KABANATA XIX

2.7K 93 44
                                    

KABANATA XIV| TRUST NO ONE:

THE WEIRD'S POV

"King, palagi mong tandaan na ang buhay ay isang laro, isang laro na kailangan mong ipanalo. lahat ng tao sa paligid mo ka-kumpetensya mo kaya naman huwag kang agad magtitiwala sa kanila, baka sila pa ang maging dahilan para matalo ka."

Naalala ko pa noong sinabi sa akin yan ng lolo kong sundalo na ngayo'y namayapa na. Noon hindi ako naniniwala sa kanya pero ngayon, mukhang yang mga katagang iyan ang dapat kong panghawakan sa laban ko para magpatuloy pa ako sa laro ng buhay ko.

Totoo yung sinabi ni lolo. Hindi dapat ako basta-basta nagtitiwala sa ibang tao dahil maaring sila pa ang maging dahilan ng pagkamatay ko. Lalo na ngayon na nasa isang labanan ako na hindi ko alam kung sino ang kalaban.

Kaya naman tama ako sa naging desisyon kong mag-isa kaysa sumama sa kanilang lahat na nasa labas para hintayin yung pagdating nung tatlong lumabas ng seminaryo para humingi ng tulong.

Kahit na nasa labas na yung isa sa pinaka-suspect ko na si kuya Rico ay hindi pa rin ako panatag para sa buhay ko, dahil unang-una, hindi lang naman si kuya Rico ang nasa listahan ko ng pwedeng pumatay.

Katunayan ay tatlo silang nasa listahan ko. Yung dalawa na si Kurt at Christian ay  kasama pa rin namin na naiwan dito sa loob. Mas mabuting lumayo ako sa kanilang dalawa kaysa ilagay ko sa bingit ng kamatayan yung buhay ko.

Halos dalawang oras na akong nandito sa kwarto ko. At halos dalawang oras na rin simula nang iwan ko sina Mario, Kurt , Arthur, Lucas, Markus at Christian sa tapat ng saradong gate. Nung iniwan ko sila'y nag-aaway pa sila, ewan ko nga kung napansin nila yung pag-alis ko, eh.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nakaramdam ako ng pagkagutom at pagka-uhaw. Huli kaming kumain kaninang umaga, pagkatapos nun wala na. Simula kasi noong makita namin yung bangkay ni Koko sa Cr. Ay hindi na pumasok sa utak namin yung kagutuman.

Katunayan, nagluto si kuya Rico para sa tanghalian namin kanina pero wala ni isa sa amin ang nagtangkang kumain nung niluto niya. Sino ba naman kasing gugustuhing kumain sa luto ng isa sa mga pinaghihinalaan , 'di ba?

Ayokong malason ng wala sa oras. Ayoko pang matapos ang laro ng buhay ko. Mas gugustuhin ko pang magutom kaysa kumain nung niluto niya. Mahirap na!

Pero ngayon, hindi na kaya ng sikmura ko. Gutom na talaga ako.
Dahan-dahan kong binuksan yung pintuan para sumilip sa labas. Baka kasi may biglang bumulaga sa akin tapos saksakin nalang ako bigla. Nang makumpirma kong walang tao ay dahan-dahan akong lumabas ng kwarto ko.

Habang dahan-dahan akong naglalakad papunta sa refectory  ay napatigil ako. Nakarinig kasi ako ng mahinang ingay mula sa refectory na nag-eecho sa east wing kung nasaan ako ngayon. Parang may maliliit na padyak ng isang.. Kambing?

Halos mapatalon ako sa kinalalagyan ko nang may sumulpot na kambing sa harap ko.  K..kambing? Bakit may kambing na galing sa loob ng refectory?

Maya-maya pa ay tumigil sa pagpagtakbo yung kambing sa harap ko, para itong may isip na lumapit sa akin. Tila ba gusto nitong magpakalong sa akin.

"Mehehehe" Lumapit sa akin yung batang kambing.

"Gutom ka na, di ka pa kumakain 'no?" Sabi ko sa kambing habang nakapalupot ang braso ko sa kanya.

"Hayaan mo kakain tayo sa refectory." Sabi ko. Akmang patayo na ako ng biglang may sumulpot na anino ng tao sa harapan ko. Nasa dulo siya ng east wing kung saan ako papunta ngayon. Pinilit kong aninagin yung mukha niya pero hindi ko makita, nakapatay kasi yung mga ilaw nung mga oras na iyon. Basta ang alam ko lang ay nakaitim siya tapos nakahawak ng.. Patalim? Bakit siya may hawak na patalim? S..siya ba yung killer?

Halos mabitawan ko yung kambing na hawak ko sa mga nakita ko.
Unti-unti akong napaatras sa kinalalagyan ko. Pero habang umaatras ako ay humahakbang rin palapit sa akin yung taong nakaitim na may hawak na patalim.

"S..sino ka? "Sabi ko habang paatras ng paatras. Hindi siya sumagot patuloy lang siya sa paglalakad palapit sa akin.
"S..sino ka!" Pag-uulit ko kaso hindi pa rin siya sumasagot.

"I..Ikaw ba yung The 13th Seminarian?" Nanginig ako ng tumango siya. I..ibig sabihin siya nga.. I..Ibig sabihin katapusan ko na.
Aatras pa sana ako pero hindi ko na nagawa, Nasa dulo na ako ng west wing. Na-corner na niya ako. H..hindi pwede ito!

Habang palapit siya ng palapit siya sa akin ay unti-unti ko ring naaaninag yung hitsura niya. Dun ko mapagtanto kung sino siya.
Halos mapanganga pa ako ng makita ko kung sino yung taong iyon. I..Ibig sabih siya yung pumamatay? Siya yung the 13th Seminarian?

Sisigaw pa lang sana ako kaso huli na ang lahat. Tapos na ang laro ng buhay ko. Tapos na ako.



THE 13TH SEMINARIAN'S POV

20,1,8,1,12 - 7,14,15,25,1,11 - 15,11 - 14,9,25,1,20,1,16 - 7,14,21,11 - 7,14,1,12

19,15,25,1 - 1,25,1,11 - 20,1,16,1,4,20,1,16,1,18,1,11 - 15,25,1,11 - 9,4,1,14,9,8 - 1,14

14,9,11,1 - 1,19 - 7,14,1,12 - 15,25,14 - 14,1,25,1,14,21,20,1,16,1,14,9,16 - 9,1,13

9,12,1,7,21 - 7,14,1 - 14,1,1,13,1,19,1,11 - 7,14,15,7,1,20,1,14,9,20 - 25,1,13

9,18,1,16,7,1,13 - 7,14,15,20,19,21,7 - 1,7,13 - 7,14,1 -1,2 -14,1,25?

1,2 - 14,1,25? - 1,2 - 14,1,25 - 15,25,14 - 9,12,1,7,21 - 14,1 - 25,1,14,21,20 - 17,14,1

25,15,12,21,20 - 15,11 - 14,1,13,1,12,1,12,1,14 - 15,25,1,11 - 15,12,21,7,1,11,1,11,7,1,14

15,11 - 15,20,19,21,7 - 7,14,1 - 14,1,25


The 13th Seminarian #Completed #Wattys2019Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz