Judging the Book

11 0 0
                                    


Title: The Right Boss

Author: Inu

Editor: ArthurIglesias

Genre: Romance, Drama, Comedy, Family

****

Summary: Not all men are perfect, 'ika nga nila. Subalit, sa tingin ni Ms. Elli Margaret Ocampo, there exists a perfect man in the form of her boss, na kahit medyo makulit at masyadong 'malambing' ay sincere, mabait, at totoong tao.

Ang problema lang ay sa tingin niya, hindi totoo ang feelings niyang mas matamis pa sa latik.

In short, in denial.

****

Chapter 1

"Good morning, sir!" bungad ng mga empleyado sa matikas at matangkad na lalaking dumaraan. 'Di man lang niya pinansin ang mga bumati sa kaniya.

May dalagang biglang lumapit sa kaniya. "Sir, you have a meeting with Engineer Xian Selorio for the finalization of the building's design."

"ELLI!" bulalas ng lalaki. Talagang 180-degree turn ang ugali ng supladong boss ng kompanya nang makita sekretarya niya. Ikinagulat na lang ito ng iba kasi nang napatingan sila, ang kani-kanina lamang na simangot ay naging napakalaking ngiti.

Sinundan ng paningin nila ang dalawang nangungusap ukol sa mga meeting kay ganito at tawag kay ganoon. Bakas pa rin ang manghà sa mukha ng mga tinarayang empleyado dahil magkasabay pang pumasok si Ellie at ang boss nila sa elevator. Nang magsara ang pintuan nito, nagtinginan sa isa't isa ang lahat dahil sa ka-weirdohan na ito ng boss nilang walang-hanggang asim ng mukha.

"Wow... ganda ng umaga ni bossing, nakita lang si Ma'am Elli" sabi ng guwardiya sa floor nila.

"'Pag napa-amo ni Ma'am Ellie 'yang si boss, 'Kumander' na ang tawag ko sa kaniya!" hirit naman ng isa sabay halakhak ng iba.

Sa loob ng elevator, napalayo bigla si Ellie sa boss nang humahaplos na ito sa baywang niya. "Sir, can you please avoid touching me? It's not in the contract," sabi niya nang palaban.

"Sso-sorry." Sumimangot at tumahimik ang lalaki. Napabuntong-hinga na lamang si Ellie nang pumasok na ng opisina ang boss niya at siya naman pumasok na rin sa lugar niya. Napaupo siya sa silya niya at nag-ayos ng mga kalát na papeles habang hinihintay ang tawag mula sa isa pang sekretarya ng Iniuugnay.

~Ellie's PoV~

Nagtataka na yata kayo kung bakit ganoon 'yung magaling kong boss. Actually, 'di ko inexpect na mapapadpad ako rito, pero pinasok ako ni Ate Susan, ang dati niyang sekretarya. Hindi nito kinaya pa ang pagkasuplado't estrikto ni boss kaya naghanáp ito ng kapalít.

At dahil kailangan ko talaga ng trabaho noong panahong 'yun, nakilala ko rin ang natatanging si Hirotori Anthony Hondrado. Kagalang-galang man ang bihis at tunog ng apelyido niya, hindi ganoon kabait si boss. Noong mga unang araw ko nga, natatakot ako na baka kainin niya ako nang buhay.

Para mas maintindihan ninyo, iku-kwento ko na lang.

FLASHBACK~

"Hija, kinakabahan ka ba?" tanong ng matandang sekretaryang si Ate Susan na mukhang naka-wrestling si Dumbo.

"Okay lang po ako, Ma'am." Halata yata sa boses ko ang aking pangangatóg.

"Don't worry; okey naman 'yang si Ser Anthony. As long as alam niyang qualified at matiyaga ka, he'lll give you a chance."

"Ganoon po ba, Ma'am? Salamat..." Medyo nawala naman ang kaba ko, ngunit biglang bumalik ito nang tumunog ang desk phone ni Ate Susan. Napatingin na naman ako nang binaba ng matanda ang receiver.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 01, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Right BossWhere stories live. Discover now