12: "Are you ready?"

377 50 24
                                    

Pauwi na ako ngayon galing sa trabaho. Ang bilis ba? Wala naman kasing nangyayari doon, puro trabaho lang. Alangan naman sabihin ko pa sainyo yung mga order at kaartehan ng mga customers? Charott. Haha.

Himala na hindi ako tinawagan o tinext man lang ni Cheska. Wala ba syang reaksyon sa nangyari kagabi? Probably because may mali rin sya dahil sa daming nagsulputan na paparazzi kagabi. Nagpapasalamat din ako kasi walang nakakilala saakin.

Pagdating ko sa building ng apartment namin, may mga paparazzi. Shoot. Anong gagawin ko?

Alam na ba nila? Alam na ba nila kung sino ako? Takte. Tama nga ata si Irish na at the end of the day, alam na nila kung sino ako. Ganito ba talaga sila kabilis sa impormasyon? Hindi man lang pinaabot ng isang linggo. Tss.

Nakayuko akong pumasok ng building, halatang hindi ako nakilala ng mga paps dahil nakapasok ako nang maayos sa loob. Pero halatang tinitignan nilang mabuti yung bawat babaeng pumapasok sa building.

"Psst."

May sumitsit?

"Psst." Yan nanaman. Ako ba yun o imagination ko lang?

"Hoy!" Diretso pa rin ako.

"HOY CALIX! ANG BINGI MO NAMAN!" Napahinto ako. Calix daw? Ako yun diba?

Malamang. Tanga lang te? Pesteng subconcious.

Paglingon ko, nakakita ako nang anghel mula sa langit na sobrang gwapo, sobrang amo nang mukha at paniguradong sobrang sarap. Charr!

"Oh Chan-Yeol.. bakit ka nandito?"

"Malamang pinuntahan kita." He smirked. Wow, maganda na ata ang mood nya ngayon.

"Sorry may pagka-tanga kasi ako." Sarkastiko kong sabi.

"Bakit ka nga pala nagtatago?" Nasa may gilid kasi sya, malayo sa glass door at window ng building na ito.

"Nakita mo ba yung mga nasa labas?" Tinuro nya naman yung nasa labas, "simula kasi kagabi, nakabantay na sila saakin. Nakabuntot sila saakin ngayon."

"So sinasabi mo bang sinundan ka nila rito?"

"Oo. Pero pagdating ko rito, may ilang nasa labas na."

Grabeng mga paparazzi yan. Twenty-four/seven atang magbabantay ngayon kay Chan-Yeol.

"Alam na ba nilang dito ako nakatira?"

Sana hindi pa. Sana hindi pa. Please sana hindi pa. Ayoko munang maging maingay ulit ang katatahimik ko lang na buhay.

"Apparently.." ano ba naman ito, may pa-suspense effect pa. "Yes."

Namilog ang mga mata ko sa laki, seryoso ba sya?

"Seryoso? Oo talaga?"

"Oo nga. Would you rather me lie to you?"

Pssh. Syempre ayoko naman nun.

"Hindi mo pa binubuksan ang twitter mo nu?" Patuloy nya.

"At bakit? Ano namang meron sa twitter ngayon?"

He chuckled, amused sa sagot ko.

"Well. Trending tayo. Chan-Yeol of the The Extraordinary band going out with Unknown Girl, again. Pero sa ngayon, hindi kana unknown girl dahil alam na nila kung saan ka nakatira at kung sino ka."

Wow. Ang bilis talaga. Mas mabilis pa ata sa kidlat. Napasapo na lang ako sa noo ko. Mag-uumpisa na ang lahat. I'm sure marami na akong haters and bushers ngayon.

"Alam kong darating yan kaya iniwasan ko muna ang twitter."

"Hindi mo man lang ba ako papaakyatin sa apartment mo?" Tanong nya, he seems excited.

"Yun lang pala eh.." Realization hits me, "eh hindi pwede!" Mabilis kong dugtong. Muntik na!

"At bakit naman?" Tinaasan nya pa ako ng kilay.

"Ba-basta! Hi-hindi pwede." Kinaway-kaway ko pa yung kamay ko sa harap nya.

"Edi sasama na lang ako sayo."

Ang persuasive nya naman. Hindi sya pwedeng sumama sa apartment ko kasi ayokong makita nya ang napakalaking poster nya sa pinto ng kwarto ko. Kakalagay ko lang nun after ng first date namin, pagpasok pa naman ng apartment ko, mapapansin agad yun dahil life size poster yun eh. I don't want him to think that I am a creepy for having his life size poster in my door.

"Dito ka na lang please? Huh please Chan-Yeol?" Puppy eyes. Gumana ka ngayon.

Lumaki ang ngiti ko when he sighed. Indicating that I won! Hindi pa rin kumukupas ang ganda ko.

"Oo na. Oo na. Sige na." Sabay hawi ng kamay nya palayo, para nya naman akong pinapalayas nito.

"Be back in a few." Paalam ko sabay nagmamadaling akyat sa taas.

"I'll wait for you, we're going to have a dinner!" He shout.

Pag-akyat ko sa floor ng building ko nakasalubong ko ang babaeng kinaiinisan ko dahil sa sobrang kaartehan nya- si Nella.

"Hoy! Bakit may mga paparazzi doon?" Walang galang na tanong ng pinakamaarteng babae na nakilala ko sa buong buhay ko.

"Ah yun ba?" Painosente kong sagot sabay ngiti, "mayroon daw kasing babaeng maarte doon na naging kabayo. Sinumpa at kinulam nung inartehan nya, hindi nya alam mangkukulam pala iyon."

Nanlaki naman ang mga mata nya sabay talikod at lakad palayo.

Weh? Naniwala? Haha. Kakatawa.

Agad-agad akong nagbihis ng maayos na damit, naka-casual lang sya so I expect na hindi kami mag-didinner sa isang fancy restaurant. I decided to be casual too but presentable dahil nararamdaman kong balak na nyang i-public ang relasyon namin.Pagkatapos kong mag-bihis, bumaba na ako.

Pagbaba ko, nasa sofa sa may gilid si Chan-Yeol.

"Hey," bati nya saakin sabay tayo.

"Hi."

Much to my surprise, hinawakan nya ang kamay ko. He intertwined his hand on me so I did the same. I looked down at our hands, ang sarap sa pakiramdam. His hand was warm, kontra sa malamig kong kamay.

"Are you ready?" Ang ganda talaga nang mga mata nya.

"Yes I am."

With that, lumabas na kami ng building at nag-umpisa na rin ang walang katapusang pag-click ng mga camera.

____________

Any suggestions for the next chappy? It's duly accepted. :)

Enjoy reading!

- wondermaica

Hired for Park ChanYeol (EXO Fanfic)Where stories live. Discover now