Kabanata 83 Ang Pangitain ng Lahat ng Lihim ng Kasalanan ng Kalupaan
1 At ngayon, aking anak Methuselah, aking ipakikita sa iyo ang lahat ng aking pangitain na kung saan aking nakita, sasabihin 2 itong lahat sa iyo. Dalawang pangitain ang aking nakita bago ako nag-asawa, at ang isa ay bahagyang di-katulad ng isa: ang una ay noong ako nag-aaral magsulat: ang ikalawa bago ko mapangasawa ang iyong ina, nakakita ako ng isang nakapangingilabot na 3 pangitain. At dahil sa mga iyon ako ay dumalangin sa Panginoon. Ako ay nakahiga sa tahanan ng aking lolo Mahalalel, at aking nakita sa pangitain kung paanong ang langit ay bumagsak at napasama at nahulog sa 4 lupa. At nang ito ay nahulog sa lupa aking nakita kung paano ang lupa ay nilamon patungo sa isang malaking malalim na bangin, at ang mga kabundukan ay umangat sa mga kabundukan, at ang mga burol ay nalubog sa mga burol, at ang mga matataas ng mga puno ay nabunot 5 mula sa kanilang mga katawan, at itinapon at nahulog sa malalim na bangin. At mula doon aking nasabi ang salita sa aking bibig, 6 at ako ay napasigaw ng malakas, at sinabi: "Ang lupa ay nawasak." Ang aking lolo Mahalalel ay ginising ako dahil ako ay kaniyang katabi, at sinabi sa akin: "Bakit ka sumigaw aking anak, at bakit 7 mukhang kang nagdadalamhati?" At aking sinabi sa kaniya ang aking buong pangitain kung saan aking nakita at kaniyang sinabi sa akin: "Isang malagim na bagay ang iyong nakita, aking anak, at nakalulungkot na sandali ang iyong panaginip na pangitain sa mga lihim ng lahat ng kasalanan ng kalupaan: ito ay dapat na lumubog sa kailalimang bangin at wasakin kasama 8 ang isang malaking pagkawasak. At ngayon, aking anak, bumangon ka at gumawa ng paumanhin sa Panginoon ng kaluwalhatian, mula't sapol ikaw isang naniniwala na ang matitira ay dapat na manatili sa lupa, at nang Kaniyang hindi wasakin ang buong 9 lupa. Aking anak, mula sa langit lahat ng ito ay darating sa ibabaw ng lupa, at sa ibabaw ng lupa ay magkakaroon ng malaking 10 pagkawasak. Pagkatapos niyon ako ay bumangon at nagdasal at umapila at nagmakaawa, at isinulat ang aking panalangin para sa mga kapanahunan ng daigdig, at aking ipakikita ang lahat sa iyo, aking anak na Methuselah. At nang ako ay makarating sa ibaba at nakita ang langit, at ang pagsikat ng araw sa silangan, at ang paglubog ng buwan sa kanluran, at ang ibang mga bituin, at ang buong kalupaan, at lahat gaya ng Kaniyang nalalaman ito sa pasimula, kaya aking pinagpala ang Panginoon ng paghuhukom at ipinagbunyi Siya dahil Siya ginawa niya ng ang araw na dumaan sa mga bintana ng silangan, at siya ay umaakyat at sumisikat sa ibabaw ng langit, at lumulubog at nananatiling umiikot sa dadaanang ipinakita sa kaniya.
Kabanata 84 Dalangin ng Pagmamakaawa ni Enoch
1 At aking itinaas ang aking mga kamay sa katuwiran at nagpala sa Banal at Isang Mabuti, at sinambit ng aking hininga sa bibig at ng dila na laman, na ginawa ng Panginoon para sa mga anak na laman ng tao, na sila ay dapat magsalita gamit ito, at Siya ang nagbigay ng hininga sa kanila at ng dila at ng bibig na sila ay dapat na magsalita gamit ito:
2 Mapagpala ka, O Panginoon, Hari,
Mabuti at maimpluwensiya sa Iyong kagalingan,
Panginoon ng lahat ng nilikha sa langit,
Hari ng mga hari at Bathala ng buong daigdig.At ang Iyong kapangyarihan at pagkahari at kagalingan mananatili magpakailanman,
At kahit saanman sa lahat ng kapanahunan ng Iyong pangunguna;
At lahat ng kalangitan ay Iyong luklukan kailanman,
At ang buong lupa ay Iyong tuntungan magpakailanman.3 Dahil Iyong ginawa at Iyong pinamunuan lahat ng mga bagay,
At walang mahirap para sa Iyo,
Ang Kaalaman ay hindi lumalayo sa lugar ng Iyong luklukan,
Ni tumalikod mula sa Iyong harapan.
At Iyong nalalaman at nakikita at naririnig ang lahat,
At doon ay walang natatago mula sa Iyo.4 At ngayon ang mga anghel ng Iyong mga kalangitan ay nabahiran ng pagkakasala,
At mula sa laman ng mga tao nanatili ang Iyong kagalitan hanggang sa mabuting araw ng paghuhukom.5 At ngayon, O Bathala at Panginoon at Mabuting Hari,
Ako ay umaapila at nagsusumamo sa Iyo na pakinggan ang aking dalangin,
Na iwanan mo ang aking lahi ng kinabukasan sa lupa,
At huwag sirain ang lahat ng laman na tao,
At gawing ang lupa ay walang naninirahan,
Kung kaya doon ay magkaroon ng walang hanggang pagkawasak.

أنت تقرأ
Book of Enoch (Tagalog Version)
روحانياتAng Aklat na Isa sa mga dapat na nalaman ng mga tao noon pa man upang kanilang malaman kung tama ang kanilang mga ginagawa o nagawa, dahil sa aklat na ito nakasulat ang mga dahilan kung bakit sinabing ang mga susunod na henerasyon ay mas magiging ma...