Chapter 5.1

1.2K 63 0
                                    

kinagabihan ...

Oras na ng pagtulog at magkatabi na si Jongin at Kyungsoo sa loob ng tent. Nag uusap naman sila kahit papaano pero hindi pa din makalimut si Kyungsoo sa kanyang nakita kanina. Haliparot talaga yang Krystal na yan tssss. Ayaw niyang magpahalata kay Jongin kaya kunyari ay masaya siya dahil sa camping din at masaya din naman ang topic nilang dalawa.

Nang maabutan na ng antok ay natulog na silang dalawa. Magkatalikuran silang natulog, tulog na si Jongin samantalang si Kyungsoo ay gising pa din. Masyado siya sigurong nasaktan sa nakita kanina, Mas doble pa ito sa ginawa sa kanya ni Jongin. Dahil sa kanyang nararamdaman ay napilitan munang umalis si Kyungsoo sa kanilang tent at magpahangin muna sa labas

Nang nasa labas na siya ay doon na siya umiyak. Doon na niya nilabas ang kanina pang sakit na nararamdaman niya, sakit na hindi niya mailabas dahil hindi ito alam ni Jongin. hindi alam ni Jongin at Krystal na nakita sila ni Kyungsoo.

   Ang hindi alam ni Kyungsoo ay sinundan pala siya ni Jongin.

Jongin's POV
     Actually , nakatulog na talaga ako pero paggising ko ay wala si Kyungsoo sa tabi ko. Kaya hinanap ko siya at nandito lang pala siya sa labas pero parang naririnig ko na umiiyak siya kaya nilapitan ko ito at tinanong

"Hm? Kyungsoo, bakit ka umiiyak? may problema ba?" concern kong tanong dito

parang nagulat pa ito sa kin kaya pinunasan nito ang mga luha niya

"Ah- Jongin nandito ka pala. Wala ito!" ani Kyungsoo habang pinunasan ang mga luha at ngumiti ng kaunti

"Kyungsoo, kung sakaling may problema ka naman nandito lang ako makikinig naman ako sayo" sagot ni Jongin habang tumitig ito sa mga mata ni Kyungsoo

paano kung ikaw yung problema ko? o ikaw yung dahilan ng pag iyak ko Jongin!

"Ayokong sabihin, Jongin kasi alam kong hindi mo ako maiintindihan"

"Kyungsoo, ano ba kasing problema-"

hindi na natuloy ni Jongin ang sasabihin at napanganga siya sa sunod na sinabi ni Kyungsoo

"Jongin, mahal pa kita! Jongin nagseselos ako sa inyong dalawa ni Krystal. Ngayon alam mo na?!" hagulgol na iyak ni Kyungsoo at kumaripas ito ng takbo palayo kay Jongin

Habang nakaalis na si Kyungsoo ay biglang napaisip si Jongin sa sinabi nito sa kanya. Pero imbis na malungkot ito ay napa smirk ito at hindi niya namamalayang napapangiti na pala siya. dahil nga sa may gusto pa din siya kay Kyungsoo at inamin din nito na may gusto pa din ito sa kanya kaya pwede siyang gumawa ng plano para maging sila ulit ni Kyungsoo. tumakbo siya ng mabilis hanggang makabalik sa kanilang tent.

Pagbalik niya sa kanilang tent ay nadatnan niyang mahimbing nang natutulog si Kyungsoo. Hindi na niya napigilan ang feelings niya kaya hinalikan niya ito sa mga labi nito. Sinamantala niyang tulog na tulog si Kyungsoo. Napa smirk tuloy siya dahil walang kaalam alam si Kyungsoo sa ginawa niya.

Pagkahalik niya ay humiga na siya at niyakap ang taong pinakamamahal niya kahit ilang beses niya itong sinaktan. Napaisip siya kung mapapatawad pa kaya siya ni Kyungsoo?

𝑻𝒉𝒆 𝑺𝒘𝒆𝒆𝒕𝒆𝒔𝒕 𝑹𝒆𝒗𝒆𝒏𝒈𝒆 [𝑪𝒐𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒆𝒅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon