Chapter 8

21.9K 907 213
                                    

'To Avenge'


RAVEN

"Raven! Magdahan-dahan ka nga sa paglalakad!" Rinig kong sigaw ni Buggy mula sa likuran ko kaya nilingon ko siya at tinaasan ng isang kilay. Inilahad niya ang mga kamay niya sa gilid at inangat ang isang gilid ng labi niya.


"Anong kailangan mo, Bash?"
Kumunot kaagad ang noo niya nang marinig niya kung anong tinawag ko sa kanya. Nakita ko siyang huminga ng malalim at naghalukipkip. He pursed his lips together and somehow looked at me with annoyance. "You're calling me Bash kasi wala na siya. Ganun ba?"


Hindi ako nakasagot sa tanong ni Buggy. It might have been true. Bigla ko nalang siyang tinawag na Bash dahil hindi ko na mababanggit ang pangalan ni Cash. I'm using him as a cover up. Sinapo ko nalang ang noo ko at umiling. "Sorry, Buggy." Sambit ko at tumingin sa kanya.

Nagkibit-balikat lang siya at lumapit sa akin.


"Tara sa canteen. Gutom na ako."
Sabi niya at tinulak ang balikat ko para maglakad na kami papunta sa canteen. Tiningnan ko lang siya na nakatingin sa relo niya habang naglalakad kami. 'Yung relong regalo ni Cash sa kanya nung birthday niya.

Nakita niya yatang nakatingin ako sa kanya kaya namulsa kaagad siya at tipid na ngumiti sa akin. Tumango nalang ako at tinapik ang balikat niya. Cash was like a brother to him.


"Rav, may pera ka?"
Tiningnan ko ng masama si Buggy nung makapasok kami sa canteen. Kumunot pa ang noo niya na parang walang alam sa sinabi niya. "Dude, I'm broke." Sagot ko kaagad. Napaawang ang bibig niya at maya-maya'y tumango.


"Mahirap ka nga pala."
Binatukan ko kaagad si Buggy at tinapon ang bag ko sa upuang malapit sa amin. Hinipo lang ni Buggy ang batok niya at dumiretso na sa counter habang umupo lang ako at pinikit ang mga mata ko.


Ang hirap magsimula ng bago. Starting my life without the sight of Cash makes me blind. Parang may nakaharang sa akin. At kailangan kong alisin ang harang na 'yun. I'm not saying I already moved on and accepted his death, makakamove-on at matatanggap ko lang na patay na siya kung tumama na sa ulo ng taong bumaril sa kanya ang bala ng baril ko.

I won't stop until that day comes. I won't be at peace.


"'Yan ang mukhang ginagawa mo kapag may papatayin ka. Hindi naman ako 'yun diba?"
Tanong kaagad ni Buggy nung makabalik siya na may dalang pagkain. Umangat lang ang gilid ng labi ko at kinuha ang cold coffee sa tray niya at ininom ito.

Tiningnan ko lang si Buggy na kumakain hanggang sa may tatlong babaeng lumapit sa table namin. Tiningnan ko silang tatlo. Hmm, sophomores. Tiningnan ko si Buggy na parang walang pake at kumakain parin.


"Uhh.. B-Bash?"
Tawag nung nasa gitna nila. Batang-bata ang boses nito at may braces pa. Hindi umimik si Buggy at kumain lang. Nakita ko namang nakagat ng labi 'yung isang sophomore kaya sinipa ko ang tuhod ni Buggy sa ilalim ng mesa.

Kunot-noo siyang tumingin sa akin kaya tinuro ko 'yung mga sophomores na nakatingin sa kanya. Tiningnan niya ang mga ito lalo na ang box na hawak nung nasa gitna na may braces.


"B-Bash.."
Tawag niya ulit. Napatikhim si Buggy at umiling. "Kuya.. Kuya Bash. Senior niyo ako." Malamig ang boses ni Buggy habang kinakausap sila. Nag-eenjoy akong pinapanood sila kaya isinandal ko ang siko ko sa upuan at tiningnan sila.

Agad na tumango 'yung mga sophomores sa sinabi ni Buggy at sandaling yumuko.


"K-Kuya Bash, gift ko po ito para sa inyo. Sana po tanggapin niyo."
Sabi nung may braces. Hindi gumalaw si Buggy kundi tiningnan niya lang 'yung box na hawak nung sophomore. Umusli sa gilid nito ang logo ng mamahaling brand ng relo.

Babysitting June TanakaWhere stories live. Discover now