IDCP 2: sorry

31 2 0
                                    

Another day today pero hanggang ngayon hindi parin ako nakakaget over sa nangyari kahapon.. Grabe!! Hindi ko lubos maisip na wala na yung first kiss ko huhuhu tapos kay kairon pa napunta, ano ba kasing pumasok sa isip niya kung bakit niya ginawa yun??

Hayy.. So eto na papunta na nga ako sa tambayan.. yes, ako lang mag isa nauna na kasi si jericha sa tambayan kasi hinahanap ko pa si kai pero sa tingin ko andun na siya sa tambayan

Pagpasok ko sa tambayan nakita ko na agad ang pagmumukha ng isang Kairon Drake Villafuerte kaya nagsalita agad ako

“hoy! Kairon!” tawag ko sakanya at agad naman siyang tumingin sakin

“what?” he asked while wearing his poker face

“bakit mo ko hinalikan kahapon??” diretsong tanong ko, tinignan ko siya diretso sa mga mata niya pero wala man lang siyang kahit anong ekspresyon parang wala lang sakanya yung nangyari kahapon, may amnesia ba ‘tong lalaking to? Kaya hindi niya naaalala ang nangyari kahapon? O baka naman hindi talaga siya yung kaharap ko kahapon?

Eh??? Impossible, wala naman kami sa isang fantasy story ehh..

Wait-- teka, wag mong sabihin na may kakambal siya?

Tsk! Impossible din, wala naman akong ibang kilala na kapatid ni kairon kundi si kenneth lang.. At isa pa hindi sila magkamukha

Hayy... Napaparanoid na ata ako

Okay so, eto na.. Magsasalita na sana si kairon pero inunahan na agad siya ni kuya na halata namang nagpipigil ng tawa

Tsk!!

“Pfffttt... Ikaw? Hahalikan ni kairon? Hahahaha.. Asa ka pa cha dahil hindi pumapatol si kai sa isang tulad mo at isa pa hindi ganyan kababa ang standards ni kai pagdating sa mga babae kaya WAG.KA.NG.UMASA... Hahahahaha” sabi ni kuya na diniinan pa talaga yung pagkakasabi ng ‘wag ka ng umasa’ at hindi na talaga niya napigilang tumawa kaya nakitawa na lang din sila

Bakit? Ano bang nakakatawa sa sinabi ko?

“hahahahahaha... Ate Cha, alam mo masyado kang assuming, si kuya? Papatulan ka? Hahahahaha... Impossible! Kasi mga magaganda lang ang pinapatulan niyan at hindi ka pasok sa standards niya kaya hinding hindi ka niya papatulan hahahahaha..” sabi ni kenneth na hindi pa rin tumitigil sa kakatawa..

Tsk! Magkapatid nga sila-_-

“ayaw niyong maniwala? Di wag.. Tsk! Managutan sana kayo ng hininga!” inis kong sabi sabay walk out.

Tsk! Porket ba nerd lang ako, hindi na ako pwedeng halikan ni kairon? Tss.. Mga JUDGEMENTAL!!!

Pagkatapos kong pumunta dun sa BWISIT na tambayan na yun pumunta muna ako sa garden na kung saan may iilang butterflies din na naglilipadan, mga nagagandahang bulaklak, mga naglalakihang puno at may iilan din namang upuan at mesa na gawa sa semento kaya naisipan kong umupo muna sa isa sa mga upuan at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako

Bigla akong nagising dahil naramdaman kong may biglang umupo sa tabi ko.

Pagtingin ko nakita ko si kairon na nakapikit, bigla akong napatitig sakanya at kung pagmamasdan mo yung itsura niya iisipin mo talagang isa siyang matinong lalaki para siyang anghel na bumaba sa langit dahil sa angelic niyang mukha..

Tinitingnan ko ang bawat anggulo ng kanyang mukha at masasabi mo talagang gwapo siya

Habang tinititigan ko siya ngayon ko lang napansin na mahaba pala talaga yung mga pilikmata niya now I wonder kung bakit madaming naghahabol sa kanya..

His long and thick eyelashes, his pointed nose

And...




His red lips.. Ang sarap sigurong halikan yan

Hayy.. Ano ba yang pinagiisip mo cha? Chapter two pa lang nga eh.. Nafafall kana agad??

Dahil sa sobrang pagkatitig ko sa labi niya di ko namalayan na nakatingin na pala siya sakin, kung hindi pa siya nagsalita siguro magtatagal pa yung pagtitig ko sakanya

“why are you staring at me?” kunot noong tanong niya while raising his left eyebrow kaya bigla naman akong nailang at agad akong nagiwas ng tingin

“uhmm.. Ahh.. K-kasi ano.. Uhmm.. K-kasi.. M-may.. May dumi ka sa mukha, oo yun may dumi ka sa mukha” nahihiyang sabi ko pero agad din naman akong nakabawi

Ilang minuto din na namayani ang katahimikan sa aming dalawa nang bigla siyang nagsalita

“charlene?” tawag niya sa’kin nang hindi tumitingin

“ano yun?” sabi ko saka ako tumingin sa kanya at bigla din siyang tumingin sa’kin

“I’m sorry” mahinang sabi niya pero sapat na yun para marinig ko

Eh? Totoo ba ‘to? Nagsosorry si kairon? End of the world na ba? Kaya ba siya nagsosorry dahil kapag nawala na siya sa mundo wala na siyang kasalanan?

Pero bakit siya magsosorry?

Hayy.. Anlabo niya

“huh? Bakit?” naguguluhang tanong ko sa kanya

“I’m sorry about what happened yesterday, I know that it was your first kiss but.. I've stoled it and I know that you were mad at me because I stole your first kiss yesterday but believe me that It is not my intention I.. I just want that girl to leave me alone beacuse she's always following me around kahit saan ako pumunta and It's so annoying, that's why I kissed you yesterday.. Again I'm sorry” paliwanag niya.. Grabe! Hindi ako makapaniwalang magsasabi ng sorry si kairon kasi ni minsan hindi ko siya narinig na nagsabi ng sorry as in NGAYON ko lang talaga narinig na nagsorry siya at.. Sa AKIN pa, grabe! Pero infairness ha? Ang sarap pakinggan, hindi yung sinabi niya kundi yung boses niya.. Sobraaannnnggg sincere

“It’s okay, nga pala kaano ano mo yung babaeng yun?” curious kong tanong

“she's my ex” diretsong sagot niya

“ahh..”

Pagkatapos ng usapang namin yun pumunta na kami sa kanya kanya naming rooms

Pagkatapos ng klase umuwi agad ako kasi maraming nangyari ngayong araw na’to

Pano pa kaya sa mga susunod na araw?


###

Sorry sa slow update, tamad lang✌✌😊😊

©ShammyKaiZ

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 16, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I'm Dating The Campus PlayboyWhere stories live. Discover now