Tula #4

62 0 0
                                    

"Ngiti"

Limang letra ,isang salita
Nagsisimbolo kung gaano ka kasaya
Na bawat araw na lamang ay kayganda
Ngunit ang dahilan ay ako nga ba?

Ngiting nasisilayan sa iyong mga labi
Inaasahan ko na ito ay mapanatili
Mga ngiti mong hindi ko maangkin
Dahil walang sagot sa tanong na "ikaw ba ay magiging akin?"

Sa ngiting iyan akoy nahulog sayo
Hindi inaasahang sa iba ikay magkakagusto
Ngiti mong akalay ako ang dahilan
Ngunit sa iba ito ay nakalaan

Limang letra, isang salita
At ito ay ang ngiti mong kayganda
Ngunit naisipan kong tama na
Dahil alam kong ikay nakangiti ngunit para sa iba.

Fallen word (Poems)Där berättelser lever. Upptäck nu