Chapter 2: Sixth Floor

447 19 1
                                    

Xerafin's POV

Maaga akong nagising kaya naman naligo agad ako and did my morning rituals before rushing downstairs. Maganda ang fraternity house. Buti nga at dito kami pinatira even though we are not necessarily in a fraternity.

But something seems weird dito sa frat house. Hindi ko nga lang matukoy kung ano yon. Maybe I'm just overthinking or being paranoid. Nothing new.

"Uy France, gising ka na pala" saad ko at umupo na sa lamesa. Why am I even surprised? Sa aming magkakaibigan, si France ang laging unang nagigising. He's an early bird. Responsible 'daw' siya.

"Morning Xera. Pinaglutuan ko na kayo. Here's yours, kumain ka na" nakangiti niyang saad and gave me a plate full of mouth watering food.

"Salamat!" nakangiti kong saad. Bait talaga neto.

Random fact, si France lang ang tumatawag saakin na Xera. It's like his nickname for me.

"Hey Xerafin! Hi France!" masiglang bati sa amin ni Lexy at ngitian ko naman ito and gave a small wave kasi punong puno ng pagkain ang bibig ko. 
"Morning Lexy" bati ni France at tinanguan si Lexy.

"Hey guys. Good morning" inaantok naman na saad ni Hope na umuunat-unat pa. Nilunok ko muna ang kinakain ko.

"Morning" nakangiti kong bati at tinanguan naman ni France si Hope.

"Nasan na yung mga ugok?" tanong ni Hope.

"Ayun. Tulog mantika pa rin. As always" tawa ni Lexy.

"What's up ladies? Miss me?" nakangising tanong ni Xavier na kakababa lang. Napairap naman kaming lahat.

"Hoy ang aga-aga ang landi mo na" natatawang sambit ni Clifford na kasunod niyang bumaba.

"I'm being friendly. Right sweetie?" kibit balikat ni Xavier at inakbayan si Lexy na napairap na lang.

"Woah there. Hands off my sister you fucker" iritadong saad ni Levi na kakapasok lang din sa dining at agad pinilipit ang kamay ni Xavier para matanggal sa pagkakaakbay kay Lexy.

"Fuck! Aray ko naman dude! Oo na bibitaw na!" sunod sunod na saad ni Xavier kaya binitawan na siya ni Levi na napairap na lamang.

"Ikaw na nga lang honey" nakasimangot na saad ni Xavier at si Hope naman ang inakbayan. Halatang iritado si Hope dahil bagong gising lamang ito kaya napairap na lang ako at hindi nagdalawang isip na tumayo at pingutin si Xavier paalis kay Hope.

"Aray! Aray! Xerafin! Tama na! Tenga ko!" sunod sunod niyang alma habang kinaladkad ko ito paupo sa tabi ni France at Clifford.

"Manahimik ka na nga lang gago ka. Pinapahiya mo kami" naiiling kong sabi kay Xavier at mahina itong binatukan. Nakasimangot siya pero agad din naman yon nawala nang binigyan siya ng pagkain ni France.

"Language Xera" saad saakin ni France kaya napabuntong hininga ako and raised my hands in defeat.

"Alright. Sorry dad" sarcastic kong saad kaya natawa ang iba.

"Hoy babae sabi ko sayo gisingin mo ko eh!" inis na saad ni Lui sa akin na muntikan nang madapa sa hagdan dahil sa pagmamadali kaya natawa na lang ako nang mahina.

"Oops. Nakalimutan ko" simple kong sambit kaya ginulo niya ang buhok ko.

"Ano ba yan! I just combed my hair you asshole!" inis kong sambit at muling inayos ang buhok ko.

"Xera" pagbabala muli ni France kaya napabuntong hininga ulit ako. Hays. Me and my sailor's mouth.

"You guys are so cute" natatawang sambit ni Lexy sa amin.

Stop, Look And Listen [COMPLETED]Where stories live. Discover now