Chapter 7

5.1K 200 44
                                    

Ella POV

"Stop calling the morgue Jhope! she's not going to die!" mga maiingay na boses ang narinig ko kaagad.

"Oh, sorry hehe. Just incase lang naman po Kuya Jin"

Maya-maya ay naramdaman kong may pumipindot sa pisngi ko.

"Ano ba?" sabi ng isip ko. Sigurado akong si Jungkook eto eh.

"So did Taehyung told you about what happened?" boses ni Rapmon yung narinig ko.

Oo nga pala...teka maimulat ko nga mga mata ko..

"Manager El!" Bigla akong nagulat ng sumigaw si Jungkook na katabi ko.

All eyes on me ganern?

"S-Si Taehyung? Nasaan ako?" bakit parang ang sakit ng lalamunan ko?

"Hey..Taehyung's not here..kookie give her water" lumapit si Suga sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.

"Uhm, Kuya ano pong water? Mineral o Distilled?" Nakatayo at napakamot ng batok si Jungkook.

Tumingin si Suga kay Jungkook. "Mineral" at tumingin sya sa akin. "Are you okay? You were out for 2 days" sabi ni Suga at inipit niya ang buhok ko sa gilid ng tenga ko.

Bakit ang swee-

"Kuya mainit po ba o malamig....o katamtaman?" Nakatago ang dalawang kamay ni Jungkook sa likod niya.

Inis na tiningnan siya ni Kuya Suga. "Katamtaman kookie. Now go." Madiin na sabi ni Suga.

"Ehhh...madami po ba o konti lang?"

Tiningnan ko ang mga reaction ng mga iba at parang tatawa na sila.

"Kookie isang baso lang okay? Now go." seryosong sabi ni Suga.

"Oh okay.." bubuksan na sana ni Jungkook ang pinto ngunit huminto sya at humarap ulit sa amin ni Kuya Suga.

"Kuya ano po ba size ng baso? Ganito ba o ganito?" aniya na sinukat gamit ang dalawa niyang kamay.

Natahimik ang lahat, nagpilit ng ngiti si Kookie at dahan-dahan na binuksan ang pinto habang si Jhope naman ay nagtakip ng tenga. Makalipas nang ilang segundo ay sumigaw si Kuya Suga na ikinagulat ko at ikinabuntong hininga nila Rapmon at Jin.

"Jimin!" tumayo agad si Jimin na may ngiti sa labi niya at nakasaludo ito kay Suga.

"Yes sir! Kookie ako na bahalaaaa!" tumakbo siya papalabas ng kwarto.

"Taehyung's not answering his phone. That rude boy!" Inis na sabi ni Jin at pinakalma naman siya ni Jhope.

"You don't remember what happened to you El?" tanong ni Suga kaya napatingin parin ako sa kanya at aminin ko man o sa hindi, deep inside kinikilig yung mga bulate ko sa aking tiyan dahil sa kamay niyana kanina pa nakapatong sa kamay ko hihi!

Gaga, umayos ka Ella.

"Uhm naalala ko yung nasa elevator kami ni Taehyung at....(sasabihin ko ba yung part na tinanggal niya yung headset ko? Huwag na nga)...at biglang sumakit yung ulo ko at ayun, knock out na ako" pagpapaliwanag ko.

"Is that all?" dudang sagot ni Suga na nakataas pa ng kilay at desperadong marinig yung sagot ko at sina Jin at Rapmon din pala.

"Oo..hinahanap ko nga siya para pasalamatan eh" sabay kamot sa batok ko. P*tcha, galing mong umarte Ella ah? Lagot yung Taehyung na yun pag magkita kami.

Grabe two days talaga ako doon tapos si CEO pa yung nagbayad para sa hospital bills ko. Kahiya naman tapos binigyan niya pa ako ng isang araw upang magpahinga, masakitin naba talaga ako? Eh hindi naman ako payat ah, kumakain din naman ako ng gulay..hays

7 Boys' AssistantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon