Kabanata IX

120K 4.7K 1.1K
                                    

Stop

Mainit ang tingin ni Yvanna kay Nikolas habang nakatitig ito sa kanya. Bakas sa mukha ng binata ang labis na pagkagulat nang makita niya si Yvanna sa kanilang mansyon. Pareho nilang hindi inaasahan na magkikita sila at sa mismong mansyon pa ng mga Del Franco.

"Good evening, Governor," matapang na saad ni Yvanna at inilahad ang kanyang kamay bilang pagbati sa kanilang Gobernador. Para bang hindi sila lubusang magkakilala sa mga oras na iyon.

"Good evening, Ms. Yvanna," pormal na sagot ng binata at tinanggap ang kamay ng dalaga. Ramdam na ramdam nilang pareho ang tensyon sa pagitan nilang dalawa at bakas sa mga mata ni Nikolas na mayroon itong gustong sabihin sa kanya pero hindi nito magawa. Maraming mata ang nanonood sa kanila at alam niyang mayroon lang silang masabing mali, pagdududahan na sila ng mga tao sa paligid.

"I'm surprised that you already have a girlfriend, Governor. You never told the public about her," nakangiting saad ni Yvanna bago pasadahan ang babaeng katabi nito na katulad niya ay nakangiti rin sa kanya.

"Nice meeting  you, Ms. Rafaela Alfonso," ani Yvanna sa dalaga. Of course, everyone knows about her. She is the daughter of the current mayor of Vigo Del Mar and a close friend of Del Franco family. She is a model and businesswoman. Mas lalong babango ang pangalan ng Gobernador kapag ito ang napangasawa niya. Well, that's always a perfect combination. Business and politics.

"It's nice meeting you too," sagot nito sa kanya. She looks so sweet and soft. Kahit sa anong anggulo tingnan ni Yvanna, wala siyang makitang kamalian sa dalaga. She is epitome of class and beauty. Walang-wala ang kanyang itsura sa ganda ng dalaga.

She is almost perfect and she perfectly fits to be his wife, she thought to herself.

Malamang at hindi pipili ng kung sinong babae lang si Nikolas. Ang ikinagagalit niya lang, bakit hindi sinabi ng binata ang tungkol sa relasyon nilang dalawa. May parte sa puso niya ang nasasaktan ngayon dahil ito ang isa sa mga ikinakatakot niya. Ang makita ang binata na mayroon ng mahal na iba.

Bigla ay para bang gusto na lang niyang maglaho para matapos na ito. She hates this feeling.

Akala ko ba kaya mo na? Sabi ng isang boses sa kanyang isip.

"Why are you here..." Nakaawang pa rin ang mga labi ng Gobernador. Halatang hindi talaga nito inaasahan na magkikita sila roon.

"Well, your father invited me to be here, Mr. Governor." Hindi nawawala ang pormalidad sa tono ng kanyang boses.

"Do you know her, love?" Love. Gustong murahin ni Yvanna si Nikolas. Pakiramdam niya ay ilang libong palaso ang tumatarak ngayon sa kanyang dibdib dahil sa sakit na nararamdaman niya.

Pakiramdam niya ay muli nitong pinaasa ang natutulog niyang puso.

"I—I know her, because she is a known journalist." He denied my existence and that's expected. Nanginginig na ngayon ang kanyang kamay dahil sa isinagot nito.

Kilala niya lang ako dahil isa akong kilalang journalist? Hanggang ganoon na lang ba? Bakit hindi niya sabihin na kilala niya talaga ako? Na nagkaroon kami noon ng relasyon na hindi alam ng kahit sino?

Damn, damn.

"I thought you really know her. You seem know each other, love," ani ni Rafaela at yumakap sa braso ng binata hahang nakatingin kay Yvanna na para bang ipinamumukha nito na kailan man, hindi nila iyon magagawa sa harap ng maraming tao.

"Let's take our seats," putol na lang ni Yvanna sa usapan. Muli silang umupo at tahimik lamang si Yvanna sa kanyang upuan at para bang nawalan na siya ng gana na ipagpatuloy pa ang gabing ito.

The Governor (Del Franco #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon