What To Do?

602 12 0
                                    

Suga's Pov
Pagkatapos kong marinig ang balita ay dali dali akong tumungo sa dorm namin para sabihin ito sakanila. Pumasok ako ng diretso sa bahay na hindi pinapansin ang mga kagrupo ko.

Umupo agad ako sa sofa at katabi ko si Jungkook na nanonood ng tv. Napansin niya yata ako kaya napatingin siya sakin at nagsalita.

"May problema ba hyung?" Tanong ni Jungkook sakin.

"Ikakasal na pala ako" sabi ko habang nakatungo

"Seryoso ka hyung?!?!" Gulat na gulat si Jungkook sa sinabi ko

"Oo!" Sabi ko sakanya

Agad na napatayo si Jungkook saka tumakbo sa taas at pagbalik niya ay kasama niya na ang mga iba pa na nagmamadali sa upuan.

"Seryoso ka ba sa sinabi mo Suga" tanong ni Jin na parang hindi naniniwala

"Oo hyung" sabi ko sakanya

"Pero hindi madali ang pagpapakasal" sabi ni RM na seryosong nakatingin sakin

"Alam ko pero hindi ako ang nagplano ng kasalang yun" sabi ko sakanila

"Sino?" Sabay sabay nilang tanong

"Sila dad" sabi ko sakanila

Lahat sila ay nagulat sa sinabi ko, maski ako din. Lahat sila ay natahimik sandali hanggang sa mag salita si V.

"Kanino ka ba ikakasal hyung?" Tanong niya sa akin

"Kay Kleinsch" nakatungo kong sabi

"Sa Bestfriend ko!!" Gulat na tanong ni Jhope sakin

"Oo" pagkatapos kong sabihin yun ay tuamayo ako at dumiretso sa kwarto ko.

RM Pov's
Nagulat kaming lahat sa nabalitaan namin about kay Suga at Kleinsch. Oo, kilala na naming lahat si Kleinsch, siya ang isa close na babae ng grupo, kaclose kasi namin ang kapatid ni Jungkook na si Gracelle, kapatid ni Suga na si Daniela, at mas bstang kapatid ni V si Kreychel.

May twin si Jhope pero hindi namin siya kilala at hindi pa namin ito nakikita.

Tumayo si Suga at umakyat sa taas, hindi na namin siya sinundan pa dahil kailangan niyang mapagisa.

Lahat kami ay tahimik, walang umiimik dahil lahat kami ay nagulat. Hindi ko na natiis kaya nagsalita na ako.

"Guys, ano gagawin natin isang linggo nalang at debut na ni Kleinsch" ani ko.

"Kailangan natin silang mapaglapit" sabi ni Jimin

"Tama! isang linggo kailangan natin! At parang sapat na yun para magawa ang plano natin" sabi ni Jhope

Nagsimula na kaming magplanong anim.

Suga's Pov

Nasa taas ako ngayon at inaantok na, dahil sa sobrang antok ko ay natulog na ako.....

VowsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora