Chapter 17 - the Potion Maker

1.5K 63 4
                                    

"It's easier to resist at the beginning than at the end."
-Leonardo da Vinci

.

Hilda POV

Kung kanina na masayang-masaya ako dahil kasama ko si Kenneth, ngayon naman ay para akong bateryang sobrang drain na drain.

Napahawak ako sa aking ulo.
Ano ba'ng nangyayari sa akin?
May lagnat ba ako? Sabay kapa ko sa aking leegan...

My goodness, hindi kaya ako'y...

...BUNTIS?

Napatakip na ako sa aking mga labi.

Para na akong timang dito.

Buntis agad, eh halos dalawang araw pa lamang ang mga nakalipas!

...Ghad, pero posibly nga kaya?

Napatingin na ako sa wall clock. Mag-ten o'clock na ng gabi.

Oh my, after nine months...

Erase! Erase! Erase!

.

.

Mamaya ay gagawin ko narin ang love potion ni Cynthia.

Ang potion na babago sa buhay niya.

Pero sa ngayon ay kailangan ko na munang matulog kaya goodbye world na muna...

At sana ay mapanaginipan ko si Kenneth my dear! Hahahaha, nahihibang na nga ako...

Ibinagsak ko na ang katawan ko sa kama nang may naramdaman akong isang malambot na bagay na nasa ilalim ng kumot.

Malakas na napasigaw ako sa pagkabigla.

PUSA?!

Atubili na akong bumangon.

Nadaganan ko ba si blackberry? Ang paboritong itim na pusa ni tiya? Malalagot ako nito.

Ngunit napalaki ang mga mata ko nang sa pagbukas ko na ang makita ang kulay pulang hugis pusong unan na nagyayakapan habang magkadikit ang mga labi sa isa't isa.

My goodness, ang cute nilang tingnan! Mabilis ko ng iniabot iyon saka niyakap.

Si Kenneth talaga... puno ng sorpresa!

.

.

Maya-maya'y tumunog na ang phone ko na nasa ibabaw ng side table.

Marahan kong iniabot iyon.

Napapangiti na naman ako, parang nawala 'ata ang antok ko ng makita ang pangalan ni Kenneth na nasa screen.

"Hello Ken!" masayang bati ko sa kanya.

[Hello my dear! Nagustuhan mo ba ang ipinalagay ko sa ilalim ng kama mo?] tanong pa niya sa kabilang linya.

"Oo, an'sweet mo naman." ngiting sagot ko at muli na naman akong napahiga sa kama habang nasa tenga ang phone ko at yakap parin ang unan.

"Nagustuhan ko Ken, salamat! Ito nga yakap-yakap ko pa." ngiti pang kuwento ko.

"Na-mimiss kita! Kaya iniisip ko na lamang na ikaw." hindi ko napigilang turan ng mga labi ko.

[Same here my dear! Hindi nga ako makapaghintay na mag-umaga para masundo na kita.] sagot niya na nakakapagpapaligaya naman sa puso ko.

Ghad, bakit ba bigla akong kinikilig kay Kenneth? Ano ba itong mga nararamdaman ko?

Ako pa ba ito? My goodness!

Love PotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon