Chapter 7

961 21 0
                                    


Nakarating kami sa isang maliit na Sitio dumeretso kami sa kanilang paaralan kung saan sila pansamantalang tumutuloy. Madaming bata ang sumalubong saamin malalaki ang mga ngiti sa kanilang labi. I captured every moment. Nakakawala ng pagod ang mga ngiti nila. Nagpahinga kami saglit bago nag ayos ng mga pagkain para sakanila.

"Hi!" Pinuntahan ko ang nag tatago na bata sa likod ng poste. "Anong pangalan mo? Punta ka doon oh para makakain ka." Marahan kong sabi. Pero umiling lamang ito at nanatili ang tingin sa likod ko. Nilingon ko iyon at nakita ang parating na si Ricci na may dalang pag kain. I smiled at him. He smiled back.

"She doesn't want to eat." Bulong ko nang nakalapit na sya.

"Watch." He smirked.

Nilapitan nya ang bata at inalok ng pagkain. Umiling ang bata. He opened the styro so the kid can see the food. Chicken, Spaghetti at Lumpia ang laman nito. Nakita kong umaliwalas ang mukha ng bata. Kumuha ng armchair si Ricci at inangat ang bata para makaupo.

"Masarap ito promise. Bibigyan kitang regalo pag naubos mo 'to." He smiled fully at sinimulan nang pakainin ang bata. "Ilang taon kana? You're pretty." Tumango tango ito.

"Anim. Salamat po." Kinuha nito ang isa pang kutsara at kumain sya nang kanya.

"Nag-aaral kana ba? Nasan mga magulang mo? kapatid?" Tanong ulit nito.

"Hindi pa po ako nag aaral. Umuwi po ng bahay si tatay para ayusin ang aming bahay." Hindi pa rin nito nililingon si Ricci. I took a photo of him and the kid. Napalingon sya sa ginawa ko.

"Again." He said. At inangat ang baba ng bata para makatingin sa camera. The kid smiled a bit.

Ilang sandali pa ay natapos din sa pagkain ang bata. Inaya namin itong makisali sa inihandang palaro ng staff. Pero dahil nahihiya pa din ito ay binuhat sya ni Ricci papunta sa kanilang court. Sumunod ako sakanila.

"Nobya mo sya?" Tanong ng bata.

"Hindi pa." Umiling ito. Hindi ko kita ang ekspresyon ng mukha dahil nakatalikod ito.

"Bagay kayo. Maganda si ate at ikaw gwapo ka din kuya." Sabi nito. Tumigil sya sa pag lalakad at nilingon ako.

"Heard that? Gwapo daw ako." He chuckled sexily. Umirap ako at natawa. "At bagay daw tayo." Tumitig sya saakin. Umiwas ako ng tingin at nag patuloy sa pag lalakad. I don't know how to react on that pero masaya ang puso ko. Masaya sa pakiramdam.

Mabilis din kaming nakarating sa court. Tawanan at iritan ang naabutan namin. Naglalaro ang mga bata ng sack race.

"Saan kayo galing? Kanina ko pa kayo hinahanap." Salubong ni Ella.

"Sorry, nakita ko kasi yung bata kanina hindi pa kumakain kaya pinuntahan ko." Paliwanag ko.

"Ohh! Okay. We need some shots. Tara!" Anyaya nito. Nilingon ko si Ricci at tumango lamang ito.

Dumeretso kami sa unahan para makuhaan ang mga nag lalaro. Ang mga ngiti sa kanilang mga labi ay hindi matatawaran.

"Uy girl kwento naman! Anong meron huh?" Makahulugan ang ngiti nito.

"Huh? wala naman." Sabi ko.

"Anong wala? Pero kung makangiti ka kanina ha! Yieee!" Pang-aasar nito. Natawa ako at umiling na lamang.

Masayang natapos ang mga laro ng bata. Sumunod na nag laro naman ay ang basketball team. Putukan ng lobo ang laro nila. Kaylangan upuan ng isa ang nakapatong na lobo sa legs ng nakaupo.

"Bro! ang laki mo!" Sigaw ni Brent ng si Prince ang puputok sa lobo nya. Nagtawanan ang mga manonood. Nang naputok ni Prince ang lobo ay agad tumakbo si Brent sa kabila kung nasaan si Kib.

