Chapter 29: SENTI

1.3K 21 0
                                    

Chapter 29: SENTI

(Ethan pov)

"Saan mo gustong pumunta?" Tanong ko sa kanya

"Kung saan mo ako dinala sa isang lugar nung nakita mo akong sobrang saya?"

"Sumakay ka na sa sasakyan"

Sumakay naman siya at hindi ko inaasahan na gusto niya talaga maalala kung sino ako, siguro sapat na ito para mapasaya ko siya sa huling pagkakataon,

Nagdrive na ako papunta sa lugar na sinasabi niya, maganda dun kahit madilim na kita mo ang liwanag ng ilaw.

Ang tahimik niya at nakatitig lang sa akin sobrang titig ba, grabe hindi ako makatingin sa kanya kahit sandali lang.

Nandito na kami, sana makatulong itong lugar.

"Nandito na tayo"

"maganda napakaganda ng lugar "

"Oo mganda talaga kasi ang sabi ko sa sarili ko ang huling dadalhin ko sa lugar na ito ang huling mamahalin ko"

"Wag mong sabihing ako yun"

"Oo ikaw yung sinasabi ko sa pagkukuwento ko kasi gusto ko itago para malaman ko kung naaalala mo na ako pero bakit ganun hindi mo ako makilala"

"Siguro hindi kita nakakasama ng mataga kaya ganun, at sa tingin ko mahal ka nito, kasi nahihirapan siya*turo sa puso* pero hindi nakikinig ito*turo sa ulo niya* dahil ayaw niya ipaalala kung sino ka"

Nararamdaman ko siyang hirap na hirap na pinapadma sa akin ang nararamdaman niya, gusto na niyang malaman kung sino ako?

"Pwede bang hintayin na natin magumaga dito, gusto kita makasama sa pagsikat ng araw"

"Sige dito lang ako"

Ssamahan ko siya dito hanggang sa mag-umaga.

Siguro papakaon na lamang ako dito kay papa para samahan si Maebelle para makaalis ako ng maaga para sa flight ko.

"Ethan ito yung lugar na sinasabi kong naaalala kong magandang lugar kasama ka?"

Teka naaalala na niya ako

"Naaalala mo na ako?"

"Yung sasakyan mo kasi natatandaan ko ito yung gamit natin, saka nga pala naalala ko yung itsura mo sa mga alaala ko malabo pero, sa tingin ko ikaw na talaga iyon"

Lumabas siya ng sasakyan at naglakad lakad

Lumabas di ako para makita siya,

"akala ko naaalala mo na ako pero hindi pa pala,"

"Konti lang,..*hinawakan niya ako sa kamay* ikaw nga ba talaga"

Hinalikan niya ako, kay tagal kong hinitay ang mga halik niyang yun.

Hinalikan ko na din siya, hindi ko na matiis ang aking nararamdaman niyakap ko siya ng mahigpit at inilapit pa sa akin ang muka niya.

"Et...."

"Maebelle mahal na mahal kita pwede ko bang ipadama sayo ang aking pagmamahal"

Ngumiti siya. at sinabing "kung ang pagmamahal mo ang makakabuo ng aking mga alaala bakit hindi"

Sa sinabi niyang yun napangiti ako at hinalikan siya.

Hindi naman pwede kami dito sa labas sobrang, umunta kami sa loob ng sasakyan, pinramdam ko sa kanya ang pagmamahal na kay tagal ko na gustong iparamdam sa kanya ito. Ramdam kong mahal niya ako pero hindi pa rin nagbabago ang isip kong umalis.

Lalo pa akong nging masaya dahil ako ang nakauna sa kanya.

Mahal na mahal ko siya pero tama na siguro hanggang dito,

"Ethan wag mo akong kakalimutan"

"Oo kailanman ay hindi kita kalilimutan"

May tumutulong luha sa mga mata niya na agad ko naman, itong pinunasan ng aking kamay.

Niyakap ko siya at nakadikit ang mga mukha niya sa aking dibdib.

Hanggang sa nakatulog siya ay inaayus ko na ang aking sarili malapit na kasi mag-umaga 8:15 ang alis ko.

Kinumutan ko siya ng towel ko sa loob ng sasakyan, at umalis na ako naglakad na lamang ako, para kunin ang gamit ko at naligo, at magpahatid kay papa.

Tama ba gagawin ko?

Para sa kanya rin tong gagawin ko.

(A/N: vote and comment and be a fan tama ba ang gagawin ni Ethan o hindi? Hindi ko sinamahan ng CS dito hehehe, hindi naman halata eh....nakakaloko ang utak ko ngayon kasi nabahidan ng kung ano hahahaha, sige na ako ay hindi pa nakakaayos ng gamit ko, ng po pala advance lang po ito inaupload ko na lang ito para may hindi na ako mahirapan sa pagtatype hehehe.tapos na ito may final update pa ito= epilogue hehehehe, kung ayaw isasama ko na lang sa last update, pag ako ay tinamad.

high school lovers ^_^ v COMPLETEDTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang