Until He Returned

5.2K 99 10
                                    

Until He Returned

-Okay! MAgbabalik na siya! At sa pagbabalik niya mahahakot na nila ni Klare ang lahat ng award! LOL.

-Ito naman ang BEST NGAWA AT BEST HAGULHOL AWARD! The BEst ito! Na gabi gabi nagoonline ako para lang makita kung may UD na ba si Ate J.!

Sa pagalis ni Elijah, naiwang nagiisa si Klare lalo na ng malamang hindi siya isang montefalco. Lahat ng paghihirap natamasa niya. Ang hindi matanggap sa mga mata ng mga tao dahil isa siyang anak sa labas. At ang pangungutya ng mga tao sa kanya na makakasira lang sa pangalan ng father niya.

Kaya ginawa niya ang desisyong mas nagpahirap sa kanya, sinunod niya ang pangalan niya sa apelyido ng totoo niyang ama. Naging malamig sa kanya ang mga montefalco at nagalit sa kanya.

Sinubukan niyang tumira sa Davao, sa Papa niya. Kasama niya ang dalawang kapatid, (Pogi) at ang step mom na hindi rin sya tanggap. Doon, naramdaman niya ang pagtanggap ng isang pamilya, ng ama niya at mga kapatid. Bumalik sila ng CDO para makasama ang mommy niya at daddy.

Eto na ang pinakagusto kong part dito. Nagbakasyon sila ng dalawa niyang kapatid sa isang island na dating pinagbabakasyunan nila magpipinsang montefalco. Kumanta siya sa restaurant, at sa pagdilat niya ng kanyang mata nakita niya si Elijah at ang mga pinsang Montefalco. Sa pagkikitang iyon ay tinanggap na siya ng mga pinsan at nag sorry narin sa kanya. Pero kasama ni elijah ang girlfriend niya, na dahilan kung pano siya nakauwi.

Na ginamit niyang dahilan para makabalik siya kay Klare. Kaya sa pangalawang pagkakataong pagmamahalan, pinangako na nila sa isat isa na ipaglalaban na nila ito. Hanggang sa mabisto na naman sila. Nakakatuwa to kasi pinaglaban na ni Klare si Elijah.

Sinabi niya lahat ng paghihirap sa mga montefalco, at kung pano niya noon binitiwan ang pinakamamahal para lang sa pamilya. Pero hindi parin sila tinanggap. Kaya Lumayas si Papa Elijah na iniwan ang mga ariarian sa pamilyaniya. Para patunayan na kaya niyang ipaglaban si Klare kahit wala ang tulong nila.

Sa huli kahit na maraming tumutol nagkaroon parin sila ng pagkakataon na magmahalan. Tinulungan rin sila ng Montefalco cousins , at tulad nila ipaglalaban rin nila ang dalawa.

-Wow yung totoo? Sinumarry ko na? haha. Ang sarap mag reminisce eh! Basta Best ito para sa akin.

Ang mga Libro ni Ate JonaxxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon