(Prologue)

31.6K 584 3
                                    

Third person

"Ahh!!!!."Sigaw nang reyna na kasalukuyang nag sisilang nang batang kanilang pag mamanahan nang kanilang kaharian pag dating nang takdang panahon .

"Kaya mo yan mahal ko, nandito lang ako. "Ani naman nang haring hindi alam kung ano ang gagawin.

Uwaaa! Uwaaa!

"Babae po ang anak nyo mahal na hari at reyna." Sabi nang kumadronang nag papa-anak sa reyna .

Hindi maipaliwanag ang saya sa mga puso ng hari at reyna nang masilayan ang kanilang anak na napaka ganda

"Mahal na hari , mahal na reyna sinusugod po tayo ng mga Darkrian napakarami po nila at malapit na pong matalo ang ating mga hukbo ,Ngunit mahal na reyna parating na po ang ibang mga kaharian ,pero kailangan nyo na pong lumisan baka may mangyaring masama sa inyo lalo na po sa kakasilang palang na prinsesa ." Ani nang kanilang kawal na kakapasok palang

"Mag tago na kayo mahal ko at ilayo mo ang ating anak dito, at ako ay tutulong upang magapi ang mga kalaban ." Sabi nang mahal na hari na gustong makasigurong magiging ligtas ang kanyang mag ina,tumango lamang ang reyna at lumisan ,tumakbo naman ang hari upang tulungan ang iba.

Samantala ang mahal na reyna na naman ay tumatakas dala ang kaniyang anak ,ngunit nakasalubong niya ang kanilang pinakamataas at mapapagkakatiwalaang kawal ng kanilang kaharian.

"Mahal na reyna tutulungan ko na po kayo upang makahanap ng ligtas na lugar." Ani naman nito sa reyna

"Salamat smoke ,Tara na" . Akmang tatakas na sila ay biglang dumating ang bagong hari ng mga darkrians.

"HAHAHA akala nyo ba madali nyo lang akong matatakasan? Pwes nagkakamali kayo, kaya ibigay nyo na saakin ang prinsesa kung ayaw nyong masaktan." Mala demonyong sabi nang hari nang mga Darkrians

"Smoke tumakas na kayo nang anak ko dalhin mo sya sa ligtas na lugar. "Bulong nang reyna sa kanyang kawal at ibinigay ang kaniyang anak .

"Pero mahal na reyna paano po kayo? "Nag-aalalang tanong into

"Ako nang bahala dito, umalis na kayo ! Bilisan mo at itakas mo na ang anak ko!. "Madiing sabi nang reyna.

"Masususnod po mahal na reyna." Magalang na sabi nito at Mabilis na nilisan ang lugar


Tangkang susundan nang hari nang darkria ang kawal na may hawak sa prinsesa, ngunit humarang sa Harapan nya ang reyna nang Lightaria

"Ako ang harapin mo ." May bahid ng galit na sabi ng reyna

"Ohh mas tumapang ka yata ngayon mahal na reyna?,dahil yan ang kagustuhan mo ay pagbibigyan kita , iuuna na kitang patayin HAHAHA." Mala demonyo paring sabi nito

"Tama na ang satsat Laban na ." Matapang na sabi nang reyna

Naglaban ang dalawa pero unti unti narin napagod ang reyna dahil malakas talaga ang kalaban at dahil narin sa kakapanganak lang nito.

"Pagod kanaba mahal na reyna?" Demonyong tanong nito

"Wala kang pakialam.!" Sigaw ng reyna

Sa hindi inaasahan ay biglang nalang sinaksak ng hari ng darkria ang reyna,kaya napa suka ng dugo ang mahal na reyna ngunit bago pa Ito mawalan nang Malay ay kinausap nito ang kanyang asawa gamit ang kanyang isip

"Mahal ko." Sa isip ng reyna

"Bkt mahal ko anong nangyari?asan ang prinsesa?." Tanong nang hari sa kanyang isip

"Mahal ko ,hindi na ako magtatagal pa, ibinigay ko ang prinsesa sa isang mapag kakatiwalaang tao upang itago ito ,si smoke, paalam mahal ko." At tuluyan na itong bumagsak .

"Hindi!!!!"sigaw ng hari at tinunton kung nasaan ang reyna ngunit nakasalubong nito ang hari ng darkria na may ngiti sa kanyang labi kaya nandilim ang kanyang paningin.

Nasaan ang asawa ko? Madiin na sabi ng hari

Ohh ang asawa mo ? Pinatay ko na sya HAHAHA. Mala demonyong sabi naman nito

Tangkang lalabanan ito ng hari ngunit bigla itong nawala pati ang mga alagad nito ay nawala din,atsaka palang dumating ang ibang mga kaharian .

"Asan ang reyna? ." Tanong ng reyna ng fircyia kingdom

"Wala na sya , pinatay sya ng hari ng darkria ." Sagot naman ng hari

Nagulat ang lahat sa nalaman.

"Asaan ang prinsesa?, hindi ba ngayon ito isisilang." Ani naman ng reyna ng airthia at ang ibang reyna at hari ay tahimik lang .

"Tumakas sila ng reyna ngunit nahanap sila ng hari ng darkria kaya may inutusan ang reyna para itakas ang anak ko, si smoke ." Malamig at may bahid ng lungkot na sabi ng hari.

Nagtulungang maghanap ng mga hari at reyna ng ibat ibang kaharian upang hanapin ang katawan ng reyna ng Lightaria ngunit hindi nila ito mahanap.

Sa kabilang banda naman ay gumawa si smoke ng portal patungo sa mortal world dala ang prinsesa.

***********************************

LIGHTARIA ACADEMY:(The long lost powerful princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon