Chapter 2

3 1 5
                                    

"Ouch" daing ko habang sapo sapo ko ang noo ko.

"Tsk"

"Bakit mo ako pinitik?" Tanong ko sa kanya. Ang sakit kaya ng pitik nya.

Hindi na sya nagsalita at umupo na sa upuan sa likod ko.

Pagtingin ko naman sa unahan ay nakatingin na pala samin ang lahat ng kaklase ko at pati ang teacher nmin ay napatigil dahil sa eksena namin.

Aww, lagot na. Nagpeace sign naman ako kay Ma'am pero lalo atang nagalit.

"The three of you boys at the back, introduce yourselves" mataray na sabi ng professor namin.

Nauna ng tumayo yung isa at pumunta sa unahan.

"Aww, ang gwapo ni Kristoff"

"Kristoff be mine please"

"Hey, I'm Kristoff Lee. 18. Single and ready to mingle." At kumindat pa talaga. Tsk, playboy. Sumunod nang tumayo yung katabi nung playboy.

"Josh Ivan Vergara, 19." Tipid na sabi nya at umupo na.

"Mark Jasper Saavedra, 19." Tsk, kapre naman. Panget pala ako ha. Humanda ka saking kapre ka.

Umupo na din yung kapre sa upuan nya at umalis na yung professor namin.

"Besh tara naaaa" hyper na tawag sakin ni Sophie.

"Oo na, sandali lang."

Pagdating namin sa canteen ay umorder na si sophie habang naghanap ako ng table na mauupuan namin.

Pero wala akong makitang table for two lang kaya dun na ako umupo sa pang waluhan na table.

"Anjan na sila"

"kyaaaaaah"

"Ang gwapo talaga nila."

nagkagulo ang mga estudyante sa canteen. gwapo my ass. Pero dahil curious ako kung sino yun, ay tiningnan ko din yung pinagkakaguluhan nila. At pagtingin ko sa ay ang kapre pala at ang dalawa nyang kaibigan.

Tsk, gwapo ba yun. malabo na ang mata ng mga estudyante dito.

"Hi, can we join you?" tanong sakin nung playboy

"Beah eto na pagkain mo" bigla namang dumating si sophie At binigay na sakin yung pagkain ko.

"oh, what do you need guys?" Tanong naman ni sophie sa kanila.

"Pwede ba kaming makijoin sa table nyo? Wala na kasing vacant ehh" sabi ulit nung playboy. Nilibot naman ni sophie ang paningin nya.

"Uh yeah. Sure"

Nagsipuan na ng sila. At sa kamalas malasan ay katapat ko pa ang kapre. Nakakawalang gana tuloy kumain.

Nagpatuloy na lang ako sa pagkain at hindi na sila pinansin pa.

"Ouch" daing ni kapre at tumingin sakin ng masama.

"Why, bro?"

"What happened?"

Hindi ko pa rin sila pinansin at nagpatuloy pa rin ako sa pagkain.

"You" galit na tawag nya sakin. Tiningnan ko lang sya at inirapan.

"Urgh, why did you kick me" tanong nya pa

"Oh, did I?" balik na tanong ko

"oh c'mon, i know you're the one who kick me." Inis na sabi nya

"And why would i kick you?" Balik na tanong ko

"I don't know"

"Oh, hindi mo pala alam ehhh. Tsaka do you have proof ba na ako ang sumipa sayo?"

"Ikaw lang naman ang pwedeng gumawa nun sakin eh"

"And why would i do that?"

"Dahil nabangga kita at pinitik kita sa noo"

"Oh, c'mon. I'm not childish to do those things. Tsk, nawalan na ako ng ganang kumain. I need to go, may aasikasuhin pa ako" kunwaring nagagalit ko ng saad at umalis na.

Pero may naisip ako kaya bumalik ulit ako.

"Tutal sabi mo sinipa kita, papanindigan ko na." mataray kong sabi at tinapakan ang paa nya.

"Fuck, ouch" daing nya at masamang tumingin sakin

Inirapan ko lang sya at umalis na ako.

Tsk, best actress. Hahahaha.

Narinig ko pang tinawag ako ni sophie pero di ko na sya pinansin para makakatotohanan ang drama ko.

Hahahahahahaha

-------------------------------------------------------

Author's Note:

Sorry short update. Hahaha babawi ako next chapter, pramis yan.

Keep reading.

Thanks!

©Takishirinmechimeki

'Till We Meet AgainWhere stories live. Discover now