CS 2

13.3K 293 9
                                    

CS 2

My girl

"Xian Dash!" 

Lalong kumunot ang noo ko saka huminga ng malalim at mas binilisan ang pag habol kay Dash. Hinatak ko ang bagahe ko na halos masira na sa pagkaka ikot ikot. Nilingon ako nito saka matamang tinignan. Tumaas ang isang sulok ng labi nito tsaka lumapit sa akin. Kinuha nito ang mga bagahe at hand bag ko ngunit pilit ko iyong iniiwas sa kanya.

He groaned. "Come on, Tal... Me carrying your things won't bite." 

Naka kunot noo itong inagaw sa akin ang mga gamit na dala dala ko. Wala na akong ibang nagawa kungdi ang magpaubaya. Kinagat ko ang labi ko saka inilibot ang tingin dito sa labas ng bahay niya. Hindi pa rin ako makapaniwala na andito ako ngayon sa Cagayan de Oro, kasama ang di ko kilalang lalake at titira kame ng magkasama.

Relax, Talullah Desiree... Pinikit ko ang mga mata ko saka kinalma ang aking sarili. 

"Breathe in..." huminga ako ng malalim. "breathe out..."

Pag dilat ko ng mga mata ko ay naka ngising naka titig sa akin si Dash. He looked so amused with me! Do I look like a clown to him? There's his playful aura again that I don't like. Him being playful is just so dangerous. Inirapan ko ito saka nauna ng nag lakad papasok ng bahay niya. Tahimik itong sumunod sa akin saka sinara ang pintuan. Naka pamaywang akong tumingin sa kabuuan ng salas niya. 

His house is huge for a man who is living alone! His house is clean and his things are well organized. Nang tignan ko ulit ito ay seryoso na itong naka titig sa akin. Kumunot ang noo ko saka iniwas ang tingin dito at nag lakad papunta sa mga bagahe ko ngunit hinawakan niya nag kamay ko dahilan nang pag bagsak ko sa dibdib niya.

I was about to shout at him but he covered my lips with his sweet and luscious lips. Nanlaki ang mga mata ko at nag pumiglas dito ngunit hinawakan niya ang mga braso ko at pinirmi sa gilid ng dingding. My lips parted in shock and that made him flick his tongue inside my mouth. 

Mabilis na tumambol ang puso ko. I literally felt my heart wanting to come out of my chest. Mariin akong pumikit at kinalma ang sarili ko bago buong lakas na itinulak si Dash. Nag salubong ang kilay ko saka galit na tumingin dito. He was touching the side of his lip and slightly wipe the stain that my lipstick brought. 

"Don't..." pumikit ako nang mariin saka huminga ng malalim. "...don't do that again!" 

Tumalikod ako rito at huminga nang malalim. "Where's my room? I'm tired, I wanna rest." 

Hindi ito nag salita at binuhat na lamang ang bag ko saka dire diretsong naglakad paakyat sa hagdan. Pinasadahan ko ng kamay ang aking buhok saka sumunod dito. Huminto ito sa tapat ng isang kwarto at binuksan iyon. Dali dali kong kinuha ang mga gamit ko sa kanya at sinarado ang pinto. Napasandal ako sa pintuan at tsaka lamang naka hinga ng maluwag. 

My heart started beating fast again when he knock on the door. "Bakit?" tanong ko rito ng hindi binubuksan ang pinto.

"My room is the door at the end of the corridor. Just tell me when you need something..." he drawled lazily.

Kinagat ko ang labi ko saka tumango. "Okay! I'll sleep muna. I'm kinda tired."

What the hell, Talullah? Ganoon ka ba ka-duwag para makipag usap sa asawa mo ng naka sara ang pintuan? Hindi na ito nag salita pa at narinig ko na lamang ang pag lakad nito palayo. I sighed in relief and glanced my eyes all over my room.  

My mouth parted when I saw nothing but white. I kinda actually love the room. It's very minimal but I find it elegant and relaxing. Hinatak ko ang bagahe ko saka inilapag sa tapat ng kama. Umupo ako rito saka bumuntong hininga. Kinagat ko ang labi ko saka tumayo ulit at nag lakad pabalik balik sa tapat ng pintuan.

CRADLE SNATCHER (Nepumoceno Series #3)Where stories live. Discover now