Tula #2

84 0 0
                                    

"ikaw"

Nag simula ang lahat sa isang kaganapan
Sa tagpuang lahat ay sinimulan
Nahulog sa pangakong "ikaw lamang"
At nabuo ang pusong kulang.

Puso't isip na puno ng salitang "ikaw"
Ikaw ang hahanap hanaping ilaw
Ikaw na hinahanap ng pusong ligaw
Ikaw at ikaw lamang sa puso kong sumisigaw.

Lungkot ang naramdaman
Nang maghanap ka sa iba ng bagong masisimulan.
Galit naman ang naramdaman
Nang nalaman kong ako'y iyong iiwan.

Lahat ay nagbago sa ating tagpuan
Kung saan lahat ay ating sinimulan
Mahal mo nga ba ako? o...
Pinaikot mo lamang ako sa sarili mong laro?

Ang salitang "ikaw para sa puso kong sumisigaw" ay nag iba
Dahil ito ay naging "ikaw para sa ibang taong mahal mo na"

Fallen word (Poems)Where stories live. Discover now