Chapter 2

9.6K 409 13
                                    

Third Person's POV

Nang makapasok na ang BTS sa BHC (Big Hit Company) ay nilapitan agad nang lalaking tumulong kay Ella si Taehyung. "Hey what was that?" tanong nito kay Taehyung.

"Shut up."

"Bad mood siguro" sabi ng isang lalaki na mukhang masayahin. Half Pilipino and half Korean siya.

Tatlong members sa kanila ang half Pilipino/Korean. Sila ay sina Jungkook Jeon (yung lalaking tumulong kay Ella) , Jhope Jung (yung lalaking nagcomment ng 'Bad mood siguro') at si Jimin Park na ngayon ay tawa lang nang tawa dahil bad mood talaga si Taehyung Kim.

"Stop it Jimin." sabi nang isa na ang puti2x. Siya naman ay si Suga Min, siya ay half American/Korean and nga pala, si Taehyung din ay half American/Korean kaya naman magkakampi sila palagi ni Suga. Si Taehyung ay kilala bilang 'Rude CGV' ng grupo. (A/N : CGV ang another nickname made by the fans para kay V a.k.a Taehyung dahil sabi nila parang 'Computer Graphics' daw ang mukha ni V )

"Taehyung don't be rude especially in front of ARMYs (A/N : ARMY ang tawag sa mga Fans ng BTS *Adorable Representative MC of the Youth* and I'm an ARMY also😁) " sabi nang gwapong ala Korean talaga ang mukha niya. Siya si Seokjin Kim, ang nagsisilbing Kuya nilang lahat ngunit parang 'Ina' ang turing nilang lahat kay Seokjin. Pure Korean si Seokjin ngunit natuto itong mag english dahil kay RM a.k.a Namjoon.

Si RM naman ay pure korean din katulad ni Seokjin ngunit nag aral ito sa Switzerland kaya natutong itong mag english.

"Just be careful of your actions Tae" sabi ni RM kay Taehyung at pinat niya ang balikat nito.

Si RM ang nag aalaga sa kanila at nagbibigay gabay sa kanyang mga ka miyembro. Ito ang responsibilidad niya bilang isang Leader.

Sa loob ng limang taon na nandito sila sa Pilipinas ay di hamak na naiintindihan nila ang Tagalog at syempre marunong din naman silang mag tagalog kaso nga lang bilang isang sikat na grupo ay nirerequired talaga sila na mag english.

"Go to the Ceo's office boys. The Ceo has something to tell you" sabi ng manager nila habang may kausap sa cellphone.

***

Ella's POV

"Opo sir. Dugo, pawis at luha ko po ay ibibigay ko ng buong buo para sa trabaho ko" seryosong sabi ko. Honest lang naman ako dahil baka i fired niya ako kapag walang kwenta yung sagot ko diba?

Sinabihan ako kanina ng isang lalaki na siguro ay empleyado din dito na dumeretso daw ako sa office ng Ceo nila kaya ayun, pagkapasok ko ay natipalo agad ako. Aish, mabuti nga lang nakatalikod pa nun si Sir.

Tumawa siya nang mahina bago magsalita. "I think you're a funny girl, aren't you?. Anyways, I would like to offer you a position"

"Akala ko po-"

"You thought what? That you'll be one of the office workers? I didn't exactly state a specific position to your job on the email right?" nagsmile siya ng parang may something tapos nagka goosebumps ako.

Nang hindi ako makapagsalita, nagsalita ulit siya. "I see that your healthy, you're not skinny and not too fat. You can handle this job very well" sabi niya. Ano ba yan. May something sa ngiti niya eh.

Ano ba 'tong napasok ko? Baka gawin niya akong model? Jusko baka nga Underwear Model pa! O baka naman....

Lumaki ang mga mata ko nang marealize kung ano ang sinasabi niya.

"Sir huwag po! H-hindi po ako ganoong babae! May dignidad po ako! Jusko! Ayoko po ng ganyang trabaho s-sir!" agad akong tumayo.

Tumawa siya nang malakas. "You are indeed a funny girl!" pinahiran niya yung luha niya dahil sa kakatawa.

Ano bang nakakatawa?

"Sir may nakakatawa po ba?" inayos ko ang sarili ko at inipon ko lahat ng tapang ko upang magsalita. "Sir kung sa palagay niyo nakakatawa yung sinabi ko, mali ho kayo. Pasensya na po kasi akala ko ay 'Matinong trabaho' yung pinasukan ko yun pala ay 'P**n Star' " inayos ko ang bag ko at aalis na sana ako ng tumawa ulit siya nga napakalakas.

"No! That's not what I mean..hahaha! 'Assistant of BTS' that's what I meant all along you silly girl" nagseryoso na siya pagkatapos niyang sabihin yon.

Huh? Naglaglag na yata yung panga ko.

Bigla kong hinawakan ang panga ko. "Ah e-eh sir pasensya po.." sabi ko ng nakayuko. "Pero sir akala ko po ba may manager po sila?" sabi ko sabay angat ng maganda kong mukha. Char lang.

"Yes. But then you see, their manager can't handle them. He's busy with their schedules so I thought I can help him by hiring an assistant for the boys" He said while flipping some pages.

Mabait nga talaga siya.

Tumango ako. "Sure po kayo? Baka po hindi ko makayan-"

"What happened to the 'dugo, pawis at luha ko po ay ibibigay ko ng buong buo para sa trabaho ko' ?" ngumiti siya ng nakakaasar. "That's the ONLY offer I could give so if you won't accept it, I could hire someone you know.." sabi niya.

Wala nang choice diba? Mabait na Ceo, mataas na sweldo, ano pang hahanapin ko?

"Tinatanggap ko po ang offer niyo" sabi ko sabay tingin sa kanya.

"Goo-"

"Ceo?"

Tinignan ko kung sino yung nasa pintuan at medyo nagulat ako nang makita ko ang BTS.

Nakakahiya

"Oh here they are. Come in boys.." biglang sumigla si Sir nang makita ang pitong lalaki.

Isa- isa silang pumasok at agad kong nakita si Taehyung na naka poker face lang. Umiwas ako nang tingin at nakita ko ang lalaking tumulong sa akin kanina.

"It's nice to see you again. Ella" bulong niya habang nilampasan ako sabay kindat.

Ugh.

"So boys, you're all aware that I called you here because of a meeting right? Your manager is busy everyday. I heard from a staff that he doesn't sleep and sometimes doesn't eat at all"

"Yes Ceo, we heard that and we also wanted to help him" sabi nang lalaking parang genius kung makapagsalita habang ang iba naman ay tumango lamang.

"I thought I could help him by hiring another staff. An assistant by the way" sabi ni Sir sabay tingin sa akin.

At ayon, lahat sila ay nakatingin sa akin except kay Taehyung.

"Hi. Ako nga pala si Ella Devine, 24 at ako ang magiging assistant niyo umpisa ngayon. Salamat.." Ngumiti ako sa kanila pati na kay Taehyung nang mahuli ko siyang nakatingin din sa akin.

~~~~~~~~~~

Please do vote and comment on my story guys..thank you!

HF💔

7 Boys' AssistantDonde viven las historias. Descúbrelo ahora