Chapter 1(Training)

26.2K 520 5
                                    

(*Nyx pov*)


"Nyxxxx!!!!bumangon kana dyan". Sigaw ni tito sa baba ,hays istorbo naman oh inaantok pa ako.

"Five minutes !" Sigaw ko naman pabalik.

BOOM!

"Ay kabayo!".gulat kong sabi , Sinira lang naman nang magaling kong tito ang pinto ,ni lock ko kasi, pero teka bat anlakas ni tito?tsk bahala na nga.

"Bumangon kana Nathalia Yezillia Xyrien!".sigaw ulit ni tito na nasa harapan ko na.

"Tsk. eto na po , kung makasigaw naman kayo parang nasa kabilang bundok yung sinisigawan nyo". Tinatamad na sabi ko habang tumatayo.

"Hayy ikaw talagang bata ka kelan ka ba matututong gumalang? tinuturuan naman kita, araw-araw pa nga" . Pa iling iling na sabi ni tito.

"Hayy tito kelan karin ba hihinto sa pag da drama mo?". Naiinis kong ring sabi sabay pasok sa banyo, narinig ko namang tumatawa habang pagbaba sya sa  hagdan.

"Ayt nabaliw na si tito ,Btw I'm Nathalia Yezillia Xyrien Fierra
Nyx for short ,17 years old". pwede na yan tinatamad nako.

Pagkababa ko galing sa kwarto malamang saan pa ba ko mangagaling  tss.balik tayo ,nakita ko si tito na nakaupo na sa mesa actually bakasyon ngayon kaya wala akong pasok .

"Umupo kana at may pag uusapan tayo".seryosong sabi ni tito hala kelan pa natutong mag  seryoso si tito ? Kinabahan tuloy ako.

"Ano yun tito ?". Tanong ko naman

"Alam kong matagal mo nang tinatanong sa akin kung nasaan ang mga magulang mo, ngayon ay ito na ang tamang panahon upang iyong malaman". seryoso ulit na sabi ni tito

"Hala tito kelan ka pa naging seryoso ?at wait sasabihin mo na ? Finally so ano nga bilis tito" .  actually matagal ko nang tinatanong sa kanya ang bagay na yun kaso lagi nya nalang sinasabi kesho dipa tamang panahon ganyan at ganon pero naiintindihan ko naman sya dahil alam kong may dahilan sya kung bakita nya tinatago ang lahat, hays nagiging madaldal lang talaga ako kapag kasama ko si tito pag nasa school ? Cold ako Ewan ko nga siguro nahahawaan ako ni tito nang pag ka madaldal pero balik tayo.

After how many years natapos na rin ang kwento nya, tawa nga ako nang tawa ,Yung tipong may magic daw tapos ung magulang ko hari at reyna as in king and queen hahahaha nagpapatawa ba sya?

(a/n: remember po dun sa prologue yun po ang kinuwento ng tito nya kaya hindi sya naniniwala)

"Nyx ,I'm  not kidding" . Seryosong sabi ni tito kaya lalong lumakas ang tawa ko . Pero biglang lumutang ang Plato na nasa harapan ko na ikinalaki ng mata ko at nagpanganga sa kin

What the f*ck

"So totoo nga?" Di makapaniwalang tanong ko nanlalaki ang Mata habang naka nganga,tumango lamang sya .

"Ikaw din ay meron , sa magic world lahat sila ay meron kaya mag t-training tayo para mapalabas natin ang sa iyo,may 3 months tayo para mag sanay at mapalabas ang powers mo pagkatapos nun ay ililipat na kita sa paaralan kung saan ka nababagay sa Lightria academy ". Mahabang sabi nya saakin at inabot ang isang napakagandang kwintas na galing daw sa aking ina

Kumain kana para masimulan na ang training. Dagdag pa nito

"What?ngayon na ? As in ngayon?" Di makapaniwalang  tanong ko ,alam ko naman kasing physical training ang gagawin namin haist, kahit naman konti ay may alam ako sa mga ganun, yes may alam ako bata palang ako ay tinuturuan na ako ni tito kaso konti lang, mga basic ganun .Pero kahit nung una ay hindi ko matangap, tinangap narin haha ano bang magagawa ko may magbabago ba kung magmumukmok ako?wala naman .

Pagkatapos kong kumain ay pupunta na kami sa isang kwarto sa bahay namin at ang daming armas, like guns, daggers, swords, bows, at madami pang iba , kaya pala pinag babawalan akong pumasok dito .

"Maguumpisa tayo sa pag papalakas nang katawan mo tapos ay sa paggamit ng armas at ang huli ay ang kapangyarihan mo". sabi ni tito smoke, yes smoke talaga ang pangalan nya ewan ko nga ang weird psh bahala na nga.

***********************************

LIGHTARIA ACADEMY:(The long lost powerful princess)Where stories live. Discover now