Chapter 10

753 37 0
                                    

Nagising si Kyungsoo dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mga mata niya. Nang malinaw na ang paningin niya ay tumingin tingin siya sa paligid at napansin niyang parang kakaiba ang kwarto na napasukan niya kaya napabalikwas siya ng bangon at doon niya lang nalaman na nasa kwarto siya ni Jongin. Paggising niya ay wala si Jongin sa tabi niya kaya agad siyang bumaba sa salas.

"Good morning my angel, breakfast is ready" nagulat siya nang biglang may nagsalita. Si Jongin lang pala.

Napangiti naman siya sa sinabi ni Jongin kaya niyakap niya ito ng mahigpit.

Nagulat si Kyungsoo dahil hinalikan siya ni Jongin sa lips. nabigla siya pero kinilig din naman siya hihihi !

"Nasaan na sila Baekhyun? atsaka nasa bahay tayo nila Taemin kagabi diba? Nasa mansyon ninyo na pala ako" napatawa na tugon ni Kyungsoo habang sabay silang kumakain ni Jongin

"Ah oo, sobrang lasing mo na kasi kaya nagpasya akong dito ka nalang muna iuwi." nakangiting sagot ni Jongin habang sumubo pa ito ng kaunti na nasa kutsara nito

Biglang napaisip si Kyungsoo, kung sa kwarto siya ni Jongin natulog kagabi, edi magkatabi sila kagabi? Paano kung may ginawa silang something? Paano na? Omoooo! Naisipan na tanungin ni Kyungsoo si Jongin

"Hmm, Jongin? Magkatabi ba tayong natulog kagabi? May ginawa ba tayong something-"

Naputol ang sasabihin ni Jongin na muntik na nitong maibuga kay Kyungsoo ang kape na iniinom nito.

"Ah, oo tabi nga tayong natulog kagabi" naka smirk na sagot ni Jongin

Nanlaki ang mata ni Kyungsoo mas malaki pa sa normal niyang mata. Paano kung may something nga.

"Actually, may something" napalunok na saad ni Jongin at tumingin ng diretso sa mata ni Kyungsoo na para bang nag aalala ito

"Anong something, Jongin?" kinakabahan na tanong ni Kyungsoo dito

"Wala nangyaring something kagabi, pero nung nasa camping tayo doon may something-"

Naputol ang sasabihin ni Jongin na bigla siyang sugurin ni Kyungsoo at sinakal siya nito

"Ano ba!, Kyungsoo wag mo nga akong sakalin baka malaglag ako dito!" daing ni Jongin habang kinokontrol ang pagtulak ni Kyungsoo sa kanya dahil pwede siyang malaglag sa kinauupuan niya kahit ano pang oras

"Anong nangyari doon sa camping!? Magsalita ka Jongin!"

"Teka lang Kyungsoo, magpapaliwanag muna ako, Syempre bitawan mo muna ako diba" naka taas kilay sabi ni Jongin. Agad din naman siyang binitawan ni Kyungsoo

"Aksidente lang naman yung nangyari. aksidente kitang nahalikan Kyungsoo" napa smirk na sagot ni Jongin habang nagpipigil ito ng tawa

"Tssss. nakakainis ka edi di ko na pala yun first kiss diba? Ninakawan moko ng halik nakakainis ka hmp!" pagtatampo na sagot ni Kyungsoo at tumalikod ito habang naka crossed arm

"Sorry na Kyungsoo, alam mo naman na pinagnanasaan ko yang labi mong hugis puso eh." nakayukong tugon ni Jongin habang nilalambing si Kyungsoo

"Sa dami dami ng pagnanasaan mo yung labi ko pa nakakainis huhuhu!" tampo na sagot ni Kyungsoo habang hindi pa din humaharap kay Jongin. nanatili lang itong naka crossed arm

"Syempre, ikaw lang naman mahal ko eh. Wala naman akong iba mahal ah? Atsaka masama bang pagnasaan yung labi ng asawa ko? Sorry na my angel" paglalambing ni Jongin at pinulupot ni Jongin ang mga braso niya kay Kyungsoo

Hindi na nag deny si Kyungsoo. niyakap niya din si Jongin at nag sorry siya dahil medyo nagtampo lang siya.

~fast forward~

Kinaumagahan, ay nasa campus na silang lahat dahil lunes ngayon at pasok nanaman. back to normal lang ulit ang buhay nila~ Hindi nila makalimutan ang birthday ni Taemin na sobrang saya at doon lang nila nalaman na ang lakas pala uminom ni Kyungsoo, dinaig pa nito sila Jongin.

Nang nasa bleacher na sila Kyungsoo ay masaya silang nag uusap.

"Jongin? diba si Kyungsoo sa mansyon ninyo siya natulog? May naganap bang World War III sa kama mo?" nagpipigil ng tawa na sabi ni Taemin at nakipag apir pa ito sa tropa nilang Sehun

"Oo nga. naka ilang round kayong dalawa? Tumirik ba mata ni Kyungsoo? HAHAHA" halakhak na tugon ni Baekhyun dahilan para kotongan siya ni Kyungsoo

Habang masaya silang nagtatawanan ay nagpaalam muna si Kyungsoo kila Jongin na mag cr muna ito sandali.

Habang papunta sa comfort room si Kyungsoo ay ramdam niyang parang may sumusunod sa kanya kaya binilisan niya pa ang lakad.

𝑻𝒉𝒆 𝑺𝒘𝒆𝒆𝒕𝒆𝒔𝒕 𝑹𝒆𝒗𝒆𝒏𝒈𝒆 [𝑪𝒐𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒆𝒅]Where stories live. Discover now