E i g h t e e n

67 7 10
                                    

Jinyoung
Ryujin

-----

Jinyoung
xxx-xxx-xxxx

woy! Jinjin! Unblock mo na ako oh!

Jinyong!!!

Tigilan mo ko Ryujin ah.

Jinjin naman!

Its Jinyoung

Ayts :3

Sige na, Jinyong unblock mo na ako sa facebook! Isang linggo na yun ah!

Eh kasi naman! Ibalik mo na sakin yung ballpen ko! Limited edition ng line pens yun!

Oo na sige na basta unblock mo na ako!

Kailan?

Mamaya

Eh? Mamaya di mo naman ibalik eh


Ibabalik ko! Mamaya dadalhin ko sayo!


---

Woo Jinyoung is active

Ryujin: Jinyong!

Ryujin: Jinyong bati na tayo!?

Jinyoung: ilang taon na tayong magkaibigan hindi mo parin alam spelling ng pangalan ko

Ryujin: kaya nga Jinjin tawag ko sayo eh
Seen.

Ryujin: isang linggo lang tayo di nakapagusap seenlord ka na ㅜㅜ

Jinyoung: ano ba kasing kailangan mo?

Ryujin: ayy grabe siya

Ryujin: ibabalik ko naman yung ballpen mo eh!

Ryujin: binilihan pa nga kita ng bagong labas nung kulay brown nun tsaka nung Bt21 na si Tata

Ryujin sent a photo

Jinyoung: SI TATA!!!! / cleared

Jinyoung: peace offering?

Ryujin: kung tatanggapin mo.

Ryujin: okay lang naman kung ayaw mo

Jinyoung: HINDI! GUSTO KO

Jinyoung: sige. Dalhin mo dito. Nasa cafeteria ako.

Ryujin: papunta na! 5 minutes!

---

Agad kong pinatay ang cellphone ko at kinuha ang paper bag na may lamang gintong ballpen bago tumakbo palabas at bumaba sa cafeteria.

Paano ba naman kasi parang mas mahal pa ang isang pirasong ballpen na yon kesa sa ticket ng mga nonood ng performance namin.

May tatlong floor kasi itong building sa pinakataas ang practice rooms, sa second floor ang mga dorms at nasa baba naman ang cafeteria at iba pang facilities.

Tinakbo ko nalang ang cafeteria gamit ang hagdan since feeling ko mas matagal pag gumamit pa ako ng elevator.

Pagdating ko sa pinto ng cafeteria agad kong nakita si Jinyoung na hawak ang cellphone niya habang umiinom ng juice na nakatingin sa labas ng glass wall sa tabi niya.

Tinakbo ko siya bago kunin ang juice na iniinom niya at walang pagaalin langang ininom yon.

Nakita kong nagulat siya sa ginawa ko pero nginisihan ko lang siya.

"Why?" Depensa ko.

"Ryujin! Hindi na tayo bata baka kung anong isipin nila" aniya.

Umismid nalang ako bago tumayo at pumunta sa counter.

Pagbalik ko inilapag ko sa harap niya ang cranberry iced tea niya bago umupo sa harap niya.

"Arte pshh" bulong ko.

"Alam mo isang linggo lang tayong di nag usap parang nagbago ka agad"ani ko. "Dati naman di mo binibigyan ng malisy--"

"Oo na. Oo na. Sorry na" aniya bago kunin yung paper bag na nasa gilid ng mesa.

"Totoo nga!" Parang batang sabi niya. Natawa ako sa hitsura niya. Para siyang batang nakakita ng isang balde ng ibat ibang klaseng flavor ng ice cream.

"Salamat Ryujin! Buti nalang talaga kinuha mo yunh ballpen ko dahil kung hindi, hindi sana madadagdagan yung collection ko."

"Grabe siya." "Anyways diba vacant natin next week?" Paninigurado ko.

"Oo, pero para lang yun sa mga nasa top 9" sabi niya habang pinagmamasdan niya yung BT21 ballpen.

"Papapuntahin ko kasi sana si Saerin. What do you think?" Tanong ko.

Nagulat ako ng bigla niyang bitawan ang ballpen at matiim na tumitig saakin.

Teka! Diba pag nalaglag ng may impact yung ballpen mawawalan ng tinta!?

"Wag tayong maglokohan dito Ryujin." Aniya bago ibaling sa iba ang paningin niya "Wag mo akong paasahin" bulong niya na hindi nakalagpas sa pandinig ko dahil magkaharap lang naman kami.

Paasahin?

•°•°•°•°•

I started getting notification na may nag aadd nito sa reading list nila and thank you so much po sainyo

Part 2 is next

Sister→Kim Byeongkwan [ Re - CONTINUE ]Where stories live. Discover now