Calm Before the Storm

9 1 0
                                    

Sinalubong ako ng sari-saring ingay sa labas. Nagising ako mula sa mahimbing na pagkakatulog di dahil sa malalakas na paputok, kalembang ng mga paingay o dahil sa tarotot ng mga kabataan, kung hindi nang dahil sa mabining haplos sa aking mukha. Sandali kong nalimutan na isa lamang akong kaluluwa. Buong akala ko’y nakabalik na ako sa aking katawan ngunit nagkamali ako.

“Ligaya…”

“Nasa bahay parin tayo nina Nida at Marsing.”

“N-nasaan sila?” Tila namamaos kong tanong.

“Sa rehabilitation center. Iyon ang sinabi sa akin ni Nida kung sa kaling tanungin mo raw sa akin kung nasaan sila. Sa tingin ko’y mamamalagi muna roon si Marsing.”

Napanatag ang loob ko sa kaniyang sinabi. Hinaplos ko ang mukha ni Ligaya nang makitang umiiyak siya. Nitong mga nakaraang araw ay napapadalas na ang pag-iyak niya. Pinalis ko ang kaniyang luha. Tatanungin ko na sana kung bakit siya umiiyak ngunit para bang nababasa niya ang aking iniisip.

Marahan siyang natawa,
“Masaya lamang ako, Romeo. Masayang masaya. Ang mga luhang ito ay dahil sa labis na saya.”

Nanlaki ang mga mata kong nang makita ang aking mga kamay.
“Ligaya, nawawala na ang pangingitim ng mga kamay ko. Papaanong…” Niyakap ko nang mahigpit si Ligaya. “Ibig ba nitong sabihin, Ligaya ay palaki na ng palaki ang tiyansa na makabalik ako sa aking katawan?” Tumango tango siya kaya mas lalong lumawak ang aking ngiti. Tama nga si Ligaya, matatapos na ito dahil makakabalik na ako.

Ikinuwento ko kay Ligaya lahat ng plano ko kung sa kaling makabalik na ako sa aking katawan. Lahat ng gusto kong gawin katulad ng pag babasketball at makapasok ulit sa paaralan. Ikinuwento ko sa kaniyang mabuti. Hinimay-himay ko dahil may iilan parin siyang hindi maintindihan katulad ng pagsho-shopping sa mall. Gusto ko sana ngang sabihin na gusto ko siyang isama sa lahat ng gusto kong gawin pag ka gising ko ngunit nakita ko ang pagkaalangan sa mukha niya. May gusto siyang sabihin ngunit hindi niya masabi-sabi. Dumaan sa kaniyang mga mata ang sari-saring emosyon na hindi ko na nasabayan.

Mahigpit kong hinawakan ang kaniyang kamay.
“Ipangako mo sa akin na ikaw ang unang makikita ko pagkagising ko. Ipangako mo, Ligaya.” Magsasalita na sana siya ngunit biglang iniluwa ng pintuan si Nida kasama si Jona.

“Ate Juliet…” Si Jona lamang ang tanging tumatawag kay Ligaya nang ganoon. Hinagod ni Ligaya ang likuran ng bata.

“Sshhh… Tahan na, Jona. Bibisitahin naman kita.” Kumunot ang noo ko. Anong ibig sabihin-

“Jona, tama ang ate Juliet mo. Bibisita naman siya sa atin.” Bumaling sa akin si Nida. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwalang nakikita niya ako. “Mag-iingat kayo. Sana makabalik ka na.”

Ipinaliwanag sa akin ni Ligaya ang lahat. Kailangan naming umalis dahil tapos na ang misyon namin kay Marsing. Ngayon naman ay kailangan naming hanapin si Ramon dahil isa siya sa naging dahilan kung bakit ako nagkaganito. Hinanap namin siya sa kulungan dahil ayon kay Nida, hindi pa raw ito nakakapag piyansa ngunit wala na siya sa kulungan. Ayon din sa kanya, hindi ito nakatira sa barangay kung saan nakatira sina Nida. Pumupunta lamang ito doon dahil ang sadya nito ay si Marsing. Tinanong ko iyon dahil minsan ko na siyang nakita sa lugar nang magkagulo sa tindahan noon. Hinanap at hinanap namin siya hanggang sa maubusan na kami ng perang ibinigay ni Nida at malayo na kami sa tirahan ng huli.

Nagpalaboy-laboy kami sa lansangan. Inutusan ko si Ligaya na mamalimos para may pera kaming pambili ng pagkain at inumin niya. Noong una ay napakahirap ng naging sitwasyon ni Ligaya. Lalo na kapag umuulan dahil sa lansangan siya natutulog. Awang-awa ako sa kanya. Ilang beses ko siyang sinabihan na bumalik na lamang kami kanila Nida pero ayaw niya. Kailangan na raw naming mahanap si Ramon. Ngunit kalaunan ay nakasanayan na namin.

Today's Romeo and JulietWhere stories live. Discover now