Prologue

907 29 1
                                    

Jake Valderama. Maaaring pamilyar, maaaring hindi.

Si Jake ay pinadala ng mga Gorostiza, isang sikat at mayaman na pamilya sa isang mental hospital dahil pinatay ni Jake si Veronica Gorostiza ang kaisa-isang anak nila. Sa katunayan hindi iyon ang kwento. Nagsakripisyo si Veronica na magpakamatay dahil mahal niya si Jake at ganon din naman ang binata, ngunit huli na ang lahat. Patay na si Veronica. Hindi iyon matanggap ng mga Gorostiza kaya naman ipinalabas nila sa lahat na tuluyan nang nabaliw si Jake at pinadala nila ito sa isang mental hospital para makaganti. At iyon na nga ang nangyari. Ang akala ng lahat ay inaalagaan sa mental hospital si Jake.

Ngunit kabaliktaran ang nangyayari. Jake experienced hell on earth every single day. Tulad na lamang ngayon.

Napuno ang buong asylum ng impit na sigaw ni Jake dahil may tela ito sa kanyang bibig.

"Sige laliman mo pa" sigaw ng staff habang hinihiwa ang balat niya ng isang doctor. Lumuluha na ang mata ni Jake sa sobrang sakit. Torture. Just plain torture.

Pinaghihiwa ang kanyang balat tila isa lamang siyang laruan. Duguan na siya ngunit hindi pa rin tumitigil ang mga tao sa paligid niya.

"Teka ako muna" nakangising saad ng gwardya at pinaghahampas si Jake ng latigo kung saan-saan kaya sigaw ito nang sigaw dahil tumatama ang hampas ng latigo sa mga sugat niya dahil sa hiwa. Sobrang hapdi. Nakakamatay.

"Putulin mo yung daliri niya dali" excited na wika ng isang nurse habang malademonyong tumatawa.

"Sure babe. Which one?" nakangising wika ng doctor at kumuha ng plice. Agd nanlaki ang mga mata ni Jake kahit hirap na hirap na siyang idilat ito.

"Yung pinky niya" natatawang sambit ng isa pang staff.

Sunod-sunod umiiling si Jake habang nagmamakaawa at pilit na kumakawala sa upuan kung saan siya nakatali at tinotorture. Halos araw-araw ay ganitong eksena ang nangyayari sa buhay niya. Gustong-gusto niya nang mamatay na lang kesa danasin ang ganitong klaseng pagpapahirap. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya nang ilagay ng doctor ang pinakamaliit na daliri niya sa pagitan ng plice. Nagwawala na siya at umiiling habang umiiyak na ang mata niya at impit na sumisigaw dahil sa telang nasa bibig niya.

He's begging for his own good like any other day.

Bigla na lamang siyang sumigaw ng sobrang lakas na parang mapuputol na ang ugat sa leeg niya habang dumadaloy ang luha niya sa sobrang sakit nang biglang ipitin ng doctor ang daliri niya. Pinanggigilan ito ng doctor at tawa pa nang tawa ang mga kasamahan nito at sobrang sakit ang naramdaman niya. Ramdam na ramdam niya ang paghiwa nito sa laman at buto niya kaya sigaw siya nang sigaw ngunit wala rin itong kwenta. Naputol ang daliri niya.

"Oops" nakangising saad ng doctor. Nagtawanan lamang sila at tinanggal naman ng isang nurse ang tela sa bibig niya. Jake couldn't help but stare helplessly at the blood trickling down his hand. 

"T-tama na..." hirap na hirap na pagmamakaawa ni Jake tila naghihingalo na sa sobrang sakit at pagkamanhid na nararamdaman niya. Ayaw niya na. Pagod na pagod na siya.

"Tsk! Ahahaha! Gago!" tawa ng isang nurse at tinadyakan siya bago tinanggal ang pagkakakadena niya sa upuan at sapilitang nilublob ang mukha niya sa isang balde ng tubig na madumi. Nagtawanan naman muli yung mga tao sa paligid niya.

"Eto pa!" nakangising wika ng isang doctor at sinampal sa pagmumukha ni Jake ang sapatos ng isang nurse. Mga hayop.

Napahandusay na lamang si Jake sa sobrang pagod at paghihirap niya.

"Mamaya na yan. Dinner na!" sigaw ng guard kaya nagsitigil sila. Pumasok naman ang isang staff.

"O pagkain mo. Fresh from the basurahan" nakangising saad ng staff at pabalibag na dinulas ang isang tray na naglalaman ng pagkaing baboy. Nakakadiri. Nakakasuka. Iyan ang magiging hapunan ni Jake. Agad itong umiling kahit hirap na hirap.

Stop, Look And Listen [COMPLETED]Where stories live. Discover now