool.

"Mukha kang si joker. Joker girl version."tamad na sabi niya sakin habang inaayos yung mga paninda niya. Nasamid naman ako. Lumapit siya sakin at malakas na tinapik-tapik ang likod ko.

"Tatawag na ba ako ng ambulansya? Oh hahayaan na lang kitang madeds?" Nang-aasar na sabi niya sakin.

"Wa-walangya k-ka." Umuubong-ubong sabi ko sa kanya. Nang mahimasmasan ako ay naiinis na hinarap ko siya.

"Ano ba pangalan mo?Nang maipabarangay kitang bruha ka?" nakapamaywang na tanong ko sa kanya.

"Secret." Seryosong sagot niya naman.

"Secret secret ka pa diyan. Sabihin mo na kasi eh." Kabadtrip nitong bruhang to ah.

"Secret nga kasi! Secret D. Makaumay!" Naasar na sigaw niya sa mukha ko.

...

...

...

...

"Pfft.H AHAHAHHAHAHA. Cool na sana pangalan mo eh. Bagsak lang sa apilyedo. HAHAHAHAHAHAHA" Tatawang tawang pang-aasar ko sa kanya. Naka-poker face niya lang akong tinignan. Nang matapos akong tumawa ay tumayo na ako ng maayos at inayos yung suot kong blazer.

"Tapos ka na?" mataray na sabi niya. Pa-fierce masyado. Pfft.

"Oo. Pfft. Ako nga pala si Belle." sabay lahad ko sa kanya ng kamay. Inabot niya naman yung kamay niya at nagshake hands kami.
"Nice to meet you!"masayang sabi ko.

"Ako rin mabelle belle." nang-aasar na sabi niya.
"Uror ka Makaumay." Ganti ko sa kanya. Nagmamadaling binawi ko naman yung kamay ko at tinignan kung anong oras na ba.Pakingshet!5 minutes na lang late na ako! Napasarap ata pag-uusap namin ni Secret.

Nagmamadaling nagpaalam naman ako sa kanya. "Bye makaumay! Kitakits na lang bukas!"

"Lul! Di ka matatanggap! Goodluck!"sigaw niya sakin habang kumakaway. Walangya. Di ko na lang siya pinansin at nagmamadaling  pumasok na lang ako sa building ng kompanyang pag-aaplayan ko.

———•••••••••

A/N:
Ye━━━━(゚∀゚)━━━━s!!
Aym so happi na natapos ko na rin yung simula.CHAROT!Yah yah.I know i know na hindi mahaba.Wala eh.First story ko to at phone ko lang gamit ko kaya chill lang.

See yah sa next chappie!

You're not the boss of me.Where stories live. Discover now