Don't Trust Her

6 1 0
                                    

Kung nakikita lang kami ng mga tao, aakalain na siguro nilang lahat na nasisiraan na kami ng bait. Kapwa kami nakangiti sa isa't-isa na tila wala ng bukas. Ngunit dahil si Ligaya lang ang nakikita nila, alam ko na ganoon din ang iniisip sa kanya ng iba.

Nawala ang ngiti sa aking labi nang biglang magseryoso ang kanyang mukha. Napalunok ako dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Tumatagos ang kanyang tingin. Pakiramdam ko, lampas pa sa kaluluwa ko ang kanyang tinitingnan.

"Gagawin ko lang ang gusto mo sa isang kondisyon."

Bumilis ang tibok ng puso ko. Bigla akong kinabahan nang dahil sa sinabi niya.
"A-ano naman 'yon?"

Mapait na ngumiti si Ligaya.
"Hayaan mong tulungan kita, Romeo. Tutulungan kitang makaalala."

Hindi ko na namalayang hinihila na ako ni Ligaya papunta sa kung saan. Nakatunganga lang ako dahil hindi maiproseso ng isipan ko ang mga sinabi niya. Alam niyang kaluluwa ako. Nahahawakan niya ako. At tutulungan niya akong makaalala? Kaya niya ba ako tinutulungan ay para tuluyan na akong makatawid sa liwanag?

Natigil ako sa paglalakad nang matigil din siya. Naguguluhan siyang tumingin sa akin na parang humihingi ng saklolo. Nang tingnan ko ang paligid ay saka ko lang naunawaan ang gusto niyang sabihin.

Nasa harapan kami ng isang terminal.

"Anong sasakyan natin papunta kina Marsing at Ramon?" Inosente niyang tanong habang nagkakamot sa batok.

Lihim akong napangiti. Nawala ang lahat ng iniisip ko dahil sa kanya. Ang cute niya talaga!

Itinuro ko ang jeep. Mabilis pa sa alas kwatro na hinila niya ako papasok. Umupo ako sa tabi niya samantalang tahimik lang siyang nakamasid. Sabay kaming napatingin sa babaeng nag-abot ng bayad. Nagkatinginan kaming dalawa. Wala nga pala kaming perang pamasahe.

"Kailangan ba talaga ng hugis bilog na pilak na iyon?"

Tumango ako sa kanya. Sinenyasan ko siya na tumahimik muna sa pamamagitan ng paglagay ng hintuturo sa labi. Tila naguguluhan siya sa kinikilos ko kaya ipinagpatuloy niya ang pakikipag-usap sa akin.

"Bakit? Hindi naman kita maintindihan, Romeo." Angal niya. Nakita kong pinagtitinginan na kami ng mga pasahero kaya hinila ko na siya palabas ng jeep.

"O, bakit mo ako hinila paalis? Hindi ba't doon ang sakayan papunta kina Marsing at Ramon?"

Huminga ako ng malalim,
"Magmumukha kang baliw kapag kinakausap mo ako sa harap ng maraming tao."

Sandali siyang natahimik. Nang makabawi ay nag-iwas siya ng tingin habang nakanguso. Napangisi ako. Kakaiba talaga ang babaeng ito.

"Pasensya ka na. Nakalimutan ko na hindi ka pala nila nakikita." Malungkot niyang paghingi ng despensa.

Naging matamlay na si Ligaya simula nang makausap ko siya. Kinailangan ko pa siyang utusan na mamalimos para makakuha kami ng pera pang pamasahe. Sa totoo lang, hindi limos ang ginawa namin, mas tamang sabihing ginamit niya ang charm  niya para makahingi ng pera sa mga tao. Kahit labag sa kalooban ko na lumapit siya sa ibang lalaki, wala akong nagawa dahil hindi ko siya maaaring isamang magteleport.

Nang makakuha na kami ng sapat na pera, dumiretso na kami sa bahay nina Marsing at Ramon. Bumalik ang sigla sa mukha ni Ligaya pero kaagad iyong nawala nang malaman namin na wala si Marsing sa bahay nila. Halos mapuntahan na namin ang lahat ng bahay sa lugar na iyon pero wala talaga sina Marsing at Ramon sa buong baranggay.

"Ayos ka lang?"

Tumango lang siya.

"Hindi ka ba napapagod?" Muli kong tanong dahil kanina pa kami naglalakad.

Today's Romeo and JulietWhere stories live. Discover now