Girlfriend Vs Ex

430 10 0
                                    

Third Person Pov's
Namamasyal magisa sa mall si Kleinsch dahil bibili siya ng regalo at gusto niyang isurprise si Suga.

Nagtitingin siya ng mga damit sa bench ng may nabangga siya. Paeehas silang napaupo.

Ang sama ng titig ng babae kay Kleinsch. Tinignan niya rin ito at nakikilala niya ito.

"Ikaw yung nabunggo kong babae sa park?" Tanong ni Kleinsch

"Oo, bakit?" Sarcastic na sabi ng babae

Tumayo na ang babae at inalok si Kleinsch na itatayo ito. Hinawakan na ni Kleinsch ang palad ng babae pero binitawan niya si Kleinsch.

Napaupo uli ang dalaga. Sinamaan ng tingin ng dalaga ang babae.

"Oppss, Sorry. Di ko sinasadya" Ani ng babae

Naglakad na ito palayo pero lumingon uli ito sa dalagang nakaupo parin sa sahig

"Oh! Btw im Jien Criste—" naputol ang sinasabi ni Jien ng magsalita si Kleinsch

"Wala akong pake" ani Kleinsch

"Ows, talaga. Im Suga's Ex" ani Jien

Naglakad na palayo si Jien at iniwan ang gulat na si Kleinsch na nakaupo sa sahig.

Kleinsch Pov's
Nasa tapat na ako ng bahay namin pero di parin ako pumapasok at tulala ako.

"Babe!!" Nakakagulat na pagbati sakin ni Suga

Niyakap niya ako sa bewang ko kahit nakatalikod pa ako sakanya. Sweet pero wala ako sa mood para kiligin.

"Bat andito ka?" Wala sa sarili kong tanong

"Babe anniversary natin diba?" Naguguluhan niyang tanong

"I know" Cold kong sabi sakanya

Naglakad na ako papasok sa bahay namin. Hinabol niya ako at tinatawag ang pangalan ko pero hindi ko siya nililingon.

Pagpasok ko sa bahay ay sinalubong ako ni Mama

"Oh anak andyan kana pala" masayang bati ni Mama

"Opo" peke akong ngumiti

Naglakad na uli ako ng diretso. Nagbatian pa si Mama at Suga bago niya uli ako sinundan.

Nasa hagdanan ako paakyat sa kwarto ko ng maalala ko ang nabili ko sakanya kanina sa mall. Oo binilhan ko parin siya ng gift kahit naiinis ako sakanya.

"Oh, regalo mo" wala sa mood kong sabi bago ibato sa kanya ang regalo. Nasalo niya naman ito.

"Babe! Wai—" hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng pumasok na ako sa kwarto ko pero hindi ko nilock ang pinto nandoon lang ako tinutulak ang pinto

"Babe!! Ano ba problema?" Nagaalala niyang tanong

"Wag mo kong mababe babe diyan!" Sigaw ko sakanya sa may kabilang parte ng pinto.

Ilang sandali lang ay tumigil ang tumutulak sa pinto at narinig ko ang mga yabag pababa sa hagdan.

Narinig ko rin ang pagharurot ng kotse paalis ng bahay namin. Aishh! Ano yun? Iniwan niya ako?

Aisshh!! Ang tanga mo kase Kleinsch eh!! Ang arte mo!! Pwede namang itanong nalang sakanya kung totoo ba yung ex ex na yun!

Lumabas ako ng kwarto ko at nakira ko si Mama na hawak ang bulaklak na hawak kanina ni Suga. Lumapit ako kay Mama.

"Anak pinabibigay ni Suga oh" sabi ni Mama sabay abot saakin ng bulaklak

Naglakad na palayo si Mama pagkatapos ibigay ang bulaklak. Naglakad na siya pataas.

Umakyat narin ako at humiga sa kama ko. Saka ako nakatulog.

VowsWhere stories live. Discover now