"Do you really allow every man you meet to kiss you?' Hindi nito ikinakaila ang galit sa tinig. Sandaling natigilan ang dalaga. Kanina pa ba ito roon? Bakit hindi niya napansin ang kotse nitong nakaparada sa dilim?
"I did not allow you to kiss me. You kissed me," kalmanteng sagot niya. Pero nanginginig ang kamay niya na ipinasok sa susian ang susi na hindi naman mapasok-pasok.
"Akina iyan!" Hinablot nito ang susi sa kamay niya at ito mismo ang nagbukas ng pinto at itinulak siya papasok sa loob.
"Ano ka ba!"
Kinapa ni Franz ang switch ng ilaw at biglang nagliwanag. "Kanina pa ako rito. Saan kayo nagpunta ni Arnel?"
"Ano ba ang pakialam mo sa akin? Dalaga ako at binata si Arnel. Magagawa kong magpunta kahit saang kasama siya."
"Damn you, Joanna! Hindi ako papayag na mapunta ka sa iba. Kung nagkaasawa ka na nang bumalik ako ay hindi kita liligaligin pero paaalisin kitang tiyak sa pabrika. Pero dalaga ka pa rin at akin ka tulad ng sinabi ko sa iyo noon. You belong to me!"
She was angry and confused. "And—you said you hated me!"
"I still do! I hate you for what you have done to my father, for being a slut and a gold digger. But it won't stop me from wanting you and desiring your delicious body!"
"But... but... you're married..."
"Does it matter? I want you..." paniniyak nito na ang mga mata ay humagod sa kabuuan niya. Nanlulumong napaupo ang dalaga sa sofa.
Sandaling katahimikan ang namagitan. Si Franz ay inikot ang paningin sa loob ng bahay niya. Nagsalubong ang mga kilay. This is the same old house na tinitirhan ni Angelina at Joanna noong araw. Walang nabago.
Lumang sofa na yari sa kahoy. Isang maliit na black and white TV sa sulok at isang di-kalumaang electric fan. At ang dere-deretsong dining-kitchen room ay naroon ang lumang mesang formica na pandalawahan.
Ang lumang ref sa isang sulok. Ang tanging bago sa tingin nito'y ang radio-cassette recorder sa ibabaw ng ref at mga tapes na nasa estanteng kahoy.
Walang sabi-sabing lumakad ito patungo sa nakasarang pinto bago pa nakuhang magsalita ni Joanna. But she was too stunned para makausal ng salita. Binuksan nito ang silid niya. Isang pang-isahang kama. At least, iyon ay medyo bago at may kutson. Ganoon din ang maliit na tokador. Ang aparador ay luma at antigo. Muli nitong isinara ang pinto at binalikan si Joanna na gulong-gulo ang mukhang nakatitig dito.
"Ano ang ginawa mo sa perang iniwan ng Papa sa iyo?" mapanganib nitong tanong.
"Wala kang pakialam!"
"Hindi mo ginamit iyon sa escuela dahil scholar ka. At hindi mo rin naubos iyon sa pagbibili ng kung ano-anong mga gamit dahil puro luma ang narito maliban sa kama mo at tokador mo na hindi naman mahal." Kung nang-iinsulto ito ay hindi matiyak ng dalaga.
Itinaas ng dalaga ang mga kamay. "Nakikiusap ako, Franz, iwanan mo ako." Nagsusumamo ang tinig niya. "Hindi ko kayang laging ganito. Gulong-gulo ang isip at damdamin ko. I'm tired and weary."
"You deserved all these kind of treatment from me!"
"Bahala ka sa inaakala mo. Now, please, gusto kong tapusin ang lahat ng ito. Effective tomorrow, magre-resign ako. At huwag mo akong takuting hindi ako matatanggap kahit na saang trabaho dahil hindi na ako magtatrabaho. I'm marrying Arnel..." Isinuklay niya ang kamay sa buhok. How she wished na sa pagkakataong iyon ay nasa tabi niya si Arnel to give her the support she needed right now.
Naggalawan ang mga muscles sa mukha ng lalaki. "The hell you will!"
"Hindi mo ako mapipigil sa gusto kong mangyari sa buhay ko. I have had enough of what I can take from you. Ilang araw pa lang mula nang magkita tayo uli and you're draining all my strength."
"Sinabi mo ba kay Arnel na ako ang unang umangkin sa katawan mo?"
"Damn you, Franz!"
"Ako mismo ang magsasabi, Joanna, and more!" "You can't be with that bastard!"
"You made me like this," he said bitterly.
"Oh, Franz..." At sa kauna-unahang pagkakataon mula nang makilala siya nito ay umiyak si Joanna. Hindi niya gustong gawin pero hindi niya mapigil ang sunod-sunod na pagpatak ng mga luha. She was sobbing hysterically.
Marahas siyang itinaas ni Franz at dinala sa dibdib nito.
"Dammit, sweetheart, don't cry!" marahas nitong sinabi. But the tender stroke of his arms on her back belied the harshness of his voice.
For a while ay hinayaan ni Joanna ang sarili sa mga bisig nito for the last time. Inubos doon ang mga luha na minsan man ay hindi pumatak sa loob ng pitong taon.
"Joanna... Joanna," ani Franz sa gumagaralgal na tinig. In anger, in agony, in frustration.
Makalipas ang ilang sandali ay kinalma ni Joanna ang sarili. Pinahid ng palad ang mga luha.
"I'm sorry. Nabasa ko ang polo shirt mo," aniya sa kalmante nang tinig. Wala sa sinabi niya ang pansin ni Franz. Hindi nito malaman ang gagawin at sasabihn. Nagpatuloy ang dalaga. "Tatanggapin mo ang resignation ko bukas, Franz..." she said in a cold and composed voice.
Tumalim ang mga mata ng binata. "Do what you want, Joanna, huwag lang ang magpakasal sa ibang lalaki. You will only marry another man over my dead body," he said in a calm anger.
"Kahit na ano pa ang iniisip mo laban sa akin, I cannot allow myself to be your mistress, Franz Ramirez," determinado niyang sinabi at tumakbo papasok sa silid at ini-lock ang pinto.
BINABASA MO ANG
Sweetheart Series 3 (You Belong To My Heart)
Romance"You belong to me, sweetheart, to my heart, now and forever." Hindi mapaniwalaan si Joana na makalipas ang pitong taon ay muling nagbalik sa buhay niya si Franz. Seven years of heartache pero mukhang determinado si Franz na patuluy siyang magdusa s...