Ang aking mga mata'y labis na nasasaktan,
Sa t'wing ika'y aking tinititigan.Kapag nariyan ka, ako'y nagtatago,
Upang iwasan ang init na dulot mo.Pilit man kitang abutin,
Subalit hindi ko kayang gawin.Datapuwa't ito'y hindi naging hadlang,
Upang ika'y aking hangaan.Ikaw ang nagbibigay liwanag,
Sa isipang laging binabagabag.Ika'w ang nagsisilbing tanglaw,
Sa tibok ng pusong naghuhumiyaw.Ako'y patuloy na umaasa,
Ikaw ang unang makikita pagsapit ng umaga.Ikaw lang ang nais kong tanawin,
Pagsapit ng takipsilim.Araw, sa buhay ko ika'y mahalaga
Sana ikaw ay hindi mawala.- J
YOU ARE READING
Tulaarawan ni J
Poetry#513 in poetry Ito ay naglalaman ng mga tula na ginawa ng author batay sa kung anong iniisip o nararamdam niya. Ito ang kauna-unahang poetry na ginawa ng author kaya ipagpatawad niyo kung may mga error.