8: @CalixLassiter; Unknown Girl

367 54 41
                                    

Nagising ako sa araw na pumapasok sa loob ng kwarto ko, nag-inat muna ako bago umupo at saka kinuha ang alarm clock ko para malaman kung anong oras na.

2:48pm. Napapatanghali na ata ako ng gising ah?

I stayed late last night kakahintay ng text ni Cheska, around 1am na ito dumating pero hindi lang iyon ang dahilan kung bakit ako nagpuyat. Sabi kasi nya sa text nya, ayusin ko raw yung twitter and instagram na binigay nya at huwag ko raw palitan ng password dahil sa loob ng one year kailangan naka-monitor ang mga tweets ko. My twitter and instagram is @CalixLassiter buti na lang walang masyadong kaartehan ang username ko, pagbukas ko nga nito kagabi may ilang followers na ako. All of the members ng The Extraordinary naka-follow saakin, like are they serious? Ang hirap kayang makakuha ng follow sakanila dahil maraming may gustong magpa-follow na fans pero yung account ko lahat naka-follow sila. Some of the people in the management followed me too including Cheska and Keith pero hindi ko kilala yung iba, well I followed all them back.

As I scroll down, may mga tweets na rin tulad ng palitan namin ni Chan-Yeol ng tweets kahit wala naman akong alam doon, the tweet says- I miss you and I can't wait to see you tomorrow. Halatang management ang gumawa nun o si Cheska. What shocked me most in the tweets ay yung tweet ni Cris na picture naming lahat sa restaurant sa may hotel, and the tweet says:

@CrisTheEXO: Just have a nice time and good laugh w/ these people including my friend @CalixLassiter :)

Yung tweet nya sa instagram galing at naka-direct lang sa twitter.

Just for fun din, I searched my name on the search box. At grabe lang ang nakita ko! Akala namin walang mga fans or paparazzi kagabi pero may mga pictures na medyo madilim pero makikilala mong sina Chan-Yeol at Keith iyon kasama ako pati na rin si Kendall. Ang sabi sa mga tweets ay may nakita raw na kasamang babae si Chan-Yeol kagabi kasama ang head stylist nila at anak nito na si Baby Kendall. Sideway ang picture kaya hindi makilala kung sino ako at dahil na rin sa cap na suot ko, unknown girl pa ako sa mga fans at sa ilang media pero yung iba nag-suspect na baka ako raw si Calix Lassiter na nasa tweet at insta ni Cris dahil sa cap na suot ko.

Wala naman silang masyadong sinabi tungkol doon dahil may iba pang kasama si Chan-Yeol. Buti na lang ay ganoon dahil hindi ko pa kayang humarap sa drama sa unang araw ko bilang hired girlfriend ni Chan-Yeol. At inisip ko rin ang mga bagay na dapat kong gawin sa date namin, sa 'first date' na gagawin namin ni Chan-Yeol. I know that it is a fake date pero hindi ko maiwasang isipin na makakasama ko sya. Imagine your ultimate crush and idol makakasama mo sa isang date, hindi kaba mapapaisip nun?

Yung second text naman saakin ni Cheska ay yung tungkol sa date namin, reminding me.

Habang kumakain ako ng sandwich may nag-doorbell, sino naman kaya ito?

Bago ko buksan ang pinto, tinanong ko muna kung sino ito, syempre.

"Sino yan?"

"Ako ito Calix, si Keith."

Si Keith? Bakit sya nandito? 6pm pa ang sabi ni Cheska sa text ah? Anong oras ba mag-uumpisa yung basketball game?

Binuksan ko yung pinto at pinapasok sya kinawayan nya ako bilang pagbati.

"Pasensya kana sa itsura ko, kagigising ko lang kasi."

"Okay lang. Pero hapon na ha? Anong oras ka ba natulog?" Tanong nya habang pinapasok nya rin yung mga dala nyang gamit, sa tingin ko make-up kit ito at isang hanging closet na color black at paniguradong may laman na damit iyon.

"Ano nga pala yang mga dala mo?" Pag-iiba ko ng usapan, ayoko munang sabihin sakanya kung bakit kasi baka wala syang alam sa arrangement namin ni Chan-Yeol.

Hired for Park ChanYeol (EXO Fanfic)Where stories live. Discover now