T w e n t y S i x

43 5 1
                                    

SAERIN.






"Wala naman akong sinabi na uuwi ako" sagot niya kay Ryujin-unnie bago humarap saakin "Kamusta Sese?"

Agad na nanlaki ang mata ko sa tawag niya saakin.

P-pano niya nalaman y-yung nickname ko noong bata pa ako?

"Ang tagal na rin ah?" Sabi pa niya.

Sino ba siya?

Bat kung magsalita siya parang ang tagal na naming magkakilala?

Pero may nagsasabi saaking kakila ko nga siya.

"A-ah.. Saerin he's Jinyoung! Your childhood bestfriend? Remember?" Biglang sabi ni Ryujin-unnie.

Alam niya siguro na hindi ko siya kilala.

Pero Jinyoung?

Nang hindi ako sumagot nakita kong biglang lumungkot yung mukha nung Jinyounㅡ

"Uwaaaaaaaaah! Eommaa!" Iyak ko.

Nalaglag kasi ako sa duyan dito sa park habang naglalaro ako tapos yung mga bata dito pinagtatawanan ako.

"Hoy! Anong nakakatawa!? Nakita niyo na ngang umiiyak siya tinatawanan niyo pa?" Napahinto ako ng makita ko ang isang batang lalaki na sinisigawan yung mga batang tinatawanan ako.

Nang mapaalis niya ang mga ito lumapit siya saakin at akmang susuntukin ako kaya napapikit ako.

Pero dumaan ang ilang segundo at wala akong nararamdaman na sakit.

Dumilat ako at nakitang tumigil lang pala ang kamay niya sa harap ko, binuksan niya iyo at agad na lumiwanag ang mata ko nang makita ang paborito kong lollipop sa kamay niya.

"Para sayo oh.. dapat talaga para sa crush ko yan kaso umiyak ka kaya sayo nalang" aniya.

Tuwang tuwa ko namang tinangap ang lollipop.

"Ako nga pala si Jinyoung" pakilala niya.

"Jinyong? Yong-yong?" Paguulit ko. "Ako pangalan ko Saerin!" Ani ko.

"Saerin? Sese!" Ani din niya kaya nagtawanan kami dahil sa nickname na binigay namin sa isa't isa.

"J-jinyoung? Yong-yong?" Bulong ko.

Mukhang nakarating naman yun sa pandinig niya kaya napatingin siya saakin.

"Sese!" Ani pa niya habang nakangiti.

"Owwwkeey?" Ryujin-unnie.

Ako na mismo ang lumapit sakanya at niyakap siya, yumakap naman siya pabalik.

"OMG! Ang laki nang pinagbago mo! Muntik na kitang di makilala" sabi ko.

"Muntik mo na akong nakalimutan" pang cocorect niya.

Well.. totoo naman.

Napakamot nalang ako sa batok ko. "Its been 10 years" ani ko.

"Yea.. we lost our contact" ani niya pa.

Silence...

"Owwkeey? Mukha na akong nakiki third wheel dito oh?" Sabi ni Ryujin-unnie.

Natawa naman ako sakanya dahil sa mukha na din niyang parang nangdidiri na ewan.

--

Sister→Kim Byeongkwan [ Re - CONTINUE ]Where stories live. Discover now