Chapter 22 "Bad Joke"

4.7K 106 47
                                    

Reggie POV

“Hi Charwen, andyan ba si Veah?”

“Yup nandun sya sa taas, puntahan mo na lng”

“Cge cge salamat”

Pumunta na akong taas at kumatok

*knock knock*

“hus der?”

“Reggie”

“Reggie who?”

“Err…wala ako maisip. Buksan mo toh”

“Tskk.. wait”

At binuksan nya ang pinto

“Oh bakit?”

“Veah! Kailangan ko tulong mo!”

“Anu nanaman yan ? =__=”

“Please, samahan mo naman ako”

“SAAN?”
“Basta sumama ka na lang” pag mamakaawa ko

“Anu ka boss? =_=”

“Dali na, kailangan lang talaga kita. KAILANGANG KAILANGAN”

“Bakit ako pa?”

“Ikaw lang kilala ko na kaya yun eh. Please Veah!”

“Tsk since nagmamakaawa ka, cge na nga”

“YEY, tara”

“wait, dala tayo payong mukhang uulan”

“Hindi yan! Ako bahala” at hinila ko sya , baka kasi mag bago isip nya, alam nyo naman mga babae minsan paiba iba ng isip :v

VEAH POV

Tsk anu ba naman itong si Reggay, aga pumunta sa bahay, at mukhang desperado pa, kailangan daw nya ako? Hmm anu nanaman kaya pakulo ng gago na toh tsk.

Nagmamadali kaming pumunta kung saan man ako dadalhin ni Reggay -_-

After 5mins na lakaran ..

“Anung ginagawa natin dito ? sa puno ng aratilis?”

“Veah. Kailangan kita.. kailangan kita umakyat , ikaw lang kasi ang kakilala ko na marunong umakyat sa puno” sabi ni Reggay

“WUT DA?! Pinapunta mo ako para dito? Anu tingin mo saakin unggoy? Umakyat ka mag isa mo!” mag wawalk out na sana ako Kaso pinigilan ako ni Reggay

“Veah, awa na! Please~”
“AYAW!”
“Please, umm libre kita ng madaming chupachups at madaming cake basta tulungan mo ako” Anu ba itong si Reggay~ desperadong desperado!
“Tsk Tsk, hindi naman tag- aratilis ngayon Reggay, tingnan mo puro bubot/hilaw pa!”

“Ok lang hihinog rin naman yan”

“Shunga ka ba? =_= , hindi yan katulad ng atis na pag nilagay mo sa bigasan ay mamahihinog na”

“hmm ayun sa taas oh, merong hinog!” tumuro sya sa taas

“ayaw ko nga!”

“Please nanaman Veah, Libre kita promise!”

“ugh, cge na nga, at baka abutan pa tayo ng ulan mukhang uulan eh”

At umakyat na ako. Matagal na panahon na rin hindi ako nakakain nitong aratilis. Yung last pa ata ay nung 1st HS kami nina Reggay at Mikko. Lagi ako taga akyat sa taas, hindi kasi marunong umakyat si Reggie at Mikko, kalalaking tao hindi marunong -_-

Diary ng FapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon