Kabanata IV

110 10 10
                                    

Rocky

Halos dalawang linggo na ang nakalipas matapos ang eskandalong nakasangkutan ko. I didn't bother to talk Isabella, I know how freak and obsessed she was. At lately ay napapansin kong nababahuhan ako sa amoy ng pritong bawang sa t'wing nag gigisa si Nanay.

"Oh? Dahil sa mukhang maselan 'yang pang amoy mo sa ngayon, puro pritong itlog na lamang ang niluluto ko sa umaga." Sambit ni Nanay habang nag hahanda ng aming umagahan.

Medyo puyat din kasi ako sa bar ni Ninang, ang daming tao, simula ng mabalita ako ay lalong dumagsa ang mga kalalakihan sa bar ni Ninang kung kaya't malaki ang natatanggap kong bonus sa kanya.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Sabay hawak sa noo ko. Tumango na lamang ako at kumain. 'Tila gutom na gutom ako.

Medyo tanghali na kung kaya't kapwa nasa paaralan na ang mga kapatid ko. Dumating si Mamang na may dalang apple mango, agad na bumaliktad ang sikmura ko sa amoy nito, at dali-daling tumakbo at sumuka.

Agad naman akong dinaluhan ni Nanay, sabay hagod sa likod ko. "Ayos k..ka lang ba, a..anak?" Nagkakatanda-utal na sambit ni Nanay.

Tumango naman ako at nag mumog ng aking bibig. Nilapitan namin kami ni Mamang, kung kaya't naamoy ko na naman ang dala-dala niyang apple mango, dahil parang masusuka na naman ako.

"Mamang, ang baho niyan. Please pakilabas na po!" Sambit ko habang hawak ang aking ilong. Laking gulat naman ni Mamang sa nangyari sakin, gayunman ang aking Ina.

Makalipas ang ilang minuto ay kapwa kami nag titigan na nakaupo sa sala. Na para bang may gusto silang malaman, o para bang may bagay na gumugulo sa isipan nila.

Naiinis na ako sa mga titig nilang dalawa.
"Quit staring at me! Ano po bang problema?" inis kong tanong. Ewan ko ba, lately lagi akong aburido.

Hinawakan ni Nanay ang mga kamay ko at marahan niya itong pinisil. Hindi ako komportable sa mga tititig na kanilanh ipinupukol sakin.

"A..anak, bu..buntis k..kaba?" Pauutal utal na tanong ni Nanay. Nanlaki naman ang mga mata ko sa gulat. Tatango-tango lamang sakin ni Mamang.

Agad akong umiling sabay sabing "Hindi po, Nanay!" Sabay bawi ng mga kamay ko. Ano bang problema nila at pakiramdam nila ay buntis ako.

"Sigurado ka ba? Anak, alam kong hindi mo pa alam ang mga senyales ng pag bubuntis ng isang babae, pero ako anak alam na alam ko. Ibang-iba ang mga ikinikilos mo nitong mga nakaraang araw. Malakas ang kutob kong buntis ka." Hindi naman ako makapaniwala sa isinambit ng Nanay ko.

Ako? Buntis? Sino ang ama? Ay! Shit! Hindi 'to pwede! No!

"Inaanak... heto o, bumili ako ng pregnancy test para masigurado natin. Ito kasing Nanay mo ay hindi mapakali ng mga nakaraang araw pa. Kung kaya't ipinabili nya sakin 'yan, para makumpirma." Paliwanag nito. Tinapunan ko naman ng tingin ang pregnancy test.

"A..ayoko Mamang! Hindi ako buntis! Masyado pa akong bata para maging isang Ina!" Nakita ko ang gulat ng aking Nanay sa aking pag tanggi.

"Anak, nakikiusap ako. Kung gusto mong matahimik ako, gagamitin mo 'to!" Kita ko ang halos paiyak na mga mata ng aking Nanay. That is the worst scene I at least be expected to see. I love my mother more than anything, as well my siblings. They're my treasure. They are my strength and my greatest down fall.

"Inaanak, sige na. Ano man ang maging resulta, tandaan mo nandito lang kaming pamilya mo para suportahan ka. Mahal na mahal ka namin." Bumuntong hininga ako at dahang-dahan na inabot ang pregnancy test.

Tame HER!Where stories live. Discover now