Chapter 48: Mall part 2

561 18 16
                                    


Reggie POV

"Masayang masaya ako para sayo Reggie~kun kase nabili mo ang gustong damit" nakangiting sabi saakin ni Roanne

"H-Hehehe.. " FAPiNGSHiT naman oh! Sumenyas na ako ng sumenyas kay Mikko na wag bilhin yung damit na Little Pony pero binili pa rin halos mag 360 na ang ulo ko kakasensyas sa kanya -_- pero tong kupal na to, di makaramdam

"Pfft~ hindi ko alam Reggay ganyan pala mga type mo, Don't worry reregaluhan kita ng little pony figures sa birthday mo HAHAHAHHA" pang aasar saakin ni Veah, FAPINGSHIT TALAGA!!

"So anu yoo~ San tayo kakain yoo~?"

"Hmm mukhang crowded ang mga fastfood ngayon, palibasa walang pasok kaya madaming tao sa mall" sabi ni Veah..

"Hayss, kahit saan na lang basta may makainan tayo gutom na ako" sabi ko

Naglakad lakad kami at naghanap ng makakainan halos 30mins rin kami naghahanap buti na lang nakakita kame ng bakanteng upuan sa food court.

Umorder na kami at kumain

Dinamihan namin ang pagkain kase gutom na gutom na talaga kame lalo na ako, isa pa Libre to kaya kailangan lubusin ang biyaya. Sa wakas nakakain na rin kame.

Mga ilang minuto tapos na kumain sina Veah, samantala kame hindi pa. Pano ba naman double ng kinakain nila ung amin ni Mikko sa sobrang gutom namin.

"guys toilet muna ako" sabi ni Veah

"Kailangan talaga I announce mo?" pabulong na sabi ko

"Sama ako bespren~" sabi naman ni Roanne

"anu yun Reggay may sinasabi ka? =__=)" sabi ni Veah

"Wala.. "

At umalis na sila, bakit kaya kadalasan ang mga girls pag nag ccr kailangan magkasama tapos madalas ang tagal tagal pa nila, ano ba ginagawa ng mga Girls sa Cr? Haaays ok lang sa wakas makakain na rin ako nang maayos hirap kumain pag andyan si Roanne kailangan pa gentleman para hindi ma turn off.

"Kyaa~ Gwapo nung lalaking nakita natin kanina noh? Hay~ Crush ko na ata sya. Kadalasan talaga hindi mo maiwasan na yung "Hitsura" muna nang isang tao ang magustuhan mo bago ang ugali nya ~ " Biglang sabi nung katabi naming table na babae mukhang hypebeast at bago pa lang nagdadalaga, pero maganda sya, napatingin kami dalawa ni Mikko kase bukod sa magkatabi lang ung table namin ay malakas pa yung pagkakasabi nya

" Ayan mahirap sainyo girls eh, makakita lang kayo ng GWAPO gusto nyo na kaagad, tapos pag nasaktan kayo sasabihin nyo walang kwenta kaming mga lalaki" Sabi naman nung totoy na kasama nya habang naka halumbaba

"huh!?" sabi nung babae na medyo nagulat habang umayos ng upo dahil sa sinabi ng kasama nya, may pinaghuhugutan ata ung kasama nya ah?

"Totoo naman eh, madalas ung Hitsura lang ang tinitingnan nyo, Kahit Fuckboy na ung lalaki ok lang kasi GWAPO tpos hindi nyo papansin kaming mga mababait at mga loyal mas pipiliin nyo parin ang gwapo , Tpos pag nasktan kayo idadamay nyo kaming mga mababait at loyal lalaki" Ang panlaban na sabi ng kasama nya, Puta halatang defensive si totoy sa Tsura nya hahaha confirm na friendzone sya ni babae.. Hays mga kabataan talaga ngayon. Nakikinig pa rin kami kasi may point si totoy ang biglang--

"TANG INA MO ANG DRAMA MO! EH ANUNG MAGAGAWA KO NA CRUSH AT FIRST SIGHT AKO KAY KUYA, SO ANU YUN? PAG NAKITA KO SYA SASABHN KO AGAD NA " wow crush ko sya dahil sa ugali nya" kahit hindi naman kami magkakilala, PUTANG INA UTAK NAMAN! AYAN MAHIRAP SAINYONG MGA LALAKI, JUDGEMENTAL NYO! PERO PAG NAKAKITA KAYO NG MALAKING SUSO TINITIGASAN NA KAAGAD KAYO!" At nag walk out si babae. Halos tumingin sa kanila at napatigil sa ginagawa yung mga nakarinig sa kanila. Yung lalaki mukhang tumigil na yung oras kasi inabot sya ng ilang segundo bago magreact at habulin ung kasama nyang babae

Diary ng FapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon