Chase 1

10.4K 199 12
                                    

Chapter 1 

"Jillian. Section-B. Third floor," bulong ko sa sarili ko habang tinitignan ang listahan na ibinigay sa akin ni Ruby. Maasahan ko talaga 'yang kapatid ko! Kaya mahal ko siya eh!

Napangiti na lamang ako nang makita kong lumabas mula sa classroom na nasa harapan ko ang babaeng nasa picture na hawak ko. Dahan-dahan ako lumapit sa kan'ya with a smile plastered on my face. May kasama siya ngayon, babae, kaya baka hindi ko masabi lahat ng gusto kong sabihin dahil makiki-eps lang 'yung kasama niya. Well, they should know that I would be the one to steal Charles' heart, hindi sila. Kaya kailangan ko 'tong linawin sa kanila. 

"Jillian?" tawag ko sa kan'ya. Parehas na napatingin ang dalawang babae sa akin. I smiled to show off my friendly, plastic face. "A-ako po?" tanong ni Jillian at itinuro ang sarili niya. Tumango naman ako sa kan'ya. Lumapit silang dalawang magkaibigan sa akin.

"Ano pong kailangan niyo?" tanong niya. 

"Drop the 'po', missy. May kailangan lang akong sabihin sa'yo. I heard na may gusto ka daw kay Charles Aldridge?" Pagkabanggit ko pa lang ng pangalan niya ay bigla na siyang namula at nahihiya pang tumingin sa akin. Hindi na siya nakasagot at ang kaibigan niya ang sumagot na para sa kan'ya.

"Ay opo, ate! Crush na crush ni Jill si Charles! Alam mo ba, isang time, natapilok si Jill. Parang knight-in-shining-armor naman 'tong si Charles kasi tinulungan niya ang kaibigan ko!" Naiirita akong tumingin sa kan'ya dahil kilig na kilig pa siya habang nagku-kwento. Ganyan talaga si Charles, mabait sa mga nangangailangan ng tulong. Maliban lang talaga sa akin. But duh. He was just helping! Ano bang nakakakilig do'n? Kahit ako, kayang-kaya ko siyang tulungan!

Ang OA naman ng knight-in-shining-armor niya! Natapilok, obvious naman na tutulungan siya. Bakit? Iniligtas ba ni Charles' ang buhay ng babaeng 'to? Tss!

"Excuse me. Pero, please lang, layuan niyo na si Charles, pwede?" tanong ko sa kanila, 'di ko maitago ang naiirita kong boses. Parehas silang napatingin sa akin habang nakataas ang kilay ko sa kanila. 

"B-bakit po?" Nakunot na lamang ang noo ko nang makitang kumikinang 'yung mata nung Jill. Muntikan ko na siyang mairapan kaso napigilan ko. Iyakin. Nakakainis. 

"Kasi, may girlfriend na siya. Ayaw ng girlfriend niya na may ibang babaeng magkagusto sa kan'ya, is that clear?" Dahil ata sa gulat ay hindi sila nakakibo. Bago pa nila mabuksan ang bibig nila ay agad na akong umalis ng harapan nila. 

Oh well. I gained more haters dahil sa ginawa ko today. Pagsabihan ko ba naman sila ng gano'n? I mean, anong karapatan ko, right? I'm not the girlfriend. Pero darating rin naman kami diyan, nagpe-prepare lang ako para sa future namin. 

Nakasalubong ko si Ruby pagkapasok ko ng canteen. "Ate!" bati niya at nginitian ko naman siya. Umupo kami sa usual table namin na malapit sa bintana. 

"Salamat nga pala doon sa listahan, Ruby." 

"T-teka ate, kinausap mo talaga sila isa-isa?" gulat na tanong niya sa'kin. 

"'Wag kang mag-alala, Ruby. Kaya ko naman ang sarili ko. At isa pa, anong laban nila sa akin?" Napangisi ako pero nakita ko sa gilid ng mata ko na pumasok na sa loob ng canteen si Charles' kasama ang mga kaibigan niya. 

Nanlaki ang mata ko at bumaling kay Ruby. "Ruby! 'Yung food! I think I left it!" 

Pero may iniabot si Ruby sa akin na isang lunchbag. "Don't worry, ate. I got you covered," sabi niya then she winked. Napangiti ako at kinuha 'yung bag mula sa kan'ya. Maaasahan ko talaga si Ruby! So lucky!

I happily hopped to where Charles' is sitting. Kinakausap niya pa ang mga kaibigan niya nung lumapit ako. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya ako napapansin. Napatingin lang siya nung nakita niyang nakatingin lahat ng kaibigan niya sa akin. 

Chasing HeartachesWhere stories live. Discover now