Chapter 5

58.8K 1.1K 32
                                    

"SHOOT, Joanna, shoot!" hiyaw ng mga cheerers ng team na kinabibilangan ng dalaga sa interschool basketball tournament na iyon para sa mga babae.

Hawak niya ang bola at seven seconds na lang at tapos na ang laro. Lamang ang kalaban ng one point. Kapag nai-shoot niya ang bola ay panalo sila. Kampante ang kalaban dahil hindi naman siya ganoon kahusay na manlalaro. Siyempre, panlalaki ang larong ito. May humahabol sa kanya na hindi naman siya gaanong pinagkaabalahan dahil natitiyak nitong hindi niya maipapasok ang bola.

A little prayer and with more concentration ay inihagis ni Joanna ang bola sa ring. Tulad sa isang slow motion ay pinanood niya ang pagbagsak niyon sa ring.

Four seconds... three... two... shoot!

Hindi magkandamayaw ang mga estudyante sa malakas na hiyawan. Panalo ang commerce department. Si Joanna ang bida. Mabilis siyang dinaluhong ng mga ka-escuela at niyakap.

"Ano'ng sinabi ng mga taga-Engineering na iyan!" Tuwang-tuwang hiyaw ni Mr. Gores, ang coach nila. "Ibo-blowout ko kayong lahat sa bayan, girls."

"Yehey!" sabay-sabay na hiyawan ng team. Ilang sandali pa ay awarding na ng trophy at tinanggap ng captain ball ng team nila ang trophy para sa Commerce department.

Pagkatapos ng kuhanan ng litrato at kamayan para sa mga nanalo ay isa-isa nang nagtungo sa locker ang mga players. Paglabas niya ng locker ay sinalubong ni Franz si Joanna.

"Congratulations," nakangising bati ng binata. "I never, for one moment, doubted that you will not make it."

Lumabi siya. "Bolahin mo ako. Kahit nga ako hindi makapaniwalang naipasok ko ang bola, eh. Tsamba iyon."

Nakangisi pa rin si Franz. "Isipin mong tinalo ninyo ang department namin sa tsamba. Hindi ko mapaniwalaan iyon dahil ang mga mahuhusay na manlalaro sa varsity ng St. Ignatius ay mga taga-Engineering at tinulungan naming magpraktis ang mga babae namin."

"That I can believe. With you and Rigo as their trainers, alam kong talo na kami. Ganoon din ang paniwala ng iba ko pang mga ka-team."

"But I'm glad your team won, sweetheart, if only for you."

"Bakit laging iyan ang tawag mo sa akin? Baka akalain ng makakarinig ay sweetheart mo nga ako." Tumingala siya rito. Barefoot ay bahagya lang siyang lumampas sa balikat ng binata.

"Iyan ang gusto kong itawag sa iyo, ayaw mo ba?"

Isang matamis na ngiti ang isinagot niya sa binata at lumitaw ang dimple niya sa kanang pisngi. Ayaw niya? Heavens! She always loved to hear him calling her sweetheart kahit nga hindi naman sila mag-sweetheart.

"Don't smile at me like that and I'll kiss you right here and now," banta nito.

"Franz Ramirez, huwag mo akong takutin. Alam kong hindi mo magagawa iyon."

"Kung hindi kita kilala, iisipin kong naghahamon ka, Joanna Samson," wika nito na nagsalubong ang mga kilay.

"Of course not. But just for the record, kung sakaling ganoon nga, ano ang gagawin mo?"

"I'll kiss you pero hindi sa harap ng maraming mga estudyante," seryosong sinabi nito.

Ngumiti siya uli. Hindi siya naniniwalang gagawin ni Franz iyon. Why, hindi naman sila mag-boyfriend. In fact, for over a month now ay sa bahay ng binata siya nakikipanirahan. And before that ay hindi siya kilala nito. Ni hindi alam nito ang existence niya. Sa public school siya nag-aaral noong high school.

Ang adopted mother niya, si Angelina ay isang nurse sa isang provincial hospital sa kabisera. Nag-leave ito sa ospital nang mangailangan si Don Manuel Ramirez ng isang private nurse dahil natali ito sa wheelchair sa huling atake. Naparalisa ang kanang binti.

Sweetheart Series 3 (You Belong To My Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon