Chapter 8

1K 60 13
                                    

Dale's Pov

Hindi na muna ako umuwi sa bahay ni anne. Nandito ako ngayon sa kompanya ni kevin, hihingi ng trabaho. Kasi nga, paano ko matutustusan ang pag aaral ni hope. Una, hindi pepwedeng umaasa lang kami kay nat. Pangalawa, yung scholarship niya, tuition fee lang covered nun, di pa kasali ang miscellaneous.

"Pasensiya na maam, may kameeting pa po kasi si sir kevin"

"okay lang naiintindihan ko. Pakisabi nalang nagpunta ako rito. Tell him its dale"

"uhm, surname po maam?"

"entrata"

"sige po maam."

Haay. Lumabas na ako ng kompanya nila. Tumingala ako. Sobrang laki ng building, nakakainggit. Yung mga kabatch ko, sobrang successful na. At ako? Eto naghihirap.

*boooogsh*

Aray naman. May bumangga saken. Isang babaeng nakajacket,nakashades,nakacap,nakapants. Pareho kaming natumba pero mas nauna akong nakatayo kaya tinulungan ko na siya.

"get off me!"

She exclaimed when i held her arm. Tumayo siyang mag isa at nagpagpag ng pants.

"Ai?!"

Niyakap ko siya ng sobrang higpit. Hala si ai ito! Sigurado ako! Hinding hindi ko makakalimutan ang boses niya!

Anne's Pov

"sir..sir para niyo na pong awa. Wag po"

Kanina pa ako iyak ng iyak sa harapan ni Mr. Martinez. Nakaluhod na nga ako eh.

I failed to give the documents and he's firing me. Saan na ako pupulutin ngayon at ayokong mapalayo sa kanya no!

"you really want to stay?"

Nabuhayan ako sa tanong niya kaya tumayo ako at humarap sa kanya. Nakaupo siya sa swivel chair niya.

"opo!"

May kinuha siyang sobre sa isang aparador at inilapag sa lamesa.

"pumunta ka sa lugar na yan at hanapin mo ang taong yan. Know everything about that person, huwag kang babalik hanggat wala kang nakukuhang impormasyon"

Kinuha ko yung sobre. Binuksan ko ito. May litrato. Kaloka ang gwapo ah!
Bakla ba si sir?

"sino po ito sir?"

"just do your job anne"

"eh sir, anong klaseng impormasyon po ba ang gusto niyo?"

"lahat!"

Ay napikon na si sir. Lalabas nanaman ang nagtatagong bakulaw sa kaloob looban niya.

"ah sige po ako na po ang bahala"

"get out"

Memorize ko na ang linyang yan. Tumayo naman ako at naglakad na papunta sa pinto.

Bubuksan ko na sana ang pinto nang tawagin muli ako ng bakulaw. Ayieee kinikilig akong humarap.

"Kumusta si kristel?"

Hala sino yun?

"po? Sinong kristel sir?"

"that girl na nanay ng nabundol natin punyeta ang slow!"

Sigaw nito. Chill. Ang high blood naman eh. Atsaka bakit yung nanay kinukumusta niya eh yung anak yung nabundol? Atsaka hindi naman kristel pangalan nun.

"ah sir, dale po pangalan niya. Okay na po sila. Actually sobrang himala po at wala silang hininging kahit na ano eh. Sobrang bait po ng mag ina na yun kaya nga po----"

LOVE PERSISTED (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora