1

4 0 0
                                    

Pepper's POV

Hinahapong nakarating ako sa pag-iinterviewhan sakin. Feeling ko nadrain na naman yung energy ko. Kung bakit ba kasi ang daldal nung tindera eh!

Nagtaka naman ako. Bakit ako lang ata mag-isa? Wala na bang ibang mag-aapply?Ay,baka natakot sa beauty ko. Lol.

"Excuse me miss. Nakaharang ka sa pintuan." Nahinto naman ako sa pag-iisup ko. Ako ba? Ako ba yung nakaharang? Bigla naman akong bumaling sa likod ko.

Uy fafa.Yummy~

"Ay! Sorry naman po kuya." Hingi ko ng paumanhin sa kanya sabay tabi. Tinignan lang naman niya ako sabay lakad papasok sa pintuan. Pero bago pa siya makapasok ay tinawag ko siya.

"Wait! Ba't ka papasok? Mag-aapply ka rin ba? Hindi ka pa tinatawag ha? Wag unfair uy! Mas nauna ako sayo dito. Alam mo ba na ang layo ng nilakad ko? Daig ko pa nagrally sa EDSA!" Lumapit ako sa kanya at hinawakan yung braso niya. Paatras na hinila ko siya ng marahan habang naglilintanya pa rin.

"Wala ka bang puso? Babae ako.  Ako dapat ang mauna! Alam mo ba yung kasabihan na 'Ladies First Before Dudes?' Di mo alam yun kasi imbento ko lang yun kaya ako dapat ang mauna okay? Diyan ka muna.Upo ka muna at maghintay. Patient is a virtue okay?Wag kang-." Naputol yung speech dahil biglang bumukas yung pintuan.

Lumabas yung lalaki na naka business attire. Nanlaki yung mata niya ng makita niya kami.

Pakshet! Baka ito yung mag-iinterview sa mga mag-aapply! Fafa din!

Mukha namang nakarecover yung fafa.
"Froster! What are you doing there?" Nagtatakhang tanong nung bagong labas lang na fafa din.

"I was about to enter—"pinutol ko naman yung sinasabi nung lalaking pinaupo ko.

"Hi Sir! Hindi po ako si Mr. Froster. Hehe. Ako po si Belle Pepper Milley. Mag-aapply po ako dito bilang secretary. Ikaw po ba yung mag-iinterview sakin?" sunod sunod na sabi ko sa kanya.

Mas lalong magtaka si Mr. Fafa. Matapos niya akong titigan ay bigla siyang natawa. OKAY....?Baliw ba to? Nakashabu?
Ilang sandali pa ay nahimasmasan na siya kakatawa.

"Oh no. Hahahaha. Di ako ang mag-iinterview sayo. Yan. (Turo sa lalaki na nasa likod ko.) Yan ang mag-iinterview sayo." Ooowws? Eh mukha namang tambay tong lalaki na nasa likod ko eh. Nakaripped jeans lang tapos t-shirt na black. Ito ba yung mag-iinterview sakin?

"Done checking me out Miss?" tinaasan niya ako ng kilay. Gwapo sana kaso mataray, dinaig pa tindera namin sa canteen dati sa school sa pagtaas ng kilay.

"Ano ka? Hotel? Checking out ka pa dyan." mahinang sabi ko. Nagtatakhang tinitigan niya naman ako. Baka narinig niya!

"Pardon miss?" tanong niya sakin.
"Wala wala. Ikaw po yung mag-iinterview sakin?" pag-iiba ko ng topic. Baka kasi bigla na lang akong ipakuha sa mga guard eh."Yes,I am."bigla namang sumeryoso yung mukha niya. Wow, ang bilis mag-change ng mood ah.

"Ahh. Hello po. Pasensya na po pala sa inasal ko kanina. Kala ko po kasi na mag-aapply din kayo eh. Mukha lang po kasi kayong tambay sa kanto." magalang na sabi ko sa kanya, sinabayan ko pa ng konting bow para sincere tingnan.

Di makapaniwalang tinignan niya ako. Tapos biglang kumunot yung noo niya.
"Oh. I see." tapos ay nilagpasan niya ako at pumasok niya siya dun sa office niya ata?

"Miss. Goodluck sayo." biglang salita nung si Mr. Fafa sakin sabay kindat at alis niya.

"THANK YOU SA GOODLUCK AT KINDAT MR. FAFA!" may kalakasang sabi ko sa kanya. Nilingon niya naman ako at natatawang kumaway.

Hinarap ko yung pintuang nakasara. Sana makakuha ako kahit na parang ang bastos ko kanina sa mag-iinterview sakin.

——

Nanginginig na nakaupo ako sa harap ng nag-iinterview sakin. Ba't ba kasi ang lakas ng aircon? Sana naman nag-isip muna siya kung sanay ba sa aircon yung mga iinterviewhin niya bago niya tinodo yung aircon di ba? At bakit ako lang mag-isa?Asan yung iba?

"Ehem! Ah mawalang galang lang po sir pero bakit ako lang po mag-isa? Saan na yung ibang mag-aapply?Hehehe." Nahihiyang tanong ko pero saglit na tinignan niya lang ako tapos pinagpatuloy niya yung pagbabasa sa resume ko. Sungit.

Hindi muna ako umupo sa upuan na nasa harap ng mesa niya. Hindi niya naman kasi ako pinapaupo pa kaya kahit medyo nanakit na yung paa ko dahil sa taas ng takong ng sandals ko ay hinintay ko muna siyang matapos magbasa. Masabihan pa akong rude netong sungit nato.

"Okay Ms. Milley, please have a seat." Lahad niya sa upuan sa harap. Nakangiting lumapit naman ako sabay upo sa upuang inilahad niya.
"Thank you po Sir."

"You are aware that you're applying as my secretary right? My schedule right now is so busy and I don't have much enough time for this interview. I only have 2 questions for you Ms. Milley." Kinakabahan naman akong naghintay sa only 2 questions niya kuno. Pa-thrill masyado ah.

"My first question is, are you single?" Nagtataka man sa tanong ay magiliw ko siyang sinagot.
"Single since birth sir!" Sabay smile ko ng beri beri big.

"Okay, good. Now, the second question is do you really think that you can do your job perfectly? Magagampanan mo ba ng maayos ang pagiging sekretarya ko?" Shookt naman ako sa paraan ng pagtatanong niya kasi sobrang seryoso at nakatitig pa talaga siya sa mata ko. Kaya wala atubiling tinitigan ko siya pabalik sabay sagot ng —"Yes sir. I will do this job with all my heart."

Pakurap-kurap siyang nagbawi ng tingin sabay tayo. "Okay then, you can start tomorrow. Congratulations." Inilahad niya ang kamay niya kaya nagmamadaling tumayo naman ako sabay abot nito.

"Thank you po." Nakangiting sagot ko sa kaniya.

————

A/N:

Nauubusan na ako ng idea.Shet na mabaho.I know pa rin okay?!I know na sobrang ikli!Sleep first before update ang motto ko mga bes eh.Kaya wit wit lang.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 08, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

You're not the boss of me.Where stories live. Discover now