End This War

10.5K 128 9
                                    

End This War

-Eto naman ang story na nakapagpangako ako sa sarili ko na babasahin ko lahat ng storya ni Ate J.

Inadd ko lang sya noon sa library ng phone ko. Binasa ko ng umaga, aba, hanggang gabi nagbabasa parin ako! At nung madaling araw na? Hayun umiiyak na ko. Haha. 

Unique din ang storya na to kasi naganap siya sa probinsya ng alegriya kung saan puro berde. Akala ko nga hindi ko magugustuhan o baka boring eh. Pero hindi, hindi nagpatalo ang mga characters sa lugar ng mga scene nila.

Chesca Alde at Hector dela Merced w/ his tight burning abs. Nakakaloka rin ang dalawang to. Natuwa ako kay chesca kasi hindi niya ginamit ang pagiging mayaman ni Hector. kahit na nung una hanggang gitna pinagdudahan siya ng lahat na yung tipong inaway siya sa school nila at natawag pa syang whore ni Hector.

Nakakatuwa rin kasi nandun yung pagbangon ni Chesca na pursigido na syang ilaban yung lupa nila.'Salamat sa bahay ah? At wag kang magalala experience ka lang din.' boom! Haha. ang tapang tapang niya at mautak narin.

Highlight din dito ang pagpapanggap ni Chesca at ni Hector na hindi sila nagkakilala, kaya nung unuwi sila sa probinsya hindi niya napigilan ang paghihimutok ng butsi niya sa selos kay Janine na malantuds. At kay Elena!.

Wala nang makakatalo sa pagiging ma awtoridad ni Hector dela Merced at kung paano niya ang kinin si chesca. Na yung tipong buong isue ng FHM magazine sa isang buwan ay binili niya! Wala lang makakita sa sexy pic ni Chesca!.

-Ito ang Best pananakit lines! Best awtoridad! Best abs for me? Malaadonis na itsura ni Hector sa isip ko. mga Best na mapangapi friends! at ang Best Selos! 

-Super maganda din ito!

Ang mga Libro ni Ate Jonaxxحيث تعيش القصص. اكتشف الآن