Chapter 12.2 - His Love: Action Speaks Louder than Words

406 43 21
                                    

AUTHOR’s NOTE:

Hi! Amy/ @Warm_Ice18 thanks for the CB. . sorry kung 1 month ko lang siya magagamit.  ^_____^

Sa mga readers nitong Just The Girl . . paramdaman naman kayo. Sabihin niyo naman kung ano'ng SAY niyo sa UD ko? Tsk! 

READ. VOTE. COMMENT. FOLLOW.

____________________

           ~ HIS LOVE: Action Speaks Louder than Words ~

NAPATILI NA lang siya nang buhatin siya ni France na parang sako.

“Hoy! Escuederong Feelingerong Pervs ibaba mo ako,” nagpupumiglas na sabi niya.

Ngunit hindi pa rin siya pinansin nito.

“Ano ba! Sabing ibaba mo ako! Ang baho-baho mo! Di ka lang amoy pawis, puro pawis ka pa! Eeewww!!!”

Napatigil siya nang bigla siya nitong binaba sa kama. Napalunok siya nang hubarin ni France ang suot nitong polo at hinagis kung saan. Babangon na sana siya at tatakbo palayo dito nang bigla na lang itong lumuhod sa harap niya habang nasa gitna naman siya ng mga hita nito.

EVIL: Promise! I love our HUSBAND na! He’s so WILD and I love it!

“Mabaho?!? Amoy pawis?!? Tignan natin,” nakakalokong sabi ng asawa.

Hindi niya alam kung ano na ang gagawin niya. Hindi na kasi siya makakilos dahil inupuan na siya ng binata sa bandang tiyan.

Ganun na lang ang tili niya nang walang sabi-sabi ay ipinahid ni France ang mga pawis nito sa kanya. Hindi lang isang beses kundi maraming beses pa.

“Eeewww!!! Kadiri ka!!!” tili niya.

Tawa lang nang tawa ito. Hindi pa ito na kuntento. Kinubabawan pa siya ng binata at dali-daling pinaamoy sa kanya ang kili-kili nito. Hindi naman mabaho ang amoy nito pero nakakinis lang talaga.

“Aaahhh . . ang baho!!! Kadiri ka!” anya nang pinakawalan na siya nito. Pinagpapalo niya ito ng unan.

Nang aakamang huhulihin na naman siya ng binata at gagawin na naman nito ang ginawa kanina ay dali-dali siyang nagtatakbo palabas ng kwarto

Tumakbo rin si France para habulin siya.

“Huwag mo na akong habulin! Layuan mo na ako! Kadiri ka! Baboy! Ang baho mo!”

“Ano?!? Humanda ka sa akin!”

JUST the Girl [On Going]Onde histórias criam vida. Descubra agora