"Dali dude!" Sigaw nito. Mabilis na umupo si Brent at naputok ang lobo. Tumakbo naman si Kib papunta kay Ricci at naputok din ang lobo. Sumunod pa ang iba at mabilis na tapos ang game.

"Bro nag Appeton ka ba? ramdam ko e." Humagalpak ito ng tawa pag katapos ng laro.

"Anong ramdam?" Tanong ni Riain na kadarating lang.

"Wala." Sabi ni Ricci.

"Ganun ba talaga pag nainom nun?" I whisper and asked that innocently. My eyes traveled down from his face to his body pero hanggang bewang lang. He covered my eyes with his large hand so I could stop what I'm doing.

"Pati ba naman ikaw?" He chuckled sexily on my ears. I laughed at tinanggal ang kamay nya para makita sya.

"What? I'm just asking." Nagpigil ako ng tawa.

"You will know soon." He smirked.

Nabaling ang atensyon namin ng tinawag ako ng adviser namin sa media.

"Did you get enough footage? picture?" Tanong nito.

"Yes ma'am." Tumango ako.

"Good. Uuwi na daw tayo by 3pm kasi ang sabi ay uulan mamaya so we need to go back para hindi tayo mahirapan sa pag baba." Paalala nito. Tumango ako at tinignan ang orasan. It's 2:40pm.

Tumingin ako sa langit at nakita kong makulimlim na ang ulap. Madami ang nag aayos ng hinandang pag kain kanina. Niligpit na din ang mga kalat at mga ginamit sa mga palaro kanina. Nakita ko ang bata kanina na nakangiti kasama ang iba pang bata kaya pinuntahan ko sya.

"Hi! naging masaya ka ba?" I smiled at kumaway sa mga bata.

"Opo. Salamat po sainyo balik po kayo ha." Lumapad lalo ang ngiti nito. Tumango ako. Nag hanap ang mga mata nya. "Nasan po si kuya pogi?" Tanong nito.

Pagkatapos sabihin na aalis na kami ay pumunta na si Ricci sa mga staff para makatulong sa pag aayos.

"Uhh natulong sya sa mga nag aayos ng gamit." I smiled at tinuro kung nasaan ito. Tumango lamang ang bata.

"Sam! Sino sya?" Tanong ng isang bata.

"Ah! Si ate ganda! Mabait sya." Sabi ng kausap ko na Sam pala ang pangalan.

"Hi! Nag enjoy ba kayo?" Tanong ko sakanila. Maligaya silang tumango.

Madami pang naging tanong ang ibang bata at hindi ko na namalayan ang oras. Nag paalam na ang ibang estudyante at mga tumulong sa mga nakatira dito sa Sitio.

"Hey." May marahan na humawak sa aking bewang. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi maka lingon.

"Hi kuya pogi!" Maligayang tawag ni Sam. Nawala ang hawak nito at dumeretso kay Sam at binigyan nya ito ng tshirt na may pangalan nya sa likod.

"Here's your price!" Tumawa ito. I took my camera out and captured their smiles. Niyakap sya ng bata sa tuwa.

"Thankyou po!" Sabi ni Sam.

Iniwan naming masaya ang Sitio Labrador magaan sa pakiramdam ang makitang masaya ang mga doon. Ang mga ngiti nilang walang katumbas at ang mga tawa nilang musika sa aming mga tenga.

I also witnessed how kind and loving Ricci is. Before, ang tangi kong nakikita ay ang seryoso nyang mukha sa court. He look like a beast on court. His eyes was ruthless and dangerous. Pero ngayon nag bago ang tingin ko sakanya. He's good with people especially with kids and I admire how he fulfilled his promise. Akala ko dati sya yung parang fuckboy na walang pakialam sa paligid at sa mga taong nakakasama nya at puro babae lang ang iniisip pero hindi pala. I smiled in my own thoughts.

"Why are you smiling huh?" Tumaas ang isa nyang kilay. Naglalakad na kami pababa ng bundok. Umiling ako at nilakihan pa lalo ang ngiti. He groaned.

Behind the GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon