Chapter 16 - Kisses and Jealousy

393 33 7
                                    

          ~ KISSES AND JEALOUSY ~

WALA PA mang closure ang isyu nila kay Kean, ni hindi pa sila nagkakaroon ng confrontation, may panibago na naman silang pinag-aawayan. Ang pinsan niyang si Ezekiel.

Hindi lubos maisip ni France na magkakilala pala ang mga ito. Gusto niya mang malaman kung paano nagkakilala ang dalawa, ayaw namang magkwento sa kanya ng kanyang pinsan.

Secret, iyon ang laging tugon ni Ezekiel sa kanya.

Ayaw niya kasing magtanong kay Justine baka kung anu pa ang isipin nito sa pagtatanong niya.

Mula kahapon ay hindi niya kinakausap ang asawa, ni hindi niya ito pinapansin. Naiinis kasi siya t’wing nakikita ang asawa kahit wala itong ginagawang masama bukod sa pag-ismid at pag-irap dahil na rin sa pangbabalewala niya.

Kinausap na nga silang mag-asawa ng kanyang lola at ina. Napapadalas daw kasi ang pag-aaway nilang dalawa samantalang wala pa silang isang buwang kasal. Nag-one-on-one na nga rin silang mag-ama tungkol dito.

Gusto naman niya talagang makipag-ayos na pero sa t’wing haharapin niya na si Justine hindi niya masabi ang gusto niyang sabihin. Dahil alam niya ‘pag binuka niya ang kanyang bibig iba na naman ang lalabas at baka lalu lang silang mag-away na dalawa. Pareho pa naman sila ng ugali nito. Moody at di papatalo.

“Wala ka bang balak sagutin ang tawag sa’yo?” walang kwentang tanong sa kanya ni Justine.

Nasa biyahe sila ngayon para pumasok sa school.

Hindi niya pinansin ang asawa at nagpatuloy lang siya sa pagmamaneho.

Bakit niya sasagutin ang tawag?

Unang-una, nagmamaneho siya at ayaw niyang mahati ang atensyon niya. Mahirap na baka maaksidente pa sila.

Pangalawa, mukhang hindi naman importante ang tawag dahil ang Kuya Kiel niya lang 'yon.

Pangatlo, ayaw niya ng istorbo at panira sa kanyang araw. Dahil malamang kukulitin na naman siya ng pinsan.

Kahapon, buong maghapon siyang kinulit ng pinsan tungkol sa asawa niya. Inis na inis na nga siya. Umagang-umaga tumawag ito sa kanya para lang tanungin kung ano’ng cellphone number ni Justine. Ngunit hindi niya binigay ang hinihingi nito. Ni katiting hindi siya nagkwento tungkol sa asawa niya. Mahirap na. Kilala niya ang pinsan, kahit pa sabihing iniidolo niya ito.

Napamura siya ng mahina nang abutan sila ng traffic. Hindi pa naman sila late. Actually masyado pang maaga para sa unang klase nila lalu na siya, dalawang oras pa bago ang una niyang klase.

Obligasyon niya kasing ihatid ang asawa niya sa school. Inutos kasi ng lola niya at sabi na rin ng kanyang ama para daw magkaayos na silang mag-asawa. Siya na daw ang gumawa ng paraan. Mabuti na lang wala siyang mahalagang appointment sa arawa na ito.

JUST the Girl [On Going]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